CHAPTER 14

23 15 7
                                    

Kulitan

It's Wednesday evening when I receive a message from Reisse.

From Reisse:
Girl may nakalap akong balita. May reunion daw yung college batch natin. I'm excited na, beach here I come!

Chismosa talaga. Pano niya kaya nalaman, may communication pa siya sa old batchmates namin?

To Reisse:
Kanino mo nalaman and when ba?

From Reisse:
Next week pa naman daw, wala pang exact date kase di pa nainform yung iba. Basta excited talaga ako.

Excited pala ah.

To Reisse:
Maeexcite ka pa kaya kapag nakita mo yung mukha ng ex mong pinagpalit ka?

Lihim akong napatawa ng nagtagalan ito sa pagreply.

Reisse Calling

Hala tumatawag hahahahahaha

"Capital FYI as in For Your Information hindi ako pinagpalit. Ako yung nakipagbreak remember? Grrr wag mo nga ipaalala yang nilalang na yan, naaalibadbaran ako", bungad na sagot nito

Napalakas ang tawa ko dahil sa sabi niya. Halos hindi ako makapagsalita dahil sa paghahabol ng hininga. Grabe laugh trip.

"Wag ka nga tumawa jan totoo naman kahit magkita pa kami wala akong pake... yuck ah", dagdag nito

"Oh bakit ka defensive? Wala naman akong sinasabi ah" natatawa pa din ako

"Bahala ka nga jan, text ko nalang kung kelan yung final date. Ako na din bahala mag-inform sa dalawa. Che jan ka na nga", sabi niya bago i-end yung call.

Napikon amp. Well bakit nga ba siya niloko? It's not my story anymore. Pero naalala ko pa na halos ubusin niya yung alak sa bar nila sa bahay kung kaya ay hindi ko mapigilan na asarin siya.

Pinagsabihan pa siya ng Daddy niya dahil sa mga inubos at binasag niya dahil sa pag-eemote niya. Habang sermon naman yung inabot niya sa Mommy niya, simula una kase tutol talaga yung Mom niya kay Ced, yung ex niya. Nakikita niya daw kase itong may kasama pero ayaw naman maniwala ni Reisse, t*nga si g*ga. Kahit ako din naman duda, mukha palang di na mapagkakatiwalaan. Kaso sabi nga nila "love is blind", may mga nabubulag dahil sa sobrang pagmamahal at isa na nga ang t*nga kong kaibigan sa nagpapatunay.

Napaliwanag ako sa terrace, kitang kita ang ganda ng panahon. Ang kulay ng langit ay kulay bughaw, may mga nagliliparang iba't-ibang klase ng ibon para maglipat-lipat sa bawat puno sa paligid. Yung parke sa ibaba ay napakalinis, walang bahid ng basura. Nahagip ng paningin ko ang grupo ng mga taong may dalang walis at iba pang gamit sa paglilinis. Sa tingin ko ay sila yung mga naatasan sa parteng ito.

Sa sobrang busy ko nakalimutan ko na ang pagpipinta na isa sa mga hobby ko.

I immediately get my art materials. Agad akong pumwesto sa kinatatayuan ko kanina. I choose to paint the blue sky.

Focus na focus ako sa aking ginagawa ng bigla nalang may kumatok.

"Yes?", bungad ko pagkatapos buksan ang pinto. Ano nanaman yung ginagawa ng isang toh dito?

"Bakit ka nanaman andito? Anong sadya mo?", tanong ko

"Ikalma mo mahina yung kalaban isa-isa lang", sabi ni August na itinaas pa yung kamay.

"Ang daldal natin ngayon ah, interviewer ka na pala?", dagdag pa nito. Mukha ba akong interviewer? Ang oa naman parang dalawang tanong lang naman tinanong ko.

"Ikaw yung madaldal, pasok ka na nga." Hinila ko siya papasok. Napansin kong natahimik siya. He scanned my whole room.

Kinuha ko yung atensyon niya sa pamamagitan ng pagtapik sa kaniyang balikat ngunit hindi niya pa din ito napansin. He's too occupied.

Nakailang tapik at kalabit na ako pero hindi pa din siya nababalik sa kaniyang diwa. Mukhang kailangan kong gamitin yung huling alas ko.

Pumunta ako sa harapan niya at bumwelo para sampalin siya. Isang malakas na tunog ng sampal ang bumasag sa katahimikan.

"ARAYYY", sigaw nito. Hinawakan niya ang parte ng kaniyang pisngi na nasampal ko. Sa kabila ng kaniyang pagkamoreno at kita pa din ang pamumula nito.

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Ooops it's not my fault", painosente ko kong sambit

Naglakad ako pabalik sa painting na ginagawa ko kanina. Kahit hindi ko siya nililingon ay ramdam ko yung presensya niyang nakasunod sa akin. Pinagpatuloy ko lamang ang pinipinta ko.

I can feel he's stare at me. Nilingon ko ito para makipagtitigan.

"Nagpipinta ka pala", sabi niya

Nagkibit-balikat ako. Hindi ba halata?

"Snob, feeling famous", bulong niya

"Naririnig kita"

Binalik ko yung focus ko sa patapos kong painting. Konting polish nalang matatapos na siya. Dagdag display ulit toh sa shop. Masyado ng madame kung dito sa room ko ilalagay kaya naisip ko na doon nalang siguro.

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos ko din agad. Kinuha ko yung camera ko para kunan ito ng litrato. For IG purpose syempre, para magkalaman naman yung IG account kong inaamag.

"Hoiii harap ka nga", sabi ni August na kanina pa nasa likuran ko.

Pasigaw akong napareklamo nang ipahid niya sa mukha ko ang pinturang gamit ko kanina. Natatawa siyang nakatingin sa akin kaya nilapitan ko siya at walang tigil na hinampas sa dibdib. Hayop talaga.

Sinamaan ko ito ng tingin bago bumalik sa pagkukuha ng mga litrato.

"Kanina ka pa picture ng picture, para saan ba yan?"

"Pang IG, bakit angal ka?"

"Sus nagpicture ka nga di ka naman kasama, akin na yung camera pumwesto ka diyan", turo niya sa tabi ng painting

"Ayaw ko nga, tignan mo nga yung mukha ko. Ang dumi ko tignan, paano ba kase may panget na nagpahid ng pintura sa pisngi ko"

"Anong panget? Ako?", sabay turo sa sarili. "Malala na yung mata mo, tara sa EO. Masyadong malabo paningin mo eh, nasobrahan ka ata sa kakaselpon", depensa niya

"Bilis na", dagdag nito

Sinunod ko nalang siya. I keep the smile on my face while he's taking a picture of me together with my painting. He keeps on clicking the shot button. Halos hindi na mabilang kung nakailang pindot na siya.

"Wait isa pa, kasali naman ako", sabi niya. Hinarap niya yung camera saming dalawa. Gaya kanina ay ngumiti lang ako sa camera nang biglang may brasong umakbay saken kasabay ng pagclick ng camera.

"Tag moko sa IG post ha, titignan ko mamaya. Grabe ang gwapo ko talaga", he said while scanning the pictures of us earlier

InstallWhere stories live. Discover now