CHAPTER 28

17 10 2
                                    

Family

Kasalukuyan akong nasa unit ni August

"Are you sure that you're okay? Kagabi ka pa wala sa sarili.", he asked

Kilala niya talaga ako.

"You want an honest answer?", I answered him with a question

"Ofcourse, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bigla ka nalang tatahimik tapos hindi mo ako pinapansin. Please tell me what's your problem, what's on your mind? May kasalanan ba ako? If meron then I'm sorry.", mahabang sabi niya

Bakit parang pinapahirapan ko siya kahit wala naman siyang kasalanan?

"No your not at fault, it's just me overthinking."

Seryoso siyang nakatingin ng deretso sa akin

I sighed "I'm just thinking, kung hindi ba kita sinagot dati, si Gale yung makakatuluyan mo. She looks kind, parang hindi makabasag pinggan. Ideal ng kahit sinong lalaki"

"Well not me, kahit siya nalang natitirang babae sa mundo hindi ko siya magugustuhan. My heart belongs to one person which is you, kung hindi lang naman ikaw yung makakatuluyan ko then dibale nalang", sabat niya

"Stop overthinking okay? I'll talk to Mom about this one. Ipapakilala kita sa kanila ng pormal. I don't want my babe to get jealous"

"I love you okay?", he said as he kissed me gently

I smiled at him. He's right, all I need to do is trust him. We love each other, kahit anong balakid pa ang dumating hindi kami maghihiwalay ng dahil lang sa simpleng bagay.

"You want pizza?", I nod "Sige papadeliver nalang tayo", umiling ako bilang pagtanggi

I'm craving for sweets especially ice cream.

"Teka lang, bakit hindi ka pala pumasok?"

Monday ngayon kaya I assume na dapat nasa company siya ngayon.

"I'm the boss, pwede ako pumasok kahit kailan ko gusto. Wala namang appointments ngayon"

Dahil sa inis ay nahampas ko siya sa bandang braso.

Napaaray naman siya dahil sa sakit. Napangiwi ako dahil sa naging reaksiyon niya, masyado ko atang nalakasan.

"Hala sorry, saan masakit", nag-aalala kong tanong

Tinuro niya yung braso niya. I kissed that part.

"Masakit pa ba?"

Tinuro niya yung balikat niya at ganun ulit yung ginawa ko.

"Dito pa, masakit", turo niya sa labi niya

Nahampas ko ulit siya ng wala sa oras, sa pagkakataong ito ay napahiyaw siya sa sakit. Nakakaguilty pero kasalanan niya naman, puro kalokohan kasi.

"Ikaw kasi", sisi ko sakaniya

"Nangsisi pa", rinig kong bulong niya

Agad na nagsalubong ang kilay ko.

"Iniiba mo yung usapan eh, bakit hindi ka pumasok? Dapat role model ka para sundin ka ng mga employee mo.", sermon ko

"Ikaw din naman hindi pumasok"

"Nagpaalam naman ako", palusot ko

"Sige papasok ako pero"

"Pero ano?", tanong ko

"Sasama ka sakin" nakangisi niyang sabi

"Ano naman yung gagawin ko doon aber?", pagtataray ko

"Tititigan mo yung gwapo kong mukha buong maghapon syempre.", sagot niya na may halong pagmamayabang

"Nasaan yung gwapo jan?", asar ko

"Ayan oh, kita ko yan?", sabi niya sabay turo sa sariling mukha "Gwapo yan"

Fine, boring naman dito sa bahay.

Dumaan kami sa pizza house at ice cream bago pumunta sa company niya. Syempre uunahin ko yung cravings ko, top priority yung foods.

We stay at his office for a few minutes simula ng makarating kami. He. Totoo nga yung sabi niyang wala siyang meetings and appointments. Halos tumambay lang kami dito.

Sabay kaming napalingon ng may pumasok sa office niya, it's his parents. Ngayon ko lang nakita yung Dad niya kasi mukhang busy ito kagabi.

"Hiii son, I brought Gale here. Maybe you can have a little conversation, getting to know each other you know.", parang kinikilig pa nitong sabi

She really don't have an idea.

"Mom let's talk outside", aya ni August

Bakas ang gulat sa mukha ng mom niya ng halikan niya ako bago sila lumabas.

Naiwan kaming tatlo ni Gale at Dad niya dito sa loob.

"You're his girlfriend right?", gulat akong napatango sa tanong ng Dad ni August

"So I assume that you're Zuri."

"Paano nyo po nalaman?", takang tanong ko

"Well I know my son very well. When he's still a kid wala siyang ibang bukang bibig kundi Zuri, kalaro niya daw yun and he said that he promised na ikaw lang daw yung gusto niyang makatuluyan.", I waited for him to continue

"Mukhang nahanap ka na nga niya talaga. Muntik pa namin siyang mapagkamalang bakla dahil mas gusto niyang kasama yung mga kaibigan niya kaysa sumipot sa mga blind dates na plinano ng Mom niya", kwento nito

"Call me Tito, pwede din Dad. Doon din naman yun patungo", I think alam ko na kung saan nagmana si Buwan. Pareho silang maloko buti nakayanan din siya ni Tita.

May similarities din pala kami. Pareho kaming nakaranas ng blind dates and unexpected dates na plano ng mga magulang namin.

Napalingon ako kay Gale na nakikinig lang sa amin. Nakangiti ito na para bang wala lang sakaniya yung narinig.

"Pasensya ka na", hingi ko ng tawad sakaniya. Baka gusto niya din si August at nag-expect siya.

She just chuckle "No worries, I don't like him anyway. I love his friend"

"He's friend, you mean Genesis?", takang tanong ko

"Yuckkk nakakasuka naman.", napalingon ako kay Tito dahil nagtataka ako sa reaksiyon nitong isa

"They're cousins", natatawang sagot ni Tito sakin. Ow kaya pala, my bad.

"I am talking about Lance, his my boyfriend.", sabat ni Gale

Okayyy? I'm not that close sa mga kaibigan niya but I think nagkita kami before doon sa beach, that time na nakilala ko din sila Genesis.

Nakwento niya din na her parents want to have a partnership with this company kaya gusto nilang mapalapit siya sa pamilya ni August. I can't believe na malutong siyang nagmumura habang nagkukwento, kesyo nawalan daw siya ng time para makapagbonding kasama yung boyfriend niya.

Tahimik lang akong nakikinig. Mukha lang pala siyang mahinhin but she's totally the opposite.

Napalingon kami ng pumasok sila August.

Halos matuod ako ng yakapin ako ni Tita bigla. Anong meron?

"Wahhh sorry hija, I thought you're his friend. I didn't expect na girlfriend ka pala niya.", sabi nito habang nakayakap pa din

Lumingon ako kay August para humingi ng tulong, mahigpit kasi yung pagkayakap parang medyo mahirap huminga. Mukhang naintindihan niya naman yung gusto kong ipahiwatig.

"Mom you're squeezing her"

"You okay?", he asked me pagkatapos akong bitawan ni Tita. I nod, pero medyo mahigpit talaga legit.

"Ay sorry, welcome to the family. Call me mom", Parehong makulit yung parents niya.

"Let's have a formal dinner tomorrow, what do you think?", Tita asked us

August look at me waiting for my answer.

"Sure po", pagpayag ko

"Nakuwento ni August na you're Hanna and Sandro's daughter. You can bring them too, namiss ko yung dalawa.", she looks happy while saying it

InstallOù les histoires vivent. Découvrez maintenant