CHAPTER 22

18 11 6
                                    

Drunk

Maaga akong nagising kinabukasan. Kumuha lang ako ng bread at nilagyan ng egg. Wala ako sa mood gumalaw parang nanghihina ako ngayong araw.

Matamlay akong lumabas sa unit ko. Papasok na ako sa elevator nang makita ko si August. Tatawagin ko na sana ito ng biglang lumabas din sa unit niya yung babae kahapon. So doon yun natulog?

Nang lumingon ito ay dali-dali kong sinara ang elevator.

"Sheyyy hintay", rinig ko pang tawag niya

"Tama yan Shey, huwag mo siyang pansinin. Hindi ka maninira ng relasyon ng iba kaya didistansya ka", sabi ko sa isip ko

Para akong zombie na naglalakad papasok sa shop ko. Wala sa sarili kong binati ang mga empleyado ko. Dumiretso ako sa opisina ko, nanatili akong nakaupo at nakatulala.

Sa tingin ko ay nagtataka yung mga nasa labas kung bakit dumiretso ako dito. Kadalasan kase ay tumatambay pa ako kasama sila para makipag-usap.

Makalipas ang ilang oras ay wala pa ding Cara na kumatok. Talagang kilala na nila ako. Alam nila kung kailan ako hindi pwedeng distorbohin.

Naisipan kong gumala kaya inaya ko yung tatlo. As usual si Reisse ang unang tinawagan ko. I told her to meet me at the coffee shop near my location.

I'm not wearing a formal attire kaya hindi ko na kailangang mabihis. Black sleeveless isn't bad afterall.

I ordered a cup of cappucino nang makarating ako sa coffee shop.

Naghintay ako ng ilang minuto bago pa makarating yung tatlo.

"Seriously, kape sa tanghaling tapat? Okay ka pa ba?", bungad ni Reisse

"Ofcourse she's not, look at her", gatong ni Scarlet

"You look like a sh*t girl", Grei said

Mukhang wala akong kakampi dito sa tatlo ngayon.

"Bar tayo", aya ko sa kanila. Finally I said it. Siguro nagtataka sila, for the first time nag-aya ako. I hate drinking and bar hopping but I think I need it for today to clear my mind.

"It's not Shey anymore"

"May masamang espirito atang pumasok sa katawan niya"

"Baka napasukan ng hangin or nalipasan ng gutom? pwede na siyang dalhin sa mental"

Napailing nalang ako ng mapansing nagbubulungan sila. Nagtatanguan pa sila na para bang sumasamg-ayon sa sinasabi ng bawat isa.

"Mas mabuti pang pumunta nalang tayo sa spa", Scarlet suggested

"I totally agree, mukhang need mo beh. Ang hagard mo today, mukha kang zombie na walang nabiktima", pagsang-ayon ni Reisse

I look at Grei para hintayin yung sasabihin niya, nagkibitbalikat lang siya sabay sabing "I agree with them, It's too early para magbar. Wala pang mga papa doon kapag ganitong oras, means boringgg"

Bagsak balikat akong nagpahila sakanila. Fine as if I have a choice.

While we are having a spa isa lang ang masasabi ko, relaxinggg. Parang gumaan ang pakiramdam ko kahit konti.

They keep on asking me if what is my problem. Gusto kong sabihin sakanila but I think it will be better if I keep it for the mean time, maybe later? Baka magkalakas ng loob ako if I will tell it to them when I'm in my drunk state.

We buy some cosmetics too. Mukhang kailangan ko daw nun para magmukha naman akong fresh tignan.

•••••

Bumungad samin ang malakas na sound nang makapasok kami sa napiling bar. The smoke coming from random people's ciggarettes fill the whole area. Muntik pa akong mapa-ubo ng malanghap ko iyon.

Umupo kaming tatlo sa isang couch na medyo malayo sa dance floor habang si Grei naman ay humiwalay na. Maghahanap daw ng pogi.

"So care to share your problem?", Reisse opened up the topic.

I give her a bored look. I'm still not in the mood to share.

I keep on ordering a glass of tequila. I don't know if nakailang glass na ako.

"Alam nyo bah? Akala ko talaga totoong gusto niya ako. May pa I like you pa siyang nalalaman hahahahaha"

"I like you, you are my rest daw. Ako naman tong uto uto kaya naniwala"

"Anong nangyare diy---", nakita kong tinakpan ni Reisse ang bibig ni Grei na kakadating lang.

"Ang tanga tanga ko, may girlfriend pala. Tawag pa ng babae sakaniya baby, sana all naman"

"Baka kaibigan lang o di kaya ay relative?", Scarlet said

"Actually naisip ko din yan *hik* pero sa unit niya natulog. Isa lang naman yung room sa every unit so magkatabi sila? hahahahaha ang tanga ko. Edi sila na", sagot ko

"Eh tarantado pala yun eh, support pa naman sana ako sakaniya. Madami pang ibang lalaki jan, maghahanap tayo tonight", Reisse said

Ang mga sinabi niya ay parang naging signal sa akin. Nauna akong pumunta sa dance floor. I dance seductively, I sway my hips. I feel someone hold my waist but I don't care, I just want to have fun.

Hindi ko alam kung ilang lalaki na yung nakasayaw ko.

Medyo nahihilo na din ako. Nang makabalik ako sa kinauupuan namin kanina ay nakita kon tumba na yung tatlo.

Akmang tatawagan ko na si kuya para magpasundo pero naisip kong baka sermon yung abutin ko.

Napatigil ang tingin ko sa entrance when suddenly a group of men entered.

Mukhang familiar yung isa. Tama! naalala ko na he's Genesis. Nilibot ko ang paningin ko sa mga kasamahan niya para tignan kung naroon ang iniiwasan ko. Good thing at wala, he's probably enjoying with he's girlfriend. I laughed with that thought.

Lumapit ako sa kinaroroonan niya para humingi ng favor na ihatid kami.

Binati ko siya nang makalapit ako.

"Oi chix", i heard the other guy said

I give him a smile "Hey handsome"

"Can I get your num---"

"Huwag mo na subukin, Pagmamay-ari ni Walo yan", pagputol ni Genesis sa sasabihin ng kasama

Hinila ako nito palayo sa mga kasamahan niya.

"Teka are you drunk?", he ask. I answered "Konti lang, tipsy hehe", i even action my hand

"Patayyy tayo jan", mahinang bulong niya

"Hatid mo kami please, tumba na yung tatlo. Di na namin kaya magdrive", nakanguso kong sabi

"Fine, bumalik ka muna doon. I have to call someone"

Nahihilo na talaga ako. Naisipan kong umidlip kahit saglit.

I heard some footsteps but I don't have an energy to open my eyes.

"Sabi sa tumba na eh, ikaw ng bahala jan. Ang kulit kanina, ako na mag-uuwi dito sa amazona. Isasama ko na din tong dalawa"

"Thanks Gen"

Naramdaman ko nalang na may bumuhat sa akin. Para akong nakalutang. Inamoy-amoy ko pa ang bumubuhat sa akin. Ang bango pero bakit parang familiar yung amoy? Parang si August.

"Familiar ka pero imposible namang andito siya, busy yun sa girlfriend niya. Ikaw ba may girlfriend ka, kung wala pwede bang ako nalang? Ligawan mo ako ah hihi",inaantok kong sabi

"Silly I'm already courting you"

"Talaga? so boyfriend na kita ha"

"I hate it when you're drinking but I think I'm starting to love the drunk you, too cute", iyon ang huli kong narinig bago ako tuluyang nakatulog.

InstallOnde histórias criam vida. Descubra agora