CHAPTER 25

14 9 2
                                    

Couple

Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ay tahimik lang ang lahat. Focus na focus sila sa pagkain, kahit sila August ay ganun din.

"Ate mauna na po kayo, sasabay nalang po ako kay kuya August", paalam ni Basty. Tinignan ko siya gamit ang nagtatanong na titig. Nang wala akong nakuhang sagot ay lumipat ang tingin ko kay August.

Mukhang wala silang balak sabihin kung bakit. Ano namang gagawin ng dalawang to. Parang kanina lang sila nagkabati tapos ngayon may sabay pa silang nalalaman.

Kahit nagdadalawang isip ay pumayag nalang ako.

Pagkatapos namin kumain ay inaya ko si Cassy na umuwi na. Palingon-lingon pa ako kila Basty. They just wave their hands at me.

Huminga ako ng malalim bago sumakay sa kotse.

Dumaan kami saglit sa park. Nagrequest kasi si Cassy kung pwede daw siya maglaro kahit saglit lang. Aangal pa sana ako pero mukhang gusto niya talaga kaya nilagyan ko nalang siya ng towel sa likod sa kadahilanan na wala kaming dalang extra shirt para pamalit.

Umupo lang ako sa bench kung saan ako lagi nakapwesto tuwing pumupunta kami dito.

Nakasunod lang ang paningin ko kay Cassy. Kasalukuyan siyang nakasakay sa swing. Hindi naman delikado dahil mababa lang ito. Maya-maya pa ay may kinausap siyang isa pang batang babae. Siguro ay isa sa mga kalaro niya dito. Nagkayayaan ata silang pumunda sa slide, sa direction na yon kasi sila patungo.

Medyo matagal na din pala ng makatambay ako sa mga park. Nakakamiss din kumuha ng mga litrato para gawing reference sa pagpipinta.

While waiting ay inabala ko ang sarili ko sa pakikinig ng music. Sana lang ay hindi ako makaidlip. Papikit-pikit pa ako habang nakikisabay sa kanta.

Hindi ko namalayan kung gaano na ako katagal dito sa pwesto ko.

Nabalik ako sa reyalidad ng may tumapik sa akin.

"Tapos ka na?", bungad na tanong ko kay Cassy na nasa harap ko na pala.

Agad ko siyang pinunasan. Grabe yung pawis niya, kahit yung towel na nasa likod niya ay puno na ng pawis.

Napagdesisyonan naming umuwi na para makapagpalit na itong kasama ko. Mas mabuti ng makapagbihis agad baka matuyuan siya ng pawis at magkasakit pa siya.

Nang makarating sa condo ay dumiretso kami sa unit nila.

Bumungad sakin si Nay Helen na buhat ang bunso niya.

Tinawag ko ito, nang makalingon at tinignan niya ako ng nagtataka. "Nasaan si Basty, Hindi nyo ba kasama?", taking tanong nito

"Kasama po si August, maya-maya po siguro ay andito na din yon", paliwanag ko

Dahil inaalagaan niya si baby ay napagdesisyonan kong ako nalang ang magbibihis kay Cassy. Kung tutuusin ay kaya na nito ang sarili niya pero mukhang kailangan niya ng tulong sa ngayon, halatang napagod ito kakalaro. Halos hindi na makakilos ng maayos. Parang kanina lang sobrang energetic niya ngayon tumba na.

Pagkatapos ay nagpaalam naman ako para lumipat sa unit ko.

Pagkapasok palang sa kwarto ay sumampa na kaagad ako sa kama.

Nakakabored din tumambay dito mag-isa. I decided na ayain yung tatlo para mag-overnight.

I started a group call.

"Free kayo later? Overnight tayo", sabi ko sa kanila

"Pass ako girl, grounded ako remember", Scarlet said

"Ako may date kami ng jowabels ko eh", sagot naman ni Grei

"Ako naman---"

"Huwag mo na sagutin, busy ka. Alam kong yan yung isasagot mo*, pagputol ko sa sasabihin ni Reisse.

"Nadali mo girl", sagot nito

I sighed before ending the call.

Humilata lang ako buong maghapon hanggang sa hilahin ako ng antok.

•••••

Nagising ako dahil sa isang katok. Inaantok akong bumangon para buksan ang pinto.

Napalingon ako sa paligid, wala namang tao. Sino yung kumatok? Multo? Meron ba non kahit hapon.

Napadako ang tingin ko sa sahig, may isang paper bag na nakalapag. Hindi ko na sana papansin kasi baka namali lang sila ng unit na pinadalhan pero may nakita akong card na nakasabit at dahil likas akong chismosa ay tinignan ko.

"To: Shey, Wear this tonight -A", basa ko sa nakasulat

Ano bang laman nito. Suotin ko daw mamaya, wala naman akong pupuntahan mamaya. High ba to, lutang o nabagok?

Kasabay ng pagpasok ko sa unit ay ang pagtunog ng cellphone ko.

I received a message.

From Buwan:
Meet me at the Lacuenco Park, 7pm.

Anong trip nito at bakit doon? Yung park na tinutukoy niya ay malapit sa mansion ng pamilya namin kaya ang weird. May park din naman dito malapit sa condo.

It's 5:30 pm, may oras pa naman. Habang naghahanap ng masusuot ay sumagi sa isip ko yung paper bag kanina. Hindi ko pala nacheck kung anong laman.

Pagkatapos kong buksan ay bumungad sa akin ang isang off shoulder dress. Ito nalang yung susuotin ko, mukhang sakanya nga to galing.

Nang marating ko ang park ay nilibot ko ang paningin ko sa paligid ngunit wala akong makitang ibang tao. Halos iba't-ibang ilaw lang ang mapapansin sa paligid

"Open your Anonymous Diaries app", basa ko sa mensahe galing kay August

Kahit nagtataka ay sinunod ko ito. Matagal na din pala yung huling gamit ko nito. Parang kailan lang nung napagtripan ng kaibigan ko na i-install ito.

I received a message "Look at your back", agad naman akong napalingon.

Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng lalaking kanina ko pa hinahanap.

Habang papalapit siya ay sunod-sunod ang pagdating ng mensahe sa akin. I look at those messages. Naguluhan pa ako dahil isa isa ang letra sa bawat mensahe.

I look at him who's standing in my front when realization hit me. Pinagdugtong ko ang bawat letra. It's say "Will you be my Girlfriend?"

"Seryoso ka?", I asked him pero ngiti lang ang sinukli nito

"Hershey Uzuri Villarreal, Will you be my Girlfriend?", he asked

Matagal bago ko siya sagutin. Pansin kong nanginginig siya at nakailang lunok na din siya.

"Hindi",pabitin kong sabi

Muntik na akong mapatawa ng malakas ng mapansing biglang nanlumo ang kaniyang mukha.

"Hindi ako tatanggi", dugtong ko

Napatulala pa ito, mukhang hindi niya pa masyadong naintindihan. "Talaga?", I nod. "She said yesss", nagulat ako ng nakarinig ako ng palakpakan. Nang mapatingin ako sa paligid at nandoon ang nga magulang ko, sila kuya, ang mga kaibigan ko at kahit sila Basty. Naroon din yung mga kaibigan niya.

Nakangisi na nakatingin sa akin ang mga kaibigan ko. Sinamaan ko sila ng tingin, busy pala ah. Kaya pala parang iba yung pakiramdam ko kanina.

Bumalik ang tingin ko sakaniya ng may maramdaman akong kung ano sa leeg ko. It's a necklace with a moon pendant, ang ganda.

Napa-angat ang tingin ko sa kalangitan ng biglang nagkaroon ng fireworks display.

I didn't expect na mapupunta kami sa ganito. We are now officially a couple.

InstallWhere stories live. Discover now