CHAPTER 18

22 13 3
                                    

Confession

Nakailang katok ako pero hindi niya pa din binubuksan. Naiiyak na ako. Napa-angat ako ng tingin ng makarinig ako ng pagkabukas ng pinto.

"Shit why are you crying?",natataranta nitong tanong

Hinila pa ako nito papasok sa unit niya. Nagdadalawang isip pa siya kung saan kukuha ng pamunas. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

Pinunasan niya yung luha ko gamit ang magkabilang kamay niya. Doon ko namalayan na hindi pa pala siya nakabihis. Mukhang bagong ligo.

"Magbihis ka nga", nahihiyang sabi ko

"Oh right, wait lang"

"Bakit kase ganiyan lang yung suot mo"

"Nataranta kase ako, bigla ka kasing kumatok. Akala kong sino"

Pinaupo niya ako sa sala ng condo niya. Ilang minuto pa ay may biglang tumabi sa akin. I know it's him.

"So what brought you here?", he ask

"Ahm ano kase, sorry sa ginawa ko kanina. Alam kong mali ako"

"It's fine, I'm not mad"

"Totoo?", tumango ito

"Eh bat nag-eenglish ka? Galit ka eh", malungkot kong sabi

"I'm not --- Totoo hindi ako galit. Di ko naman kayang magalit sayo"

"Sorry, promise papansinin na kita kahit anjan pa sila Basty", tinaas ko pa yung kamay ko

"About that, I'm serious earlier. Nagseselos ako kase wala sakin yung atensyon mo"

Napayuko pa ito na parang nahihiya sa pinagsasabi.

"Bakit ka kase nagseselos. Magkaibigan pa din naman tayo kahit na kag Basty yung atensyon ko"

"Nanliligaw ako", mabilis nitong sambit

"Ha?"

"I said I'm courting you."

"Ako", sabay turo sa sarili. "Nililigawan mo? Huwag ka nga magbiro"

"Hindi ako nagbibiro. Nagpaalam na ako sa parents mo pati sa kuya mo. They all agreed. Binibigyan kita ng bulaklak. Inalam ko din yung mga favorite foods mo.", napatulala ako

"Hindi ko alam kung manhid ka ba kaya hindi mo naramdaman o nalalaman yung meaning ng mga gestures ko. Pero okay lang. Hindi ako susuko. I'm courting you, keep that in your mind at wala akong balak na tumigil", he added

Lutang pa din ako ng hinatid niya ako sa unit ko.

"Goodnight, I like you and I meant it"

Naramdaman kong may lumapat na labi sa noo ko.

Tango lang ang naibigay kong sagot.

He like me? Paano-- Bakit ako?

•••••

Kasalukuyan akong nasa opisina ko. Hindi ko alam pero simula kagabi ay parang wala ako sa sarili. Hindi din ako nakatulog ng maayos. Mulat lang yung mata ko buong magdamag. Kahit anong pilit kong matulog ay ayaw makisama ng mga mata ko. Tuwing pipikit kase ako ay mukha niya yung nakikita ko.

Normal pa ba toh?

"Hoiii babae!"

"Goodnight, I like you and I meant it"

"Ay I like yo--- ano bah", natauhan naman ako dahil sa boses ni Reisse. "Bakit ka ba andito?", tanong ko

"Pinapasok mo siya?", tanong ko kay Cara

"Opo, tinanong po kase kita kanina. Parang wala kayo sa sarili, tumango naman po kayo kaya akala ko pwede na", sagot nito

Napahilot ako sa sentido. Sinenyasan ko itong lumabas.

"Woiii ikaw ah, anong I like you", pang-aasar ni Reisse. Tinusok-tusok niya pa yung bewang ko kung saan meron akong kiliti.

"Wala, bakit ka pala andito?", tanong ko

"Huwag mo nga ibahin yung usapan. Kanina ka pa daw wala sa sarili. May hindi ka ba sinasabi?"

Andon pa din yung pang-aasar sa paraan ng pagsasalita niya.

I think I don't have a choice kundi magkwento.

"He said, he likes me", pag-uumpisa ko

"Sino? Magkakalovelife ka na. O to the M to the G", parang mas kinikilig pa siya

"August", maikling sagot ko

"For real? Kailangan toh malaman ng dalawa. Magtwetweet din ako mamaya. Hashtag my bestie is having a lovelife na"

"Reisse, huwag mo ipagsabi. Secret nga natin yon", pagmamaktol ko.

"So diba he said that he likes you. Nanliligaw na bah?", I nod

"Kyahhh kinikilig ako", pasigaw niyang sabi

"Tumahimik ka nga, baka marinig ka ng mga nasa labas kung ano pa yung isipin.

Natahimik kami ng biglang may kumatok.

"Miss S may naghahanap po sainyo, yung pumunta din po dito noong nakaraan"

"Okay let him in"

As expected it's August. He's still wearing his office attire. Tanghali na din kaya siguro napadaan siya dito.

"Hi sorry to disturb you. May bisita ka pala. Hintayin nalang kita sa labas? Tapusin nyo muna yung pinag-uusapan nyo.", he said

"No, no mauuna na din ako. Don't forget the reunion Shey. Bye lovebirds enjoy", she said bago lumabas. Halatang nang-aasar, may pakindat pang nalalaman.

Mahabang katahimikan ang namayani. Sa totoo lang ay naiilang pa din ako kaya hindi ko alam kung paano ako haharap sakaniya.

"Ah bakit ka pala andito?"

"Busy ka ba ngayon?"

Sabay naming tanong

"Ah hindi naman", naiilang kong sabi

"Pwede ba tayong sabay maglunch?", he ask

Naisip kong tumanggi pero baka isipin niyang apektado talaga ako sa biglaang pag-amin niya kagabi.

"Pwede naman"

Dinala niya ako sa isang Filipino Restaurant. Maganda yung paligid, talagang masasabi mong pinoy yung may-ari dahil yung mga gamit ay parang antique at old style yung design.

We're silent while waiting for our order.

"Kanina ko pa napapansin na naiilang ka saken. Is it because of my confession last night? I'm sorry if nabigla kita."

"Ah hinde, no need to be sorry. Hindi lang siguro ako sanay kaya ganito yung reaksiyon ko."

"Isipin mo nalang na walang magbabago. Pwede ka pa din naman magtaray o di kaya manghampas kapag nagugulat ka. I don't mind.", pagpapagaan niya ng loob ko

I smiled. He's too good for me. Bakit sa akin pa siya nagkagusto? Masyado akong manhid para magustuhan niya. Do I really deserve him?

He keeps on telling me stories, and his funny experiences. Parang biglang nawala yung pagkailang ko dahil doon. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tawa ng tawa. The atmosphere suddenly became light.

Hindi ko namalayang pati ako ay nagkukwento na din.

He's indeed my walking diary. Dati through an app lang kami nag-uusap at nagsasabihan ng problema pero ngayon personal na.

Hindi ko alam pero I'm happy when he's around. I'm comfortable with his presence. Maybe he's my suitor but I see him as my living diary, my bestie and one of those person who I trust.

InstallWhere stories live. Discover now