CHAPTER 15

24 15 4
                                    

Office

Pagkatapos ko ipost ang mga litrato namin kanina ay puro message galing sa mga kaibigan ko yung natanggap ko.

Reisse Saavedra sent a picture.

Reisse: Hoiii babaita bakit magkasama kayo ni August.

Scarlet: Akala ko ba friends lang?

Grei: Nauna pala tumubo yung harot bone mo. Tuckseal ka

Kailangan ko ba magpaliwanag? Wala naman akong masamang ginagawa noe.

"Ang oa nyo, nagkataon lang na bumisita siya habang nagpipinta ako kaya ganiyang yung nangyare. Mga ma-issue kayo che", reply ko sakanila

Reisse: May ganon nagkataon tapos sa mismong condo mo napadpad?

"Malamang magkaharap lang kami ng room. Oh may tanong pa?"

Grei: WHATTT MAGKAHARAP LANG KAYO NG ROOM!

Ay big deal bah? Teka nga. Hindi ko ba nasabi sakanila?

Nawala ako sa pag-iisip ng biglang sunod sunod na tumunog ang notification ko sa Instagram. Nagulat ako ng biglang dumami yung reacts at comments sa post ko. Bakit sila napadpad dito?

Binasa ko yung comments ng iilan

@karlyzx
Taken na bah si fafa Eight?

Mukha bang taken beh? Kapag may kasama taken agad?

@byeight
Sino yung girl?

Napunta ka sa wall ko pero hindi mo kilala yung may-ari nitong account? Chismosa mo naman eneng

@eAight
Wala ng chance, ang ganda pa naman ni girl

Ay thanks sa complement beh pero madaming namamatay sa maling akala lalo na kapag galing sa chismis yung info.

@august_montero commented on your photo.
Good girl baby. Ang gwapo ko talaga jan.

Anong baby, mamaya ka saken. Mas padami ng padami yung mga comments na natanggap ko. May mga positive comments pero hindi talaga maiiwasang may naliligaw na negative yung impact sakin.

So it's because of August? Yung private life ko wala na.

Padabog akong tumayo para puntahan si August sa kabila. Malakas akong kumatok. Oo walang card dito, susi lang.

Isa pa, kapag hindi toh lumabas baka anong magawa ko.

Akmang kakatok na ako ulit ng biglang bumukas yung pinto.

"Sino ba yan", napatigil ito sa sasabihin ng makita ako "Ikaw pala, hi baby pasok ka hehe", sabi niya habang binibigyan ako ng espasyo para dumaan. Masama ang tingin ko sakaniya habang naglalakad papasok.

"Oh anong tingin yan, gabi na may sama ng loob ko pa den", sabi niya

"Talagang sasamain ka saken. Anong baby? Alam mo bang dinagsa ng mga fangirls mo yung account ko sa IG."

"Wala gwapo ako eh"

"BUWANNN, ipapatapon talaga kita sa buwan hayop ka!", sigaw ko. Napapikit naman siya habang nakatakip yung kamay sa tenga.

"Aray naman, sisirain mo ba yung tenga ko? Akala ko ba prim and proper ka, bakit mukhang bungangera."

"Hindi mukha mo yung sisirain ko, animal ka"

"Ano bang gusto mong gawin ko, ansakit talaga", aniya. May binulong pa ito sa huli.

"Sabihin mo sa mga fan girls mo o kung sinong mga chismosa man yan na tantanan nila AKO. Kuha mo? Linawin mo din na hindi moko jowa kaya wag silang ma-issue mga shuta sila!", singhal ko sakaniya

"Oo na, swerte mo nga napagkamalan kang jowa ko eh. Look ang gwapo ko", sabay turo sa mukha

Che bahala siya jan. Padabog akong naglakad pabalik sa kwarto ko. Hindi ko na pinansin yung pagtawag nito sa akin.

Napasandal ako sa pinto ng unit ko. I inhale and exhale to calm my self. Hindi ko alam pero kumukulo talaga yung dugo ko, parang gusto ko manakit.

I opened my Instagram again to check. Medjo tumahimik naman na sila, mabuti naman.

•••••

Kinabukasan, 9am na ng maisipan kong mag-ayos para pumunta sa shop nang matanggap ako ng mensahe galing kay August.

From Buwan:
Hi can you get the brown envelope on my unit? I just need it right now. Pretty please.

Ang kapal naman. Nakalunok ba siya ng encyclopedia at ako pa talaga yung inutusan?

So paano ko makukuha, mukha bang hawak ko yung susi?

I replied "Mukha bang hawak ko yung susi?"

From Buwan:
I'll call, punta ka sa baba ako kakausap sa staff. Please need ko lang talaga.

Fine psh. Agad akong naglakad papunta sa elevator. Nang makarating ako sa ground floor ay tinext ko si August para makatawag na siya.

I ask the staff about the spare key. At first ayaw pa nito ibigay kaya inabot ko nalang yung cellphone ko para silang dalawa yung mag-usap. Pagkatapos ko makuha ay bumalik din ako kaagad sa itaas.

Mabuti nalang at may elevator, hindi ako masyadong napagod sa paglalakad. Mabuti nalang talaga.

Nang mabuksan ko ang unit niya ay bumungad sa akin ang panlalaking amoy ng paligid. Malamang lalaki yung may-ari diba. Wala akong makitang kalat, ang mga bagay ay nasa tamang pwesto kaya malinis tignan.

Siguro ay hindi ko napansin yung paligid kagabi dahil wala ako sa mood ng pumasok ako dito.

Para matapos na ay dumiretso ako sa kwarto nya para kunin yung pakay ko. Noong una ay nahirapan pa ako dahil madaming brown envelope pero may napansin akong isa na nakapatong lang sa mesa. Siguro ay ito yung tinutukoy niya.

Bumyahe ako papunta sa kompanya niya. It doesn't give me a hard time since it's kind a well-known. Bago ako pumasok ay nagtext ulit ako sakanya. Baka hindi ako papasukin, pansin pa naman yung mahigpit nilang security.

Nang makapasok ako ay sinalubong ako ng isang employee maliban sa guard na pinagbuksan ako.

"Miss Hershey Villarreal po?", the employee ask me

I nod as a response.

"I'm Karylle Rodriguez, Mr. Montero's secretary. I'm here to accompany you to his office", binigyan ako nito ng parang visitor pass.

Akmang iaabot ko na yung brown envelope pero sabi nito ay ako nalang daw mismo yung magbigay. Bakit kailangan ako pa? Pwede namang siya nalang para makadiretso na ako sa shop ko.

Habang naglalakad kami ay rinig ko ang bulungan ng ibang empleyado.

"Sya yon diba?"

Ang alin beh? Yung maganda ba? Walang duda ako yon.

"Akala ko ba di siya girlfriend ni boss, mukhang ayaw lang ata ipagsabi"

Anong girlfriend. Seryoso ba sila jan, ako pa talaga.

Madami pa akong bulong na narinig habang naglalakad kami. Dinedma ko nalang.

She let me sit in the couch inside the office. She even ask me if I need food or any drinks but I declined. Inabot ako ng halos isang oras kakahintay. Dahil likas akong mainipin ay lalabas na sana ako para magpaalam sa secretary niya ng bigla nalang bumukas ang pinto.

And guess what?

"Ang tagal mo!", bungad ko sakaniya pagkatapos ko ibato yung ballpen na nakuha ko sa mesa niya kanina.

Nagulat pa ito na para bang hindi niya ini-expect ang ginawa ko.

InstallWhere stories live. Discover now