Prologue

1.3K 29 0
                                    

"Gulay kayo diyan murang mura lang! Isdang sariwa, kasing sariwa niyo! Kaya bumili na kayo sa akin!!" Malakas kong sigaw.

Tinodo ko ang energy ko para mas maraming mahakot na mamimili. Medyo matumal ang kita ngayon. Konti lang ang mamimili.

"Ate, kuya, dito po kayo mamili, mga sariwa pa ang mga paninda ko. Baka gusto niyong dito na kayo bumili. Murang mura lang po."

Lumapit ako sa mag-asawang tumitingin tingin ng mga paninda.

Bumaling naman sila ang tingin nila sa akin. Ngumiti naman ako ng malawak.

"Ano pong bibilhin niyo? Baka meron po paninda ko? Halika po kayo." Pag-aaya ko sa mag-asawa.

Ginaya ko naman sila sa mga paninda kong mga gulay, isda, karne ng baboy, karne ng manok at marami pang iba.

"Sige, dito na kami bibili ng asawa ko. Mukhang mga sariwa pa ang mga itong paninda mo." Nakangiting sabi ng babae.

Ngumiti naman ako ng malawak." Tama ka diyan ateng ganda, magandang ulamim ang mga sariwa. Nakakaganda din po ng kutis, ang mga gulay na sariwa. Ang ganda niyo, ma'am, fresh na fresh hindi halatang may edad na kayo. Ang ganda ng kutis niyo. Parang mga 20 plus pa lang kayo. Kaya mas lalong na-inlove sa inyo si kuyang pogi. Hehe!" Pang-uuto ko sa kanya.

Lumawak naman ang ngiti niya.

Ganun talaga ang buhay, kailangan mong mang-uto para marami kang mapaninda. Kaya tips ko sa inyo, kailangan niyong mambola ng mga suki niyo para marami ang pumakyaw sa mga paninda niyo. Gets?

'Oy joke lang! BUWAHAHA!'

"Talaga? Mukha parin akong mga twenty plus? Tama ka diyan sa sinabi mo, hija, maraming nagsasabi na maganda parin ako kahit may edad na ako. Sige, bigyan mo ko niyan, 'yan, iyon pa, ito pa..."

Lumawak ang ngiti ko dahil doon. Ayos! Mukhang nauto ko si ateng girl ha. Halos pakyawin na niya ang mga paninda ko.

"Mauubos mo ba 'yang lahat, honey?" Tanong ni kuyang boy kay ateng girl.

Napasimangot bigla si ateng girl. "Oo naman,"

"Okay," kabit balikat naman 'yung boy.

"Maraming salamat ateng ganda, kuyang pogi. Sa uulitin, dito po ulit kayo bibili ha. Hehe!"

Laking pasasalamat ko sa kanila dahil halos ang paninda kong gulay ay pinakyaw nila.

Kinawayan ko lang sila bago sila umalis.

"Ang galing mo talagang magtinda, Gia hija. Halos ubos na naman ang mga paninda mo." Komento ni Aling Marta.

"Oo nga Gia, ano'ng sikretong mo?"

Bumaling naman ako ng tingin sa mga kasama kong tindera. Ngumiti naman ako sa kanila.

"Salamat sa inyong papuri, aling Marta. Ganun po talaga ang maganda. Haha!" Natatawang sagot ko. Sinabayan ko pa ng pakindat kindat.

Natawa na lang ang mga kasama pa naming mga tindera dito sa palengke. Halos kaibigan ko na ang lahat ng tindera at tindero dito.

"May sasabihin akong sikreto sa inyo para mas madaling maubos ang mga paninda niyo." Pagsi-chika ko.

Medyo nagsilapit naman sila sa pwesto ko. Medyo napailing na lang ako dahil doon. Hay naku.

"Ano'ng sikreto mo, Gia? Para magawa din namin, para na din marami ang binili sa mga paninda namin."

Iba't-ibang mga tanong nila sa akin.

Lumapit naman ako sa kanila para ibulong ang sikreto ko.

"Shh! Sasabihin ko sa inyo ang sikreto ko pero dapat tayo tayo lang ang nakaka-alam ha, dapat huwag niyong sabihin sa iba, baka mamaya tularan din nila ang sikreto ko. Maliwanag ba mga kuya at ate?" Pagbubulong kong sabi. Inilagay ko pa ang hintuturo ko sa bibig ko.

"Sige! Sige!"

"Makaka-asa ka, Gia."

"Huwag kang mag-aalala, Gia, tayo tayo lang ang nakaka-alam."

Nagdidiwang naman ako sa loob loob ko. Natatawa na lang ako sa kanila. Talagang porsigido talaga silang malaman kung ano ang sikreto ko sa panininda.

"Ganito ang gawin niyo para mas marami kayong mapaninda. Dapat utuhin niyo sila. Sabihin niyo sa kanila ang nakakaganda sa kanilang pandinig. Ayun, try niyo. Hehe!" Pangisi ngisi kong sabi sa kanila. Taas noo pa akong tumingin isa isa sa kanila. 

"Ganun ba 'yun?"

"Sigurado ka ba sa sinabi mo, Gia?"

"Baka pinagloloko mo lang kami?"

Sari saring komento ang mga ani nila. 'Yung iba napakamot na lang nang kanilang ulo, yung iba napapailing na lang sa akin. Nagsibalikan naman ang iba sa kani-kanilang mga pwesto.

Napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Hindi ba sila naniniwala sa sinabi ko? Nagsasabi naman ako nang totoo e. Hmp!"

>>>

A/N: bawi na lang ako sa next chapter. Hehe!*kamot ulo* Pero kahit ganun, sana magustuhan nyo po.

His Personal Maid [ON GOING]Where stories live. Discover now