Chapter 9

672 19 2
                                    

"If Witch won't come, I won't either."

Napanganga ako sa sagot niya. Biglang tumahimik ang paligid. Mukhang nagulat lahat dahil sa sagot niya kay Madame Stella.

*DUG*DUG*DUG*

Palihim akong napahawak sa bandang puso ko. Ang lakas ng tibok nito. Ramdam na ramdam ko ang pag init ng pisngi ko.

'Bakit? Bakit ganu'n na lang kalakas ang tibok ng puso dahil sa sinabi niya? Wala naman akong gusto sa kanya di'ba?'

"Whoa! Seriously, Aidan? Ngayon lang iyan ah." Komento ng mga pinsan niya.

Hanggang ngayon hindi parin ako maka imik. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.

Mas lalong nanlaki ang mata ko nang bumaling siya ng tingin sa akin.

"What's your reason for not coming if Gianna doesn't come, Aidan?" Seryosong tanong ni Don Emilio.

Napalunok naman ako. Konting konti na lang parang gusto nang lumabas ang puso ko sa katawan.

Lahat tahimik. Lahat hinihintay ang pag sagot sa tanong ni Don Emilio.

Hanggang bigla na lang tumaas ang gilid ng labi niya.

"Wala akong uutusan kapag hindi siya sasama." Walang reaksyon niyang sagot.

'Tangina! 'Yun na 'yun? Akala ko hindi siya pupunta dahil hindi din ako pupunta. Akala kung may ibig sabihin ang sinabi niya pero tangna, wala lang pala siyang uutusan kapag hindi ako pumunta.'

May narinig naman ako napasinghap. Parang hindi sila makapaniwala sa sinabi ni Aidan. Mas lalo na sa akin, hindi ako makapaniwala sa sagot niya.

Punyeta! Umasa ako e. Akala ko kung ano na.

Parang may kumurot sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. Parang gusto ko siyang suntukin sa mga sandaling ito.

Napayukom ang dalawang kamao ko sa ilalim ng lamesa.

Ang sama talaga ng lalaking ito. Talagang kinarir ang pagiging monster niya. Tsk!

Huminga ako ng malalim. "Sasama na pala ako Lola Stella." Bigla sabi ko na lang.

Napatingin naman lahat sila sa akin. At napakunot ng noo.

Tumingin ako kay MONSTER Aidan. At saka inirapan. Alam kong nakita nila ang ginawa kong pag irap sa kanya.

"Pffft!"

Tumingin ako kina kuya Damien nang bigla silang natawa. Nakataas ang gilid ng mga labi nila. Parang may nakakatawa sa sinabi ko.

Inalis ko na lang ang tingin ko sa kanila. Tumingin ako kay Madame Stella at Don Emilio. Nahihiya naman akong ngumiti sa kanila.

Baka mamaya isipin nilang pabebe pa ako.

"Akala ko ayaw mo ang sumama, Gia hija?" Maya mayang tanong ni Madame Stella.

Tumingin ako sa kanya.

"May isa po kasi diyan sa tabi-tabi na ayaw pumunta dahil hindi ako pupunta, wala daw siyang uutusan. Baka mamaya po ako pa ang may kasalanan na hindi siya nakapunta." Parinig ko kay Monster Aidan.

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang kakapalan ng mukha para sabihin iyon kay Madame Stella. Pero naalala ko makapal na talaga ang pagmumukha ko.

Naguluhan naman ako nang bigla silang tumawa lahat. Pati na din si Madame Stella at Don Emilio, natawa din ng malakas.

Kaya kunot noo ko naman silang tinignan. 'Bakit  sila natawa? May nakakatawa ba akong sinabi?'

"Bakit po kayo tumatawa?" Takang tanong ko.

His Personal Maid [ON GOING]Where stories live. Discover now