Chapter 4

603 16 3
                                    

=A/N: Hello Po, gusto ko lang po na sabihin na short lang po ito. (^^)V

"What are you doing? Are you crazy?"

Napatigil naman ako sa pag sasalita at gulat na tumingin sa nagsalita.

Hindi ko namalayan na napatanga na pala ako. "IKAW??!!!"

Biglang napako ang tingin ko sa taong nasa harap ko ngayon. Hindi ko namalayan na nakabuka na pala ang bunganga ko.

Wala sa sarili naman akong napatingin sa dingding, sabay balik na naman ang tingin ko sa kanya. Pabalik balik ngayon ang tingin ko sa kanya. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala.

Hindi ko mapigilan ang huwag mapasigaw. "WAA---" Hindi ko naituloy ang pagsigaw ko nang bigla niyang takpan ang bunganga ko.

"Hmmmmmp!"

Tinignan ko siya diretso sa mata. Kitang kita ko ang walang emosyon niyang tingin habang nakatingin sa akin diretso sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako naramdaman ng takot habang nakatingin sa mata niyang walang kaemo-emosyon.

"Hmmmp!"

Nag pumiglas naman ako para pakawalan niya ako. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ko. Sobrang lapit pa ng katawan namin, isama mo pa ang mukha niyang ang lapit din sa mukha ko.

*DUG*DUG*DUG*

Napako ang tingin ko sa kulay abo niyang mata. Biglang bumukas ang pagkamangha sa mukha ko dahil sa kulay ng mata niya. Kapansin pansin talaga ang kulay nito kahit na malayo ka. Ginala ko ang tingin ko sa buong mukha niya. Hindi ko mapigilan ang huwag mapamura sa isip ko. Parang nakakita ako ng Greek God. Ang perpekto ng mukha niya mga beshy hindi siya magpapatalo sa mga Hollywood actor na napapanood sa mga television. Jusko! Parang gusto kong himatayin ngayon. Ang tangos ng ilong, medyo singkit ang mata pero ang mahaba ng pilik mata, iyong kilay niya hindi gaano kakapal, nahiya naman ang kilay kong medyo makapal. Yung jaw line niya. Sh!t! Perpekto guys. Parang ang sarap hawakan. May konti siyang balbas at bigote, na mas lalong naka-atraksyon sa akin. Para talaga akong mahihimatay sa itsura niya. Ang bango bango pa ng kaniyang kamay na hanggang ngayon nakatakip parin sa bibig ko. Parang gusto ko na huwag niya ng tanggalin ang kamay niya sa bibig ko.

'Bakit ganun? Bakit pati kamay niya may pabango? Ano ang gamit ng pabango niya sa kamay? Bakit parang nakaka-adik? Ang sarap singhot singhotin.' parang tanga kong tanong sa aking isipan.

"Done checking my face, Miss? I know I'm handsome."

Napasimangot naman ako. Ang hangin pala nang taong ito. Ayoko pa naman sa mahangin. Pero totoo naman kasi ang sinabi niya e. Totoo naman na gwapo siya. Ngayon lang ako nakakita ng ganyan kagwapo. Pero marami din akong nakikita sa TV na mga gwapo. Pero iba ang dating niya sa akin.

"Di wow! Di ikaw na ang gwapo." Biglang tugon ko.

Wala naman dapat ikahiya kung sasabihin ang totoo e. Gwapo naman talaga siya. Sobrang gwapo.

Dumistansya naman ako sa kanya. Hindi ko namalayan na ang lapit na pala naming dalawa.

Hindi ko parin inalis ang tingin sa kanya. Laking gulat ko na lang ng makita kong tumaas ang gilid ng kaniyang labi. Kaya bigla na namang lumakas ang tibok ng puso ko.

Jusko! Parang abnormal na naman ng tibok ng puso ko.

Huminga naman ako ng malalim. Agad kong pinakalma ang puso kong ang lakas ng tibok. Natatakot ako baka marinig niya ang tibok nito.

Mas lalo lumaki ang mata ko nang bigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Bigla ko namang naamoy ang hininga niya. Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

His Personal Maid [ON GOING]Where stories live. Discover now