Chapter 8

669 23 8
                                    

Maghapon ako na tahimik lang. Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari kanina. Hindi maalis sa isipan ko ang pag halik ni Melissa kay Aidan.

May konting inis naman ako naramdaman kay Melissa kahit hindi naman dapat. Dapat hindi ako maramdaman ng inis sa kaniya dahil wala naman siyang ginawang masama sa akin.

Napahugot ako ng malalim na buntong hininga.

"Kanina ko pa napapansin na wala kang imik. That's new, huh. What's wrong with you, Witch? Why are you fvcking ignoring me?"

Napatigil naman ako sa pag tupi ng kanyang damit nang marinig ko itong nagsalita. Pero agad ko din pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Huh? Ano'ng pinagsasabi mo diyan na hindi kita papansinin? Bulag ka ba? Kita mo naman na may ginagawa ako di'ba?" Mariin kong sagot sa kaniya.

Hindi ko siya tinapunan ng tingin basta pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. Pinagtuunan ko nang pansin ang tinutupi kong damit niya. Nasa ibabaw ako ng kama niya nagtutupi habang siya nasa couch naka-upo habang nakataas ang dalawa paa sa lamesa.

Kanina pa ako naiilang dahil sa titig niya sa likod ko. Pero hindi ko iyon pinahalata.

"Really huh?" Medyo sarkastikong sabi niya.

Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, alam ko na salubong na salubong na naman ang dalawang kilay niya.

Tumango naman kahit nakatalikod ako sa kanya.

Hindi naman siya kaagad nakapagsalita. Bigla siyang natahimik. Binilisan ko naman ang pag tupi ng gamit niya para makalabas na ako.

Parang naiilang ako na kasama ko siya sa iisang kwarto. Para akong nawawalan ng hininga. Ang lakas-lakas pa nang tibok ng puso ko, kapag malapit siya sa akin. Na ngayon ko lang naramdaman. Medyo kinakabahan na ako sa nararamdaman ko.

"Then, why aren't you look directly to me?"

Natigilan naman ako sa kinauupuan ko. Hindi dahil sa tanong niya sa akin.

...... Kundi dahil sa maiinit na hangin ang dumapo sa leeg ko.

Para akong napako. Parang hindi agad ako makakilos sa kinauupuan ko. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Natatakot ako na baka marinig niya.

Huminga ako ng malalim. Akma sana akong tatayo nang bigla niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko at pinaharap sa kanya.

Kaya gulat na gulat naman ako sa ginawa niya sa akin. Nanlalaki ang mata kong napaharap sa kanya. Kitang kita ko ang walang emosyon niyang mukha habang nakatitig sa akin.

Nang matahuan ako agad akong nagpumiglas sa kanya.

"A-Ano ba!? B-Bitawan mo nga ako!! Tangina! Sabing bitawan mo ako e! Lalabas na ak—— Ayy!"

Napahiyaw ako bigla nang bigla niya akong itulak pahiga sa malambot niyang kama.

Ang mas lalong kinalaki ng mata ko ay bigla siyang sumampa sa kama at walang pasabing pinaibabawan ako. Inilagay niya ang dalawang kamay sa gilid ng ulo ko. Parang na-corner ako.

Hindi ko alam kung bakit ako napatitig sa mata niyang kulay abo. Gray na gray ang kulay ng mata niya. Para akong hinihigop nito.

His Personal Maid [ON GOING]Where stories live. Discover now