Chapter 7

639 19 3
                                    

"Kumusta naman ang pag tira sa mansion ng mga Clarkson, bes? Okay ba?" Pangungulit na tanong ni Jenna sa akin.

Nandito kami ngayon sa bahay nila Jenna.

"Okay lang naman," baliwala kong sagot.

Pinagpatuloy ko naman ang pag kain ko ng singkamas. Ang sarap, lalo na kung may sawsawan na suka. Syet! Ang sarap talaga higupin 'yung suka.

"Oh, bakit parang hindi ka okay, girl? Para ka pang manununtok sa itsura mo nang marinig mo ang tanong ni Jenna girl." Kunot noo na tanong naman ni Jared.

Bigla akong napa-ikot ng mata.

"Ikaw ba naman ang utos-utusan, tignan mo kung hindi ka maiinis." Busangot kong sagot sa kanila.

Sinubo ko naman ang malaking hiwa ng singkamas dahil sa inis.

*BOINK!*

*COUGH*COUGH*COUGH*

"T*ngina mo Jenna! P-Papatayin mo ba ako haa! Gago ka! Muntik ko nang m-malunok ang singkamas na kinakain ko!" Inis kong bulyaw sa kanya at pinalo palo ang dibdib ko.

Bigla naman silang nataranta.

"Okay ka lang bes?! Heto inumin mo!" Tarantang bigay ni Jared ang tubig sa harap niya.

Kinuha ko naman ito at ininom agad.

"Haay!" Para akong nabunutan ng tinik nang matapos akong uminom.

"Hala! Sorry bes, hindi ko sinasadya 'yun. Okay na ba?! Ano'ng nararamdaman mo? Ayos lang ba ang pakiramdam mo? Minsan kasi ayusin mo iyang sagot mo. Ano'ng lagi kang inutusan utusan e iyun naman talaga ang trabaho mo, ang gawin ang pinapagawa ng amo mo." Sunod sunod na tanong niya sa akin habang sinisipat niya ang buong katawan ko.

Gusto ko talaga na sakalin ang babaeng ito. Kaasar ang last niyang sinabi.

"G*go ka bes?! Tinatanong mo pa kung okay ako! Kita mo naman di'ba? Sige try natin sa'yo." Irap kong hamon.

"Gagi! Ayoko ko ngang i try, nakita ko na kung anong makahihinatnan kung ita-try ko pa! Ano ako? Tanga! No thanks!" Irap niya ding tugon.

Masanay na kayo na ganito kami nag-uusap. Murahan dito, murahan doon.

Tinignan ko siya ng masama at ganun din siya sa akin.

"Oh awat na mga bakla! Baka mamaya mag jumbagan kayo na diyan e. Kalma lang." Pagitna ni Jared.

Uminom naman ako ng tubig.

"Okay balik na ulit tayo sa usapan natin kanina. Nasaan na ba tayo?!" Kunot noo na tanong ni Jared.

"Tanga/bobo Nandito tayo sa bahay ni namin/ nila Jenna!"

Sabay pa naming bigkas ni Jenna kay Jared.

Tinignan naman niya kami nang nakakamatay na tingin.

"Wow huh! Kung maka tanga at bobo kayo kala niyo naman ang gagaling niyo! Kayo nga ang laging kulelat sa klase noon e, tapos makatanga kayo! Common sense guys! Common sense!" Bulyaw niya sa amin.

"Baka gusto niyong ipa-alala ko sa inyo na lagi kayong nangongopya sa akin noon nang sagot huh! May dalawang beses pa na nakopya niyo ang pangalan ko. Sino ang tanga at bobo huh? Duh!" Sabay flinip ang buhok niya. Kahit naman hindi mahaba ang buhok. Psh!

"Oi gaga! Kailangan pa ba'ng ipagsigawan mo 'yun. Nakakahiya kaya." Ako. Sabay tingin sa kanya ng masama.

Agad naman napa-angal si Jenna.

His Personal Maid [ON GOING]Where stories live. Discover now