Chapter 6

657 18 2
                                    

=A/n: hindi pa po siya na-e-edit.

Pinagpapawisan ako habang inaayos ang mga gamit ng MASTER KO. Nandito ako sa loob ng kwarto, kung saan ang room niya. Inutusan niya lang naman po ako na mag-ayos ng mga damit niya.

Nang matapos akong nagpa-alam kanina kina inay at itay na doon muna ako titira sa mansyon ng mag-asawang Clarkson. Sinabi ko na pansamantalang lang naman at sinabi ko pa pandagdag nang ipon. Kaya agad silang pumayag. Pero bago ko sila napapayag. Marami pa silang sinabi sa akin bago pumayag. Hay.

Balik tayo sa MASTER KO, bwisit na lalaking 'yun, lagi niya akong pinapahirapan. Ang sama ng ugali. Kung hindi lang ako sinabihan ni Madame Stella na ako muna ang magiging personal na Maid ng apo, baka sa una palang matagal ko na siyang sinapak sa magkabilang pisngi niya.

"You're not that yet? Tsk! Can you make it fast!"

Biglang naningkit ang dalawa kong mata. Huminga muna ako, pinakalma ko ang sarili ko.

Humarap ako sa kanya. "Bulag ka——— ayy punyeta!!!"

Bigla akong napatalikod. Parang bigla kong nalunok ang dila ko.

"Tsk!" Dinig ko.

Mariin akong napapikit. Ramdam ko ang pagkapula ng pisngi ko. Jusko! Ikaw ba naman ang makakita ng taong topless pag kaharap mo.

'Shockss!! May nakita akong anim na pandesal kahit ilang segundo ko lang nasilayan. Jusko! Ang bilis talaga ng mata ko.'

Humugot ulit ako ng buntong hininga. Pinakalma ko ang sarili ko hindi dahil sa inis kundi hindi ko mawaring dahilan.

"Turn around, I'm done. Tss!"

Salubong ang kilay kong tinignan siya. Pero ganun na lang ang panlalaki ng mata ko nang pag kaharap ko sa kanya, bumungad sa akin ang katawan niyang hanggang ngayon hindi pa pala naka pag palit ng damit. Pero ang mas lalong kinagulat ko ay ang lapit ng namin sa isa't isa.

Kaya naman pala may naramdaman akong tao sa likod, akala ko kung ano yun kanina.

"A-a-ano b-ba?!!—— waaah! Tangina mo!!!"

*BOGSSH!!*

"AWW! WHAT THE FUCK?!! WHY DID YOU PUNCH ME, WOMAN?!!"

Nabigla naman ako at nalaki ang matang napatingin sa kanya. Bigla akong napatakip ng bibig.

"Hala! S-Sorry, hindi ko si-sinasadya!" Taranta kong ani, dali dali ko naman siyang nilapitan.

Agad akong lumuhod para pantayan siya dahil sa pagkakasuntok ko sa kanya napa-upo siya sa sahig. Hinawakan ko naman ang pisngi niya at medyo inilapit sa akin. Nakita ko doon sa gilid ng labi niya na may konting dugo na pumatak.

Medyo kinabahan naman ako. "H-Hala! May d-dugo ang gilid ng labi mo? Sorry talaga, hindi ko sinasadya nagulat lang ako kaya nasuntok kita. Sorry."

Pero hindi parin nagbabago ang expression niya, wala parin itong reaksyon, blangko lang ang tingin niya habang nakatingin sa akin.

Napalunok ako wala sa oras.

Dahan dahan ko naman inalis ang kamay ko sa kanyang pisngi.

"S-Sandali kukuha lang ako ng first aid kit sa CR."

"No need"

Biglang napatigil ang pagtakbo ko sana sa CR para kumuha ng first aid kit.

"Huh?!"

"Are you deaf? Tss. I said, I don't first aid kit. Tsk! You can continue what you're doing." Masungit niyang utos sa akin. Salubong ang kilay niya habang nakatingin siya sa akin.

His Personal Maid [ON GOING]Where stories live. Discover now