Chapter 2

774 24 5
                                    

Dahil badtrip ako sa dalawang kong bestfriend. Agad akong umuwi sa bahay namin. Kahit gustong gusto ko nang pasabugin ang mga pamamahay ng mga kaibigan ko, pero napag-isip-isip ko. Wala pala kaming posporo.

Ang saklap diba?

Agad akong nagpunta sa kusina namin para uminom. Para akong mawalan ng tubig sa katawan dahil sa kakasigaw ko kanina.

Yung pinaggagawa ko kanina? Wala lang iyon. Gusto ko lang kasi na pagtripan ang dalawa kong kaibigan. Bestfriend pala. Sa kasamaang palad, kaibigan ko talaga ang dalawang iyon.

Si Jenna at si Jared o mas kilalang Jenny. Halos parehas na ang pangalan nila ni Jenna e. Hay! Ewan ko sa kanila.

Habang nakaupo ako dito sa kusina namin. Biglang may narinig akong katok sa pinto ng bahay namin. Kaya tumayo naman ako sa pagkakaupo.

Agad ko naman binuksan ang pinto. Nakita ko doon si Aling Sita. May hawak hawak na pamaypay.

"Ano po iyon Aling Sita?" May galang kong tanong sa kanya.

Ngumiti naman siya. "Nandiyan ba ang inay mo, hija?" Tanong niya.

Agad naman akong umiling. "Wala po. Pumunta sila ni itay sa bukid para mag-ani ng gulay. Bakit niyo po inahanap si inay?"

Nakita ko naman ang pagbuntong hininga niya.

"Ganito kasi iha, may okasyon na magaganap sa mansyon nila Madame Stella at Sir Emilio. Darating ang mga anak at apo niya galing Maynila. Kaya inahanap ko ang inay mo dahil kulang ang mga tauhan sa mansyon nila. Ako ang inutusan nilang maghanap ng makakasama pa namin. Dahil kilala na naman nila ang inay mo kaya siya na lang ang kukunin kong makakasama namin sa mansyon." Mahaba habang paliwanag ni aling Sita.

Nabigla naman ako sa sinabi ni Aling Sita. May mga apo pala siya sa Manila. Kung sabagay hindi naman nakakabigla ang balitang iyon. Kilala ang angkan nila Madame Stella at Sir Emilio dito sa amin. Isa sila sa pinakamayaman sa bayan namin.

Sa pagkaka-alam ko, ang mga anak ng mag-asawa. Lahat sila may kaniya kaniya nang pamilya. Ang mga pamilyang iyon, puros may kaya. Lahat mayayaman. Hindi lang basta-basta mayaman. Puro bilyonaryo. Kaya hindi nakakapagtaka na sila ang pinakamayamang tao dito. Hindi lang sila mayaman dito na angkal, basta, ang alam ko hindi lang sila basta napakayaman.  Lahat dito sa amin, ginagalang sila.

"Hija, okay ka lang ba? Natulala ka bigla?"

Dahil dun, napabalik ako ng ulirat. Wala sa sariling tumingin ako kay Aling Sita.

"Ah, okay lang po ako Aling Sita," mabilis kong sagot."haan niyo po, makaka-asang sasabihin ko mamaya kay inay ang sinabi niyo." Tugon ko.

"Oh siya, hija, maraming salamat. Aasahan ko iyan."

Tatalikod na sana si aling Sita nang may nalimutan kong itanong sa kanya.

"Kailan po pala gaganapin ang okasyon na iyan, Aling Sita?" Maagap kong tanong sa kanya.

Kaya hindi niya naituloy ang pagtalikod niya sa akin."Sa susunod na araw pa, hija. Pupunta na lang ako dito sa bahay niyo para sabihin." Sagot niya sa akin.

"Okay, salamat." At ngumiti lang ako sa kanya bago siya tuluyang naglakad palayo.

Agad kong isinarado ang pinto. Bumalik naman ako sa sala namin at umupo. Bigla namang pumasok sa isipan ko ang sinabi kanina ni Aling Sita.

'Paano kaya kung ako na lang ang pupunta? Hindi ko na kaya sasabihin kay inay ang sinabi ni Aling Sita kanina? Para ako na lang ang papalit sa kanya.' tanong ko sa aking isipan.

His Personal Maid [ON GOING]Where stories live. Discover now