Prologue

6.8K 56 2
                                    

A/N: What you read about is only imagination, and the places you read about exist but never happened. Please forgive me if you read any grammatical errors

Carl

Pagkadating ko nang bahay ay pumanik ako sa kwarto ko, napangiti ako nang makita ko ang mahal ko na natutulog sa kama ko. Nilapitan ko siya at niyakap mula sa likod, inamoy-amoy ko ang buhok niya at hinalikan siya sa sentido.

I have to do this, dahil ayoko ng makawala pa siya sa akin. Lalo na't magkaka anak na kami

Naramdaman kong nagising na siya, kaya sinilip ko siya mula sa likod niya.

"Kumain ka na ba?" Malambing kong tanong

Hindi ko maiwasang masaktan nang inalis niya ang braso ko sa pagkakayakap sa kanya. Umupo sa gilid ng kama, nakatalikod pa din siya sa akin.

Tumayo ako at pumunta sa harap niya't lumuhod, hinaplos ko ang malaki niyang tiyan.

"Baby, ayaw kumain ni mommy." malambing kong sabi at nilapit ang mukha ko sa tiyan niya

Napangiti ako nang maramdaman kong sumipa ang anak ko

"See, pati ang baby natin gusto ay kumain ka." malambing kong sabi kay Tanya

"Wala akong gana." malamig niyang sabi, deretso ang tingin sa bintana

Napa buntong hininga ako at umupo sa tabi niya.

"Tanya please kumain ka na... Kahit konti lang, isipin mo nalang ang anak natin." sumusukong sabi ko

"Ayaw ko nga e!" Inis na sabi niya

"I'll do what you want, kumain ka lang." hinawakan ko ang kamay niya, pero iniwas niya ang kamay niya

"Pakawalan mo ako." seryoso niyang sabi

Sumeryoso ang mukha ko't tumayo sa harap niya.

"No, walang aalis, hinding-hindi ako papayag na mawala ka sa akin. Lalo na't dala-dala mo ang magiging anak natin." malamig kong sabi

"Ikaw lang naman ang may gusto sa bata na 'to, nasira ang buhay ko dahil dito." galit na sabi niya at tinuro ang tiyan

Hindi ko maiwasang magalit sa sinabi niya.

Kaya niyang mawala ang anak namin para sa kasiyahan niya... 'Yan ang dahilan kung bakit ako napilitan na kunin siya't ikulong dito sa bahay ko. Wala akong pakealam kahit boss ko pa ang ama niya.

"You're so selfish Tanya, gusto monang makaalis dito?" Malamig kong sabi

"Yes, I want to get out of here! I don't want to see your face. And I don't want this kid." histerical niya

"Fine... Kung 'yan ang gusto mo, pagka panganak na pagkapanganak mo sa anak natin. Maaari ka ng umalis dito sa poder ko, total naman gusto mong mawala kaming dalawa sa landas mo. At kapag nakawala kana sa buhay namin... Wala ka ng babalikan pa." malamig kong sabi at pilit pinipigilan ang mga luhang gusto ng pumatak

Hindi ko na siya hinayahan na magsalita. Dahil pagka labas na pagkalabas ko ng kwarto ay binuhos ko lahat ng luha ko.

Even if it hurts... I will let you go

Chasing Her (Chasing Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon