23

1.5K 22 1
                                    

"Na sa akin na ang information tungkol kay Akira dad." sambit ko at binigay sa kanya ang envelope

"Very good."

"Tomorrow, magbi-beach sila, may tiyansa tayo na kunin si Akira."

Planado na lahat, sinadya ko na sabihin sa kanya kung saan pupunta sina Akira bukas.

"Good, after natin makuha si Akira iadya mo na ang mga papeles na nakuha ko kay Akiro para mapapirmahan sa kanya ang lahat nang 'yon. At sa oras na napirmahan niya 'yon... Mapapasaakin na ang lahat ng kayamanan nila." tumawa ito na parang demonyo

"After she sign the papers anong gagawin natin sa kanya?"

"Papatayin natin siya, kukunin ko ang buhay na kinuha nila sa akin. Sila ang dahilan kung bakit namatay ang lola mo. Kaya dapat maging quits kami."

Kung magagawa mo 'yon.

"I'm going."

"Where are you going?"

"May bibilhin lang."

"Bumalik ka agad, hindi pa tapos ang plano natin."

Tumango naman ako at lumabas na sa office niya. Sumakay na ako sa kotse at nag drive na patungo sa bahay.

"Sis!" Salubong ng tatlong babaeng matagal ko ng hindi nakikita

"Omg I missed you guys!" Masayang sambit ko at yumakap sa kanila

"We missed you too Tanya, grabe ang daming nangyari. Sana ay matapos na ang lahat no?" Laila said

"Don't worry, malapit na." nginitian ko silang tatlo

"Ouch! Aray ko! Pre kunin mo naman ang anak mo. Ginagawa akong kabayo."

Napatingin ako kay Wil na nakangiwi habang nakasakay sa likod niya si Camille.

"Bahala ka diyan." walang pakealam na saad ni Carl habang busy sa panonood

"You ate my apple ninong! You deserve to be punished!" Saad ni Camille habang patuloy na sinasabunot ang buhok ni Wil

"Malay ko bang sa'yo 'yon, Camille umalis kana diyan nasasaktan na si ninong."

"No!"

"Anak, tama na 'yan." linapitan ko na siya at kinuha sa likod ni Wil

"He ate my apple mommy."

"Manang-mana sa'yo 'yang anak mo Tanya, pareho kayong maldita."

"Kasalanan mo naman pala eh, but anak... Wag mong saktan ang ninong mo. Matanda pa din siya sa'yo, atyaka you can forgive him naman. Remember anak, masama ang lumalaban sa mga matatanda." pangaral ko sa kanya

"Yes mommy, but how can I forgive him. Hindi naman siya nag sorry sa akin." ngumuso siya

"Kahit na, wag ka pa din lalaban sa mga nakakantanda sa'yo okay? Say sorry to your ninong."

"I will say sorry to him, if he will say sorry to me."

Mana nga sa akin, ang taas ng pride.

"Mag sorry ka na nga Wil." sabi ko

"Sorry na po prinsesa Camille."

"I'm sorry too ninong."

"Sis, sa inyo muna si Camille. May pag-uusapan lang kami." saad ko sa tatlo at binigay si Camille sa kanila

"Alright! Camille do you want to go to the mall?"

"Yes ninang!"

"Tara na, sis una na kami." paalam nila at umalis na

Chasing Her (Chasing Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon