18

1.3K 21 0
                                    

"May ipapagawa ako sa'yo, bukas ay maga-apply ka sa bahay ni Gonza bilang katulong."

Gonza... That's seems familiar to me.

"Bakit kailangan ko pang mag apply?" Kumunot ang noo ko

"Kumuha ka ng impormasyon kay Gonza. Isa siya sa mga tauhan ni Akiro at panigurado may alam siya kung nasaan si Akira. Hindi pa muna kita mapapakinabangan, wala ka pa din silbi hanggang ngayon."

Isa pa ang mga pangalang binabanggit niya. Hindi ko alam kung anong pakay niya kay Akiro at Akira.

"Yes dad."

"Good, pwede ka ng umalis ngayon. Siguraduhin mo na may makukuha ka ng impormasyon sa loob ng isang buwan."

Tumango nalang ako at lumabas na sa office niya. Nasa isip pa din ang pilidong 'yon. Para kasing narinig ko na ang apelyidong 'yon noon.

Simula nang magising ako galing sa coma ay si dad ang bumungad sa akin. Wala akong naaalala sa lahat ng mga nangyari kahit pangalan ko nga ay hindi ko alam. Pinakilala niya sa akin ang sarili niya. Siya daw ang tatay ko. At simula nang inuwi niya ako sa bahay ay pinipilit niya akong gawin ang mga gusto niya para makuha ang lahat ng mga gusto niya. Pati ang illegal na trabaho ay nagawa ko na din.

"Dito ho ba ang bahay ni Mister John Carl Gonza?" Tanong ko sa nagbukas ng pintuhan sa'kin

"Opo, sino ho kayo?"

"Ah, ako po 'yung maga-apply bilang yaya ni Talia Camille Gonza."

"Ikaw ba 'yon? Halika pasok ka." niluwagan niya ang pagbukas ng pintuhan, pumasok naman ako

Nilibot ko ang paningin sa buong bahay. Napakaganda nito, may malaking chandelier. At malaking living room

"Upo ka, at tatawagan ko lang si sir sa taas."

Ngumiti naman ako at umupo sa mahabang sofa.

"Who are you po?" Napatingin ako sa batang nagsalita

She look like me... Ito ba ang aalagahan ko?

"Ahm, I'm your new nanny." inalis ko ang suot kong salamin at nginitian siya

"Mommy!" Hindi ko maiwasang magulat sa sinabi niya nang tawaging niya akong mommy at niyakap

"I'm sorry baby, but I'm not your mommy." hinaplos ko ang pisngi niya

Nasaan kaya ang mommy niya? Siguro ay iniwan niya ang anak. O kaya ay patay na, kawawa naman ang batang 'to

"No! You are my mommy. We look the same! Daddy said to me that I look like my mommy.

"Maybe she just looks like me, I'm not your mommy."

"No! You are mommy!" Tuluyan na itong naiyak at napaupo na sa sahig habang pumapadyak

"Naku prinsesa Camille bakit ka umiiyak?" Alalang saad ng kasambahay at pinatayo ang anak ko

"Tali? Why are you crying baby?" Dinig kong sabi ng pamilyar na boses

That voice... Siya ang palaging naririnig ko sa tuwing nananaginip ako.

Kinuha niya ang bata at inalo. Pero nang matuon ang tingin niya sa akin ay natigilan siya.

"She's mommy right?" Humihikbing tanong ni Camille

"No baby, kamukha lang niya ang mommy mo. Diba I already told to you that your mom is already in heaven? You have mommy Ayesha naman eh."

Patay na nga, gusto kong kunin ang bata sa kanya at yakapin. Kaso ay wag nalang, mukhang maselan ang tatay niya. Sa itsura palang

"Valine, iakyat niyo muna siya sa kwarto niya." utos niya sa kasambahay at binigay ang anak

Napakislot ako nang tumikhim ito at umupo sa harap ko. Nag de kwatro ito habang binabasa ang dala kong papeles kanina.

"Antoinette Hidalgo... Twenty three years old. You change your identity huh? So, why are you applying as my daughter's nanny?" Malamig niyang tanong

Ha? Anong identity sinasabi nito?

"Kailangan ko ho ng trabaho ngayon sir, may sakit ho kasi ang tatay ko at kailangan na namin siyang ipa opera. Wala po akong sapat na kakayahan para mag apply sa malaking kompanya. Elementary lang ho ang natapos ko." palusot ko, hindi pinansin ang sinabi niya

Tumahimik naman ito at tinitigan ako na ikinailang ko.

"Napaano 'yang mukha mo?" Turo niya sa mukha po

"Naaksidente po ako noon at natamaan ng bubog ang mukha ko." I said the truth

"Why?"

"Nabunggo po kami ng truck at tumalsik ho sa akin lahat ng bubog."

Teka nga, ang layo na ng tanong niya sa akin ah. Wala ng connect sa tanong niya kanina.

"You're hired." tipid na sagot niya at iniwan ako

Napangiti naman ako. Pero agad na hinabol siya.

"Teka ho sir! Kailan ho ako magu-umpisa?" Nakangiti kong tanong

"Ngayon na, you're stay in, kasama mo si Valine sa isang kwarto. Bukas ay sasabihin ko sa'yo ang pwede at bawal sa anak ko." saad niya at nilampasan na ako

Sakto ay tumunog ang cellphone ko at sinagot 'yon.

"Natanggap ka?"

"Yes dad."

"Very good, ang susunod naman na gagawin mo ay kunin mo ang loob niya para mapadali ang plano natin."

What? Paano? Mukhang mahirap kunin ang loob ng lalaking 'yon eh.

"I'll try dad."

"Siguraduhin mo lang na ginagawa mo ang pinapagawa ko sa'yo." saad niya bago binaba ang tawag.

"Antoinette, halika samahan na kita sa kwarto natin." sambit ni Valine

Kinuha ko naman ang dala kong bag at sumunod sa kanya.

"Sa taas ka matutulog, ako sa baba." turo niya sa double deck

Tumango naman ako at nilapag ang bag ko.

"Dito sa kabilang cabinet mo ilalagay ang mga damit mo."

"Ilang taon ka na po?" Tanong ko

"Treynta, tawagin mo akong ate Valine."

"Ikaw lang po ba ang katulong dito?"

"May dalawa pa akong kasama, wala sila ngayon. Day off nila."

Tumango naman ako at sinimulan ng ilabas ang mga damit ko at inayos ang pagkaka tupi non.

"Ikaw, bakit kasambahay ang pinasok mo?"

"Hindi po ako nakatapos ng high school. Hanggang elementary lang po ako."

"Ganyan talaga ang buhay ineng, kapag walang sapat na pera ay no choice ka na tumigil na sa pag-aaral at kakapit nalang sa patalim. Sa hirap ba naman ng buhay ngayon." hugot nito

"Kapag pinanganak ka po talaga na mahirap ay lalaki kang mahirap. Depende nalang sa isang tao 'yon kung madiskarte ba o hinde."

"Tama ka hija, siya, lalabas na ako at magluluto pa ako ng pananghalihan ni prinsesa Camille." paalam nito at lumabas na

Good luck self.

Chasing Her (Chasing Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon