21

1.4K 21 2
                                    

Nagising ako na madilim na sa labas. Napaupo nang mapagtanto ko ang nangyari.

Tangina! Ano ba 'tong pinasok? Ko? Aakitin mo lang Antoinette. Hindi 'yung ibibigay mo si Maria. Kainis!

Tinignan ko si Carl na mahimbing na natutulog habang nakadapa sa kama. Kita pa ang puwet niya dahil hindi naman sita natatakpan ng comforter. Akmang baba na sa kama nang higitin nito ako para mapahiga ulit. Todo naman ang kapit ko sa comforter habang deretsong nakatingin sa kisame.

Father namin, sumaheaven ka. Praise nawa ang name mo, mag-arrive ang iyong kingdom, follow ang iyong side, sa earth at pati na rin sa heaven. Give us ngayon ang aming daily bread, and patawarin ang aming sins, para we can forgive those nanghimasok sa us. Help me na maka get over the bakod sa bisig ng handsome na poging itey. Amen.

"You're awake."

"Bitawan mo ko! Rape ka, rinape mo 'ko." agad akong kumawala sa kanya at bumaba sa kama habang mahigpit pa din na nakakapit sa comforter

Napakunot ang noo nang tawanan lang ako nito at niyakap ang isang unan.

"A-anong tinatawa-tawa mo diyan?!"

"You were accusing me? Eh ikaw mismo binigay mo ang sarili mo sa'kin." tumawa ito ulit

"K-kung hindi mo sana ako hinalikan hindi mangyayari 'to!"

"Kung hindi mo din sana ako hinalikan pabalik hindi mangyayari 'to. So, kasalanan mo din." nginisian niya ako

"Nakakainis ka! You take advantage of me!"

"Oh? Sino ba unang naghubad sa damit ko? Hindi ba ikaw? Ikaw din, you take advantage of me." hindi talaga siya papatalo

"Pasalamat ka pogi ka!" Pikon na sabi ko at pumasok sa banyo

Nilinis ko ang sarili ko at kumuha ng bathrobe. Lumabas na ako at nadatnan siya na naka boxer na. Ngisi-ngisi itong nakatitig sa'kin. Inirapan ko lang naman siya at nilayasan siya. Pero napaisip na baka makita nila akong naka bathrobe lang at baka anong isipin nila. Kaya bumalik ako ulit sa kwarto niya.

"Oh, bakit ka bumalik? Gusto mo pa ba ng round fifteen?"

"Magtigil ka! Ipagkuha mo ako ng damit sa kwarto namin. Kasalanan mo 'to, pati damit ko ay sinira mo. Wala tuloy akong susuutin."

"Alright, hintayin mo ako dito."

Nagiinit ulo ko sa lalaking 'yon, napaka manyak.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto niya. This is familiar to me... Parang nakita ko na siya dati.

"Here's your clothes." binigay nito sa akin ang damit ko

"Aanhin ko 'tong turtle neck? Ang init-init eh."

"May chikinini ka sa leeg mo, do you want them to see that?"

Napatakbo naman ako sa salamin at tinignan ang sarili. Doon ko lang napansin ang mga 'yon.

"Tangina mo talaga, ang dami!" sinuntok ko ito sa braso

"Ouch! Nagka amnesia kalang naging amazona kana. Ganyan ba epekto ng gamot na pinapainom sa'yo ng gagong Antonio na 'yon?"

"Huh? Who's Antonio?" Kumunot ang noo ko

"You're dad."

"Hindi naman Antonio pangalan ng tatay ko eh. Zander ang pangalan niya."

"Look, niloloko ka lang niya, lahat ng pinapakita niya sa'yo ay hindi totoo. He even changed your identity"

"Paano mo naman nasabi 'yan?"

Hindi ako nito sinagot at tumayo lang. Binuksan niya ang drawer niya at may kinuha doon.

"Here look at that." may binigay siyang envelope sa akin

Binuksan ko 'yon at nakita ang napakadaming pictures. Pero ang nakakapagtaka ay may isang babaeng buntis at isang lalake na hindi pamilyar sa akin.

"That's your real mother and father. Hindi mo totoong ama si Antonio o si Zander."

"Pero sinabi niya sa akin na siya ang daddy ko."

"He's lying, oo, siya nga ang kinikilala mong ama. Pero hindi siya ang totoong daddy mo. Kinuha ka niya sa nursery room nang ipanganak kayo ni Akira."

"I have a twin?" Gulat na tanong ko

"Yes, si Akira, ang target ni Antonio."

"Sabihin mo lahat sa akin please."

"Ikaw 'to, you're pregnant with Camille that time. Nasa farm tayo, pasimple kitang kinuhanan ng letrato habang pinapakain mo si Markus."

Unti-unti naman ay nagpa-flashback sa utak ko lahat.

"Tell me more."

"Here, this is the first time I saw you. Noong highschool tayo, kasama mo ang boyfriend mong si Lance. Aaminin ko, stalker mo ako noon, pasimple kitang hinahabol na bakasakaling mapansin mo ako. Until when we met at the bar, I took your verginity that time at doon ay nabuo ang anak natin."

"Bakit ko kayo iniwan?" Naalala ko ang sinabi ni Ayesha

"You didn't leave us, you was forced. Tinakot ka ni Antonio na papatayin niya kami ng anak natin kapag hindi ka sumunod. Wala kang nagawa kundi sundin 'yon. At kaya ka nagka amnesia dahil na ambushed kayo noon. Totoo na nabunggo kayo mg truck, and it caused you a scars in your face..." Hinaplos nito ang pisngi ko na ikinapikit ko habang may luhang dumadaloy sa pisngi ko "You're still beautiful, even you have a scars in your face."

At dahil sa kwento niyang 'yon ay malinaw na sa akin ang lahat. Ang nararamdaman ko para kay dad- no. Sa demonyong putanginang matandang 'yon ay galit. Galit na galit ako sa kanya

"I'm sorry." umiiyak kong sabi

"Hush... You don't need to say sorry. I'm so proud of you babe, nakayanan mo lahat ng 'to ng mag-isa. Ako dapat ang humingi ng tawad sa'yo dahil wala akong nagawa... Hinayaan kita na mangyari sa'yo 'yon."

"It's okay, pinili kong mangyari sa akin ang lahat ng 'yon kaya wala kang kasalanan." hinaplos ko din ang pisngi niya

"I love you so much... Ang tagal kong hinintay 'to."

Naalala ko ang pinangako ko dati, kapag maayos na ang lahat ay ako mismo ang lalapit sa kanya at sasabihin kung gaano ko siya kamahal.

"I love you too so much babe, ang tagal ko din hinintay 'to. Alam ng Diyos kung gaano ko pinigilan ang sarili ko na sabihin sa'yo kung gaano kita kamahal dahil komplekado pa ang lahat noon. At ngayon ay masasabi ko na sa'yo ang katagang 'yon... Mahal na mahal na mahal kita John Carl Gonza." hinalikan ko siya sa labi


A/N: MALAPIT NA ANG EPILOGUE :))

Chasing Her (Chasing Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon