19

1.3K 23 0
                                    

"Mommy!" Masiglang tawag sa akin ni Camille

'Yan ang palagi niyang tinatawag sa'kin simula nang mag stay ako dito. And I don't know when she's always calling me that. I felt happiness

"Yes prinsesa Camille?" Nakangiting sagot ko

"Can you help me this please?" She pouted

Ngumiti naman ako at kinuha ang story book niya't pinaupo sa kandungan ko.

"Babasahin ko 'to?"

Hindi ko siya kinakausap ng English dahil alam ng mga kasamabahay at ni Carl na hanggang elementary lang natapos ko. Kaya tagalog nalang, pero kapag kaming dalawa lang naman ni Camille ay english ko siyang kinakausap.

"Yes please."

"Alright." binuksan ko na ang story book niya at sinimulang basahin

"One day, there's a princess in the village. She's happily dancing in the garden, but when the king called her. She was scared..."

"Why she was scared?" Tanong naman niya

"Because her father force her to get married to the man she doesn't love. The princess is the next step of her mother who passed away a months ago. But before she become a queen, she needs to get married first, and her father decided to negotiable her daughter to the prince of  Sactran."

Tinignan ko si Camille na nakikinig ng mabuti. Nakasandal na ang ulo sa dibdib ko. Mukhang inaantok na

"Do you want me to continue this?"

"Yes please." humikab ito

Tinuloy ko na nga ang pagbabasa, hanggang sa napansin kong nakatulog na ito. Dahan-dahan ko siyang inayos sa bisig ko at binuhat. Umayat na sa taas para ipasok na siya sa kwarto niya.

"Tulog na alaga mo?" Tanong ni ate Valine

"Opo." sagot ko at kumuha ng tubig sa ref

"Nakakapagtaka nga at mabait sa'yo si prinsesa Camille." sambit naman ni Jilian

"Bakit? Pasaway ba siya bago ako pumasok dito?"

"Sobra, walang nagtatagal na katulong sa kanya. Dahil sinusungitan niya lahat at pinagti-tripan."

"Baka walang oras si sir sa kanya?"

"Palagi ngang may oras si sir sa kanya. Baka talaga naghahanap siya ng inang mamahalin siya at aalagahan siya." sabi ni Faith

"May mommy naman ata siyang kinikilala eh."

"Mayroon nga, pero ayaw niya kay ma'am Ayesha. Hinahanap-hanap niya pa din ang totoong mommy niya. Dahil akala niya ay buhay pa siya."

"Oo, at mukhang nakikita niya sa'yo ang mommy niya. Sana ay wag kang aalis agad, dahil ngayon palang namin nakita ang batang 'yon na gano'n kasaya. Usually ay nakasimangot palagi."

Hindi ko tuloy maiwasang ma guilty. Kahit ako ay ayaw kong iwan ang bata. Iniisip ko palang 'yon ay naiiyak na ako.

"Hi sir!" Masiglang bati ko sa kanya pagkadating niya

Tinanguan lang naman ako nito at nilampasan.

"Ang sungit mo naman." hinabol ko siya at hinarangan.

"Get out of my way."

"Kumain kana ng dinner sir?" Nginitian ko siya

"Why are you asking?" Nagtaas ito ng kilay

"Ipinagluto kita, sayang 'yon kapag hindi nakain. Mapapanis"

"Edi i ref mo." akmang lalampasan na niya ako pero pinigilan ko na naman siya

"Sige na sir kumain kana, minsan lang kita ipagluto eh." pangungulit ko

Kailangan ko nang kunin ang loob niya para mapadali ang trabaho ko.

"Fine, is my daughter is asleep?"

"Oo, kanina pa hehe."

Pagkadating namin nang dining ay pinagsandok ko na siya ng pagkain. Tinititigan ko lang siya habang kumakain.

Shocks ang gwapo!

"Don't look at me like that." pagsusungit niya

"Crush kita sir." saad ko at humagikgik

"I lost my appetite."

"Hala, sir naman, totoo ang sinasabi ko crush kita."

"Itulog mo 'yan." saad niya at iniwan ako

Napanguso naman ako at niligpit na ang pinagkainan niya. Pinaglihi siguro 'yon sa sama ng loob kaya gano'n. Buti nalang ay hindi nagmana ang anak niya sa kanya.

Kinabukasan, maaga akong nagising para ipagluto siya nang breakfast.

"Aga mo ah, para sa alaga mo ba 'yan?" Tanong ni Faith

"Oo, pati kay sir na din."

"Crush mo si sir no?" Kiniliti pa ako nito sa tagiliran

"Hindi no!" Namumula kong tanggi

"Asus, bakit ka namumula?"

"Rosé cheek ako."

"Okay, sabi mo eh."

"Good morning mommy!" Masiglang bati ni Camille

"Good morning prinsesa Camille." nakangiti kong bati at pinaupo siya sa baby chair niya't pinaglagyan ng pagkain sa plato.

Sakto naman ay dumating na si Carl.

"Good morning sir!" Masiglang bati ko.

"Morning." tipid na sagot niya at umupo sa tabi ni Camille

"Anong gusto mo sir? Spam? Egg? Or bacon?"

"Coffee."

"Coming right up!" dali-dali akong pumunta nang kusina

Sa lahat ng pwede kong makalimutan ay kape pa!

"Sir heto na ang coffee mo, made with love 'yan." kinindatan ko pa ito.

"Mommy I want more."

"Anak, why are you calling her mommy? Call her ate or yaya."

"She's mommy dad! Diba you said to me that I look like mommy? You even give me her picture." pakikipagtalo niya sa ama

"Maybe she just look like her, after you eat. You will go with me"

"Where are we going?"

"To your mommy Aye."

"No! I don't want to! I don't like her!" Pagta-tuntrams niya

"Wag niyo ho kasi pilitin sir kung ayaw." sabat ko

"Shut up, usapang mag-ama 'to." pagsusungit niya

"Ayaw nga ho ng bata sir, bahala kayo kapag nagtampo 'yan sa inyo."

"Okay fine, hindi na tayo pupunta doon. You will stay here, Antoinette, bantayan mo ng mahigi itong anak ko." bilin nito at tumayo

"You're going na?" Ngumuso ang anak

"Yes baby, behave okay? I love you." hinalikan nito ang anak sa sentido

"Ako walang kiss?" Pangaasar ko

Inirapan lang naman ako nito at umalis na.

"Hindi daw crush ah." napakislot ako nang marinig ko ang boses ni Faith

"Kagulat ka naman."

"Prinsesa Camille, payag ka ba na maging asawa niya ang daddy mo?"

"Yes!"

"Umalis ka na nga." hinila ko ng bahagya ang buhok niya

"Ang tapang mo girl ah." tumawa pa ito bago umalis

"Wag mo nalang pansinin 'yon, anong gusto mong gawin ngayon?" Nakangiti kong tanong

"I want to go to the mall mommy!"

"Eh sabi ng daddy mo dito ka lang sa bahay."

"But I want to go."

"Ganito nalang, bisitahin natin ang daddy mo sa office niya at magpaalam tayo. Gusto mo 'yon?"

"Yes!"

"Sige, kain ka na." hinaplos ko ang buhok niya

Chasing Her (Chasing Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon