15

1.2K 18 0
                                    

"Kuya, may umaway kay ate."

"What? Who?"

"A-ah, don't mind that. Nakabawi naman ako." naiilang na sabi ko

Napakadaldal talaga ng batang 'to.

"No, Dodong tell to me. Sino ang umaway kay ate Tanya mo?"

"Francine po pangalan, tinatanong po niya kung sino ang tatay ni baby Camille. Tapos ang sakit pa niya magsalita kay ate."

Napailing nalang ako at tinuloy ang pag-kain.

"That bi-"

"Hmp, bibig mo, may bata dito." suway ko nang akma sana siyang mag mumura

"She insulted you, hindi ako makakapayag."

"Ayahan na natin ang babaeng 'yon, tapos naman na."

"Alright... By the way, kumusta ang bonding niyong dalawa?"

"Masaya po! Pumunta po kami sa swimming pool na maraming bola! Tapos kumain po kami sa McDo."

"Glad that you enjoying your vacation here."

"Babe, what if may sinisikreto ako sa'yo na dapat mong malaman. Magagalit ka ba sa'kin?"

Yumuko ako para makita siya, nakayakap na naman siya ngayon sa tiyan ko.

"It depends, bakit may secret ka ba na dapat kong malaman?" Tanonv ko at tinaasan siya ng kilay

"What if lang naman 'yon, pero magagalit ka ba?"

"It depends on the situation, kung para naman sa ikakabuti ng lahat 'yon ay hindi ako magagalit. Pero kung pagkakait ang pagtatago mong 'yan ay siyempre magagalit ako. Dahil what if importante 'yan na dapat pala ay matagal ko ng nalaman pero pinagkait mo. Sino bang hindi magagalit doon diba?" Sinuklay ko ang malambot niyang buhok gamit ang mga daliri ko

"Yeah..."

May three months nalang ako, hindi ko pa sila kayang iwan.

"I'm sorry... Always remember that I love you so much." mahinang bulong ko habang haplos ang pisngi niya, kasalukuyan na siyang natutulog ngayon

Bigla akong nakaramdam ng gutom, kaya bumaba ako ng kama at akma na sana akong lalabas ay biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello?" Sagot ko sa unknown number

"Nagbago na pala isip ko, you still have two months left. Ayoko ng magtagal kapa ng isang buwan diyaan kay Gonza. Nababawasan na ang mga pera ko at kakailanganin na kita."

"Why are you doing this? Sarili mong anak gagamitin mo para sa sarili mong kapakanan? Aminin niyo nga sa'kin dad... Tinuring mo ba ako bilang anak mo?" Hindi ko maiwasang kwestiyonin siya

"Stop the drama of yours Satania, sundin mo nalang ang inuutos ko sa'yo. Or else... Mawawala ang anak mo at ang Gonza na 'yan? Choose."

"I hate you so much." gigil kong sabi at pinunasan ang tumulong luha ko

"Enjoy your two months there my dear daughter. Bye."

Naluluha kong nilingon si Carl na mahimbing na natutulog.

I'm sorry my love, I don't have a choice... I need to do this.

"Good morning babe, how's your sleep?" He asked

"Good." malamig na sagot ko

Ayoko ng paasahin pa siya, kailangan ko ng gawin 'to. Kahit na magalit pa siya sa akin ay ayos lang.

"Are you okay? Bakit parang wala ka sa mood?" Takang tanong niya

Hindi naman ako sumagot at tinuloy ang panonood kasama si Dodong.

"Kumain na ba kayo?"

"Opo kuya." si dodong ang sumagot

"Babe, aalis na'ko." paalam niya, tumango lang ako

Naramdaman ko ang paghalik niya sa pisngi ko at paghalik niya sa tiyan ko.

"Bye princess, 'wag mong papahirapan si mommy hmm? I love you both." ngumiti pa siya sa'kin bago umalis ng bahay

"Ate, bakit po hindi mo pinapansin si kuya?" Tanong ni dodong

"Mahirap ipaliwanag Dong."

"Aalis na po ako bukas, may klase na po ulit kami." malungkot na saad niya

"Mami-miss kita." nginitian ko siya at ginulo ang buhok niya

"Mami-miss ko din po kayo at si baby Camille." hinaplos nito ang tiyan ko

"Don't worry, may susunod na bakasyon pa naman."

At sa susunod na 'yon ay wala na ako dito.

"Lumabas na po no'n si baby diba? Makikita ko na siya."

"Yes, maging mabuting kuya ka sa kanya ha? Ipagtanggol mo siya kapag may umaway sa kanya."

"Opo! Hindi po nila pwedeng saktan si baby Camille. Dadaan muna sila sa ibabaw ng bangkay ni Kiko bago nila masaktan si baby Camille." tinaas pa nito ang dalawang sleeve niya sa balikat

"Silly, dinamay mo pa si Kiko." natatawa kong sabi

"Pero bakit parang nag-aabilin na po kayo? Mamatay kana po ba?"

Tumawa ako at umiling.

"Hindi... May sasabihin akong secret sa'yo."

"Ano po 'yon?" Naging interesado siya bigla

"Aalis kasi ako, 'wag mong sasabihin kahit kanino ha? Sa ating dalawa lang 'to."

"Saan po kayo pupunta? Sa mall? Bakit kailangan pa pong i-secret?" Takang tanong niya

"Sa malayo ako pupunta, promise mo sa akin na hindi mo ipagkakalat ha?"

"Iiwan mo po si kuya at baby Camille?"

"Yes... Kailangan eh." lumunggkot ang boses ko

"Bakit po?"

"Basta, sasabihin ko sa'yo kapag malaki kana. Sa ngayon ay i-promise mo muna sa akin na hindi mo ipagkakalat ha?"

"Opo! Promise po. Kahit madaldal po ako marunong akong magtago ng secret."

"That's good." ginulo ko ulit ang buhok niya

Kaya mo 'to Tanya... Fighting! For the safety of your baby and Carl.

"I'm home, how are you? And how's my baby there?" Malambing na saad niya at lumuhod sa harap ko't hinalikan ang tiyan ko

"Please dumistansiya ka muna sa tiyan ko, naiirita ako sa'yo." pagsusungit ko at iniwan siya, pumanik ako sa isang kwarto kung saan natutulog si Dodong

Kahapon ay umalis na si Dodong, hinatid na siya ulit sa farm.

"What's your problem? Ilang days kanang ganyan sa'kin. May masama ba ako nagawa sa'yo?"

"Nasasakal na ako sa bahay na 'to, gusto ko ng umalis. At ayoko na sa batang 'to, ang hirap mag panggap sa'yo. Nasira ang pangarap ko dahil sa'yo at sa batang 'to."

I'm sorry, I'm so sorry

"Oh please, bawiin mo ang mga sinabi mo, ang ayos natin noon mga nakaraang buwan. Ano bang nangyayari sa'yo?" Mahinahon na saad niya

"Hindi mo ba ako naiintindihan? GUSTO ko ng umalis sa bahay na'to. I don't want this kid, hindi ikaw ang mahal ko. It's Zeus" I lied

"No, sabihin mong hindi mo sinasadya lahat ang mga sinabi mong 'yan."

"I don't care kung maniniwala ka o hinde. Ang importante sa akin ay ang makalaya sa presong bahay na 'to at iwan kayo." huling sabi ko at nagtalukbong sa comforter

Tahimik akong lumuluha.

I'm so sorry, I didn't intention to say that. Kung ito lang ang paraan para mailigtas kayo ay gagawin ko

Chasing Her (Chasing Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon