3

1.6K 25 1
                                    

"Mommy..." Umiiyak ako ngayon sa sulok ng kama ko

Wala na ang mommy ko... Pinatay siya ng gagong ama ko. Kapag talaga ako nakatakas dito gagantihan ko siya.

"Ma'am, kain na po kayo." dinig kong sabi ng isang maid

"No! Alisin mo 'yan, hindi ko kakainin 'yan!" Galit na sigaw ko na ikinatakot niya

"P-per-"

"Sabing hindi ko kakainin 'yan! Lumabas ka na dito! Mas mahiging mamatay nalang ako sa gutom kaysa sa mabuhay pa sa mundong 'to na palagi akong nakakulong sa demonyong ama ko." humagulgol ako

Nang makalabas na siya ay mas lalo akong napahagulgol.

"Tanya! Kumain ka!" Dinig ko naman sigaw ni dad

Mas lalo akong nagsumiksik sa sulok ng kama ko nang makapasok na siya sa kwarto ko.

"Wag kang mag inarteng bata ka! Kumain ka kung ayaw mong malintikan sa'kin." gigil ka sabi niya at pabagsak na binitawan ang pagkain sa lapag

Umiiyak ko lang naman tinignan ang pagkain na iyon. Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa tuwing tinitignan ko siya ay naaalala ko ang ginawa niya sa mommy ko.

"Kumain ka." huling sabi niya bago lumabas sa kwarto

Narinig ko ang pagkalam ng sikmura ko, kaya dahan-dahan kong kinuha ang plato. At nang akma kona sanang isusubo 'yon ay bigla akong naduwal. Kaya dali-dali akong pumasok ng banyo at doon sumuka.

Nanghihina akong napasalampak sa tiles. Biglang napaisip

No...

Hindi pwede, hindi ako pinanganak kahapon para hindi malaman kung bakit ako naduduwal. Dahil ilang araw ko na din dinadanasan 'to sa tuwing umaga.

Hindi ako pwedeng mabuntis.

Para makasigurado ay kinuha ko ang telephone para tumawag ng isang kasambahay.

"Hello po ma'am?"

"Go here." malamig na sambit ko at binaba ang tawag

Wala pang ilang minuto naman ay dumating na ito agad.

"Buy me a pregnancy test, don't tell dad."

"S-sige po." utal na sagot

"And pagdala mo din ako ng strawberry and ketchup." bigla akong natakam

"Sige po."

"Alright, you may go."

Alam ko na ang magiging resulta kahit na hindi ako mag take. Gusto ko lang talagang makasigurado. Hinaplos ko ang tiyan ko

Hey there little one, don't worry. You're safe with mommy

Naisip ko bigla ang ama niya. Hindi ko alam pero bigla nalang akong naiyak.

I want to see him.

But I can't, ni hindi naman niya ata ako nakikilala.

John Carl Gonza, the father of my baby. And the best friend of Zeus

"Ma'am, heto na po ang pinapabili niyo." sambit ng kasambahay

Tumayo naman ako at kinuha sa kanya 'yon. Biglang naglaway nang makita ang strawberry at ketchup. After ko kainin 'yon ay pumasok na ako sa banyo at tinake ang limang pregnancy test.

Positive.

There's a baby in my womb. Aaminin ka masaya ako dahil may magiging kakampi na ako. Pero may parte sa akin na natatakot para sa kanya. Dahil baka mapahamak siya dahil sa akin.

Napapabuntong hininga nalang akong lumabas ng banyo. Pero nagulat nang makita si daddy sa loob ng kwarto ko.

"D-dad." kinakabahan kong sabi

"You are pregnant. Who's the father? It is Zeus?"

"I-it's-"

"Of course it's Zeus, siya lang naman ang naging nobyo mo. Very good, pwede natin gamitin ang batang 'yan para makuha ang lahat ng mga kayaman ng mga Zapanta." ngumisi siya

"It's no-"

"Wag na wag mong papabayahan ang batang 'yan. Siya lang ang makakatulong sa atin para makuha natin ang lahat ng yaman nila." huling sabi niya at lumabas na sa kwarto.

Tangina niya talaga. Nakakapangigil ang matandang 'yon. Hindi ako papayag na gamitin niya ang anak ko para sa kagustuhan niya.

Two months later, tinitignan ko ang baby bump ko sa malaking salamin dito. May konting umbok na ang tiyan ko.

Naalala ko ang inutos ni dad sa akin. Wala akong magawa kundi sundin nalang siya dahil baka mapahamak kami pareho ng anak ko. Kaya sinunod ko ang gusto niyang aminin ko kay Zeus na buntis ako para makuha ang loob niya. Ginawa ko, para sa kapakanan namin

Hindi ko masabi-sabi ang totoo kay Zeus dahil may nilalagay silang recorder sa bawat damit na sinusuot ko para marinig nila ang mga pinaguusapan namin.

"Tanya, Zeus is here." malamig na sabi ni dad

Sumunod naman ako sa kanya, at pagkababa namin ay nakita ko ang malamig na mukha ni Zeus. Hindi siya masaya, ako din naman. Nagsisisi pa ako dahil nang dahil sa'kin ay malapit ng masira ang relasyon nila ni Akira.

"Next month, ikakasal na kayo. Ayokong lumaki ang apo ko na hindi buo ang pamilya niya. Ikaw Zeus, alagaan mo ang mag-ina mo."

"Yes po." ramdam ang pagkapilit sa boses niya

"Isama mo si Tanya, pareho niyong aminin sa Akira na 'yon na may anak kayo. Dahil ayokong may maghahabol sa'yo."

Tango lang naman ang isinagot ni Zeus. And then after that isinama niya na ako sa condo nila. Galit na galit si Akira nang malaman niya. Inaway ako nito na ikinadugo ko

Takot na takot ako nang maraming dugo ang humagos sa hita ko. Gusto ko siyang sisihin pero hindi ko magawa. Dahil kasalanan ko din naman, hindi pa malaman ni Zeus kung sino ang pipilihin niya sa aming dalawa. Gusto kong sabihin sa kanya na piliin na niya si Akira. Pero magpapaka selfish muna ako dahil delikado ang buhay ng anak ko. Kaya ang ending ako ang pinili ni Zeus bago ako mawalan ng malay

Pagkagising ko ay agad kong kinapa ang tiyan ko. Nakahinga ng maluwag nang malaki pa din 'yon.

"You're awake Miss Javier."

"How's my baby doc?" I asked

"The baby is safe, pero dapat ay mag doble ingat kana ngayon. Dahil kapag nasobrahan ka sa stress ay pwedeng mawala ang baby mo. I will give you a medicine na pampakapit para na din sa kaligtasan ni baby. And also dadagdagan ko ang vitamins na ibibigay ko sa'yo para mag stay healthy kayo pareho. Anyway, you're eight weeks pregnant." ngumiti siya

"Thank you po doc." ngumiti ako pabalik

Pagkalabas niya ay nakangiti kong hinaplos ang tiyan ko.

"Thank you anak, hindi mo iniwan si mommy." kausap ko hapang hinahaplos 'yon

"Why you didn't tell me that you're pregnant?"

Gulat akong napatingin sa nagsalitang 'yon

Chasing Her (Chasing Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon