Epilogue

1.9K 31 5
                                    

Nagising ako sa iyak ng anak ko, kahit inaantok ay tumayo ako at kinuha siya sa crib niya.

"Hush... Daddy's here baby, stop crying." paghehele ko sa kanya

Kahit pagod ako sa trabaho, sinisiguro ko na hindi ako mawawalan ng oras sa kanya. Dahil ayokong kapag dumating ang araw ay magtatampo siya sa akin. Kaya as much as possible ay hinahati ko ang work at pag-aalaga sa kanya.

"Are you hungry?" Malambing na saad ko

Mas lalo itong umiyak, napabuntong hininga naman ako at umupo sa kama at sumandal sa headboard. Pinatong ko siya sa dibdib ko, at mukhang effective naman ang ginawa ko dahil tumigil na siya sa kakaiyak.

"I miss your mommy so much." marahan ko siyang hinalikan sa noo bago humiga ng ayos para makatulog na din.

"Hello tita?" Sagot ko sa tawag ni tita Aika

Si tita Aika ay kapatid ni daddy na malapit sa akin.

"Ayesha will come home, nalaman niya ang nangyari. Uuwi muna daw siya para masamahan ka niya sa pag alaga sa anak mo."

"Sigurado ba siya?"

"She insisted, pabayaan mo na siya."

"Alright, thank you tita."

Pagkalipas ng ilang oras, dumating nga si Ayesha. She was so excited when she sees my daughter.

"Omg, she's so beautiful. Kamukha mo siya."

"Sigurado ka na ba na sasamahan mo 'ko? Wala kang ibang ginagawa?"

"Alam mo namang palipat-lipat lang ako ng bansa, gusto kitang tulungan. Tignan mo nga 'yang katawan mo, napapabayahan mo na."

"Thank you."

"Wala 'yon, for you and for this little cute baby."

"Papasok muna ako sa office, nasa room niya ang mga bote at damit niya."

"Alright, take care."

"Sir, you need to see this." salubong ng secretary ko pagkapasok ko sa office ko

Kinuha ko ang iPad at nagsisi din nang makita ang balita.

Just In: Business man na si Antonio Villaflor ay na ambushed ang kanilang sasakyan at nahulog sa isang bangin. At hinala ng soco na kasama doon ang kanyang anak na si Satania Kim Villaflor. Sa ngayon ay patuloy na hinahanap ang nahulog na van.

"Cancel all my meetings." sambit ko at dali-daling nilisan ang company

"Tito." tawag ko sa kanya, pagkadating ko ng headquarters

"Calm down, patuloy pa din silang naghahanap."

"I can I calm down tito? Tanya is there!"

"Alam ko, ginagawa na ng mga tauhan ko ang lahat para mahanap siya. Just don't lost hope."

"Please tito... Gawin niyo ang lahat." I finally broke down

"We will."

Please Lord help my girlfriend...

"I saw the news, nahanap na si Tanya?" Ayesha asked pagkauwi ko ng bahay

"Hindi pa, please take care my daughter. I'll just take a rest." matamlay na saad ko at pumanik na sa kwarto

Pabagsak kong hiniga ang katawan ko sa kama at tahimik na umiyak.

Hindi ko kaya... Mababaliw ako.

A weeks later, wala pa din balita tungkol sa kanya. Hindi pa din ako nawawalan ng pag-asa. Hindi ako maniniwala hangga't walang bangkay na ipapakita sa'kin.

Chasing Her (Chasing Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon