10

1.2K 16 1
                                    

"Tulungan ko na po kayo nay." magalang na sabi ko

Nandito ako ngayon sa kusina at nakitang nagluluto si nanay Roning.

"Naku wag na hija, kaya na namin 'to. Mag pahinga ka nalang o kaya ay mag libot-libot ka." agad na tanggi niya

"Parang ang boring po, kaya tulungan ko nalang po kayo." pag pupumilit ko

"Sigurado ka?"

"Opo, ano po bang niluluto niyo?"

"Bistek at chapsouy"

"Ako na po mag hihiwa sa mga gulay." saad ko at nagsimula ng tulungan ang iba pa niyang kasama dito.

"Senyorita, paano ho kayo nag kakilala ni Senyorito?"

Paano ko ba sasagutin 'to?

"Ah, sa bar, nag kabanggahan kami." pagsisinungaling ko

Nakabuo pa nga kami ng bata dahil sa ibang banggahan na 'yon.

"Hulaan ko ma'am, sinungitan mo si senyorito."

"Hindi, pareho kaming humingi ng paumanhin sa isa't-isa." pagpapalusot ko ulit

"Ang ganda mo senyorita, para kang si Belle Mariano. May pagkakahawig kayo, tapos si senyorito may pagka Donny Pangilinan."

Natawa lang naman ako na napailing.

"Kaka DonBelle mo 'yan, Sana." natatawang sabi ng isa

"Totoo, kahawig nga"

"Hija, pakiabot nga ang sayote." saad ni nanay Roning

Binigay ko naman sa kanya ang mga nakahiwa na.

"Nay Roning, mag dagdag kayo ng isang plato sa dining. May dadating tayong bisita." sambit ni tita Carla

"Yes po, signora." magalang na sagot ni nanay

"Babe? Are you done?" Katok ni Carl mula sa labas ng banyo

"Yes!" Sigaw ko para marinig niya ako

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Tumaba na ako ng konti, pero ayos lang. Ang importante ay malusog ang anak ko. Kumuha na ako ng damit sa closet, nagsuot lang ako ng white cream plain dress.

Pagkalabas ko ng banyo ay naabutan ko si Carl na nakupo sa sofa.

"I'm done." sambit ko

"Come, I'll blow your hair." saad niya at pinaupo ako sa harap ng vanity mirror

"You're always beautiful, even when your haggard."

"Nambola ka pa." natawa ako

"Nagsasabi ako ng totoo, kaya nga ako na in love sa'yo. Sa simpleng look mo pa lang patay na patay na agad ako sa'yo."

"Oo nalang." tumawa ako

"May naisip na akong name ni baby."

Tinignan ko siya mula sa salamin.

"What is it?"

"Talia Camille."

"Parang siguradong-sigurado ka na babae ang magiging anak natin ah."

"Siyempre, that's my sperm." mayabang na sabi niya

"Bibig mo!" suway ko sa kanya

"What?" Tumawa siya

"Senyorito, senyorita. Pinapatawag na po kayo ni signora sa baba." katok ng isa sa mga maid

"We're coming!"

Pagkatapos niya akong blinower ay bumaba na kami at nagtungo sa dining. Nakita namin si tita Carla na nakaupo na sa dulo ng lamesa. May nakita din kaming isang sexyng babae sa tabi niya.

Chasing Her (Chasing Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon