DAGLI #1

23 4 4
                                    

KOLEKTOR NG SERTIPIKO

Napangiti ka habang tinitignan ang iyong mga sertipiko sa selpon mo. Marami ka na kasing nasalihan at sinasalihan na mga paligsahan kaya dumarami na ang mga nakokolekta mo.

Nagulantang ka nang biglang nasa harapan na ang kapatid mo, ni hindi mo man lang namalayan na pumasok pala ito.

"Kain ka na raw sabi ni mama, para kang tanga riyan na ngumiti mag-isa," sambit niya.

"Tiningnan ko lang mga sertipiko ko, ang dami na. Ikaw ba, wala?" pang-aasar at pagyayabang mo sa kaniya.

"Oo nga, pero puro naman ghoster at maharot award. Sumali ka lang para makahakot ka ng ganoong sertipiko."

--

Wri-con

• Rank 1 out of 19 participants
• Title Hooker
• Best In Technicalities (2)
• Best In Genre (Comedy)
• Best In Angle
• Most Organized Piece
• Most Inspiring Piece
• Most Unique Piece
• Most Creative Piece
• Judge's Choice (2)
• Founder's Choice

ONE-SHOT STORIES COMPILATIONWhere stories live. Discover now