DAGLI #8

9 2 5
                                    

DALAW

Napaiyak ka ng makita mo ang mga patay na kasama sa pag-agos ng tubig sa ilog ngunit ang tubig doon ay dugo. Kasama na roon ang mga kaibigan mo at narinig mo ang mga boses nila na humingi ng tulong.

Bigla kang napatingin sa babaeng nakalutang sa ere habang umiyak ng dugo ngunit bigla itong ngumisi na nagpatayo ng balahibo mo.

"Kailangan mo ng umamin, Ali."

Nagulat ka na lang ng tinawag ka ng mga kaklase mo at doon ka natauhan na ilang oras ka na pala tutula.

Naalala mo ang mga kasalanan mo. Dinalaw ka na naman ng konsensya.

--

Wri-con

• Rank 4 out of 9 participants
• Huling Mandirigma
• Pithaya Ng Tagapangasiwa

ONE-SHOT STORIES COMPILATIONWhere stories live. Discover now