DAGLI #10

8 2 0
                                    

⚠️WARNING: GORE SCENE AHEAD!

PAINTING
dedicated to Zhyxid Viaxtre

"Hi, ito nga pala 'yong regalo ko sa 'yo para sa araw ng mga puso. Sana magugustuhan mo," nahihiyang sambit ko sa taong matagal ko ng gusto at saka binigay sa kaniya ang painting.

Pinipinta ko kasi ang mukha niya noong wala kaming pasok. Naisipan ko siyang i-paint noong na-bored ako at walang magawa sa bahay. Sakto malapit na ang araw ng mga puso.

"Wow, you paint me? Thank you so much for this. Ghad, ang ganda," manghang sambit niya.

Titig na titig talaga siya sa pinipinta ko kaya hindi ko mapigilan hindi mapangiti kasi nagustuhan niya ang gawa ko para sa kaniya. Ako na yata 'yong taong pinakamasaya sa buong mundo. Ang ganda niya talaga.

Napataas ang isang kilay ko ng inamoy niya ang gawa ko. Napakunot-noo naman ito at saka tumingin sa akin.

"Bakit amoy dugo?" taka niyang tanong.

Napakamot naman ako sa ulo at ngumisi. Naalala ko na naman kasi 'yong kalokohan na ginagawa ni daddy at 'yong isang babae.

"Dugo ng mama mo ang ginamit ko sa pagpinta."

ONE-SHOT STORIES COMPILATIONWhere stories live. Discover now