DAGLI #2

18 2 4
                                    

NAKAGAPOS SA SARILI

Bigla kang nagising at napabangon dahil sa sobrang gutom. Napatingin ka sa iyong kapaligiran at nakita mo ang mga balat ng junkfoods na nagkalat dahil naubos mo na kagabi pa.

Hinawakan mo ang iyong tyan at hinihimas-himas ito. Kumakain ka na naman ng marami subalit payat ka pa rin, nang bigla kang natigilan dahil may bulong kang narinig malapit sa 'yo-kaso mag-isa ka lang sa kuwarto.

"Gutom pa ako..."

Napatingin ka sa iyong gilid at nasilayan mo ang lamesang puno ng masusustansyang pagkaing nakalatag, ngunit hindi tinatanggap ng sistema mo nang dahil sa pagkontrol ng halimaw sa iyong tyan.

--

Wri-con

• Rank 6 out of 11 participants
• Best In Angle

ONE-SHOT STORIES COMPILATIONWhere stories live. Discover now