DAGLI #11

6 2 0
                                    

⚠️WARNING: KILLING SCENE AHEAD!

CHEATER
dedicated to Athe Na

Napangisi ako ng makita ko ang babaeng nakahiga at nakatulog sa kama ko. Walang mga suot na damit at nakagapos ang mga kamay at paa nito sa magkabilang gilid ng kama. Napatingin ako sa hubad niyang katawan. Puno ito ng pasa at sugat dahil sa ginagawa ko sa kaniya kagabi. May dugo pang nagkalat sa katawan niya dahil sa mga sugat niya.

Malaki ang kasalanan na ginawa niya. Gusto ko itigil ang ginagawa niyang manloko. Isa akong guro, hindi ko ito-tolerate ang mga ganitong estudyante.

Napangisi ako ng makita kong gising na siya. Napasinghap pa ito dahil sa hapdi at sakit na nararamdaman niya sa katawan ng sinubukan niyang gumalaw.

"Ano, kaya pa?" malamig na tanong ko sa kaniya.

Masama naman ang tingin nito sa akin. Hindi siya makapagsalita dahil putol na ang dila nito.

Kinuha ko ang patis at suka sa study table. Kinuha ko ito kanina galing sa kusina dahil may plano ako sa babaeng ito. Lumapit ako sa kaniya. Nagpumiglas ang babae dahil gusto niyang kumawala sa mga gapos at tumakas pero hindi ko iyan hahayaang mangyari. Nakita ko ring tumulo ang mga luha niya pero ang puso ko parang bato dahil hindi ako naawa sa kaniya.

Binuhos ko sa kaniyang buong katawan ang patis at suka. Napaungol ito dahil sa hapdi at sakit.

Ngumiti ako at hinaplos ang mga pisngi niya ng dahan-dahan.

"Alam mo ba? Kumati na ang mga kamay ko. Gusto na pumatay kaya papatayin na kita ngayon. Tama na ang pagpahirap ko sa 'yo," kalmadong saad ko.

Nagulat at natakot ito sa sinabi ko pero hindi ko siya pinansin. Kumuha ako ng towel at tinakip ko sa mga mata niya.

Kinuha ko ang palakol na nasa kaliwang gilid at binigla kong hiniwa ang mga paa nito kaya sumirit sa akin ang dugo. Hiniwa ko naman ang mga kamay nito pati na rin ang ulo. Dinilaan ko pa ang dugo na nasa mukha ko. Masarap kaya sobrang nakakatakam.

Hiniwa ko ang tyan nito at kinuha ko ang mga laman na nasa tiyan. Seryoso akong tumingin sa babaeng wala ng buhay.

Kapag may manloko pa sa anak ko. Hindi ako magdalawang-isip na papatay ulit. Ako ang gaganti sa kanila. Hindi ko hahayaang makita na masaktan ang anak ko dahil sa mga malanding babae kasi masakit sa puso na makita na ganiyan siya. Ina ako kaya gagawin ko ang lahat para sa anak ko.

ONE-SHOT STORIES COMPILATIONWhere stories live. Discover now