DAGLI #12

7 2 0
                                    

⚠️WARNING: HORROR SCENE AHEAD!

MAMA

Napangiti ako ng makita ko si mama rito sa labas ng bahay. Nakatayo siya habang pinagmasdan ang langit at dinamdam ang simoy ng hangin na tumama sa kaniyang mga balat. Napakunot-noo naman ako ng seryoso ito kaya lumapit ako sa kaniya baka may problema siya.

"Ma, ayos lang po ba kayo?" nag-alalang tanong ko ngunit hindi man lang sinagot ang tanong ko kaya nagtaka ako sa inaasta nito.

"Ma, sagutin mo na-" Hindi natuloy ang sasabihin ko ng may tumawag sa akin kaya napalingon ako.

"Anak, anong ginagawa mo rito sa labas?" takang tanong nito habang may suot na apron at sandok.

Nagulat ako at tumingin ulit sa kausap ko ngunit walang tao. Biglang lumakas ang hangin na ikinalunok ko ng paulit-ulit at parang nanigas ako sa kinatatayuan ko.

ONE-SHOT STORIES COMPILATIONWhere stories live. Discover now