DAGLI #15

5 2 0
                                    

OBLONG
dedicated to Kale Greenwoods, Shing Gayy and ANMM Admins

Nag-isip ako kung anong anggulo at bali ang gagamitin ko sa dagli na susulatin ko. May sinalihan kasi akong daglian at ang paksa ay oblong.

Napakunot-noo na lamang ako kaya imbes na mag-isip ay nakipagkulitan ako sa group chat kung saan nandoon ang ibang mga manunulat.

"Shing at Kale, what if i-ghost natin ang Oblong ni Ron? Haha!"

Natatawa ako habang sine-send ko ito sa gc. Hindi ito rant o insulto sa pahina, ito'y katuwaan lamang.

"Deal!" saad ng dalawa kaya natuwa ako.

"Luh, sali nang sali tapos mang ghost lang pala," saad pa ng isang admin.

Pinipigilan kong huwag matawa baka mabatukan ako ng aking kapatid na katabi ko lang. Dumating din ang araw tapos na rin ang pasahan hanggang dumating 'yong araw na awarding na.

Napakunot-noo ako ng makita kong tinawag ang pangalan ni Shing sa GC.

"Rank 1 goes to...

Shing Calixta!"

Ampt, hindi tumupad sa usapan naming tatlo.

ONE-SHOT STORIES COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon