DAGLI #6

8 2 5
                                    

⚠️ WARNING: KILLING SCENE AHEAD!

MABANGIS NA HAYOP

Nagkagulo ang bayan nila Tasha dahil darating na naman ang kadiliman na kinatakutan nila. Mabilis pumasok ang mga tao sa kanilang mga tahanan at kaagad na sinara ang mga bintana at pintuan.

Ramdam ko ang kanilang takot at pangamba dahil lalabas ‘yong isang mabangis na hayop. Napansin din ni Tasha na ganitong oras iyan lumabas.

“A-Ate, natatakot ako,” naiiyak na sambit ni Paul, ang kapatid na lalaki ni Tasha.

Nakaupo ito sa sofa habang katabi si Tasha. Niyakap naman niya ang kaniyang kapatid para kumalma.

“Shhh, huwag kang matakot,” seryosong saad ni Tasha.

Mayamaya’y narinig na nila ang kakaibang ingay sa labas. Ito na ang mabangis na hayop, lumabas na. Hindi nila alam kung kanino ito o saan ito galing. Siguro’y sobrang gutom na ito kaya kumain na ng tao.

Nakarinig sila ng sigaw sa kabilang bahay kaya naalerto ang pamilya ni Tasha ngunit si Tasha ay palihim na napangiti.

“Busog na naman ang alaga ko.”

——

Wri-con

• Rank 9 out of 11 participants

ONE-SHOT STORIES COMPILATIONWhere stories live. Discover now