~•Chapter 1•~

757 30 0
                                    

Gabb's POV :

Naniniwala ka ba sa Love?

Kung naniniwala ka, eh ano naman ngayon?

Para sakin, sakit sa ulo ang love. Hindi dapat sya sineseryoso kasi laro lang naman sya, at happy na akong single. Bakit ko pa pipiliing masaktan?

Hi! Ako si Gabrielle Skribikin but you can call me Gabb for short.

Isa akong businesswoman, I stayed in Shanghai for some business pero nandito na ako sa philippines ngayon.

At masaya na ako sa ginagawa ko.

Lahat ng pagmamahal at oras ko ay para lamang sa mama at papa ko, at para narin sa trabaho ko.

"Gabb, asan ka na ba?" Tanong ni mama sa tawag.

"Ma naman, hindi na ako teenager para tanungin mo ng ganyan." Sabi ko kay mama kasi patuloy nya akong ginagawang bata, "Eh ano naman ngayon? Bakit, tumanda ka ba nung umupo ka bilang CEO?" Tanong nya sakin at nakakairita paminsan si mama.

"Ma, look. Pagod ako. Di mo lang ba ako kakamustahin?"

"Ma'am, ako po pala driver nyo." Sabi ng lalaking lumapit sakin at agad ko naman binigay yung maleta ko sa kanya.

"So? Kamusta ka?"

"Ma.. Nang-aasar ka ba?" Tanong ko kay mama at lumabas ng airport tapos deretso sa sasakyan ko.

Pinasok ng driver yung maleta sa trunk at pumasok na nang kotse at pinaandar upang makaalis na kami.

"Hindi naman sa ganun, Gabb. Pwede mo naman sabihin kung nasaan ka na talaga!" Sabi ni mama and I know she's sounds tired of asking the same question to me.

Napabuntong-hininga ako at sabi, "Fine.. Kakaalis ko lang ng airport kaya wag ka nang mag-aalala, paparating na ako. Just wait for me." Sabi ko kay mama at rinig ko ang pagbuntong-hininga nya sa tawag.

"Fine.. Sabi mo."

"Sige na Ma." Sabi ko and end the call.

Pagkatapos nun ay ramdam ko parin yung stress kasi nga dahil sa trabaho ko, sinandal ko yung ulo ko sa headrest at pinikit ang mga mata ko. Pero di ako makapag-relax kasi ang ingay ng mga sasakyan dahil sa busina nila sa traffic.

I open my eyes at nakita ko ang isang Billboard.

"Familia De Trinidad."

Tama.

Ang pamilyang trinidad... Isa sa mga pamilyang mayayaman din, maimpluwensya at may kapangyarihan. Ang pamilyang Trinidad ay alyansa ng Skribikin family sa loob ng 90 years.

Pero wala naman akong pakialam.... Ito lang talagang taong to ang sobra akong naiinis.

Si Coleen Trinidad...

Ang taong kaaway ko na simula pa ng bata kami. At nakakainis na isipin na dapat magpanggap kaming okay para lang sa both families. Ewan ko ba? Ba't gustong-gusto nila mama at papa na kaibiganin ko sya?

Tapos bigla akong nagising sa katotohanan nung gumalaw yung sasakyan.

Umalis na kami sa traffic at sa ganung paraan ay napikit ko rin ang mga mata ko.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating din kami sa mansyon, pagpasok ko ay agad na nagpakita si mama.

"Daughter! I miss you!" Sabi ni mama at humalik sa pisngi ko, "Saan si papa?" Tanong ko kay mama and she suddenly roll her eyes. "Nanduon sa business meeting nya... Gabb, pagsabihan mo yang papa mo! Ayaw makinig sakin!" Sabi ni mama and I was puzzled.

"Bakit Ma?" Tanong ko, "Kasi ayaw nyang magpahinga! Palaging nagbabasa ng mga dokumento at palaging nagpupuyat! Alam mo naman sa edad nya!" Sabi ni Mama and I can see that she's worried.

"Sige Ma.. Sasabihan ko si papa." Sabi ko and smile.

"Gabb! I miss you!" Dumating si papa at niyakap ako.

"Pa.. Ano tong naririnig kong sumbong ni mama?" Tanong ko sa kanya at agad naman syang tumingin kay mama, "Carmen naman, Eh..! Nagsusumbong agad." Sabi ni papa sabay kamot sa ulo nya.

"Eh ano naman ngayon?! Ayaw mong makinig! Ngayon nandito na anak mo, bahala ka mapagsabihan!" Sabi ni mama at ngumiti lang si papa sakin.

"Pa naman.. Asawa mo si mama hindi ako! Dapat sa kanya ka nakikinig!"

"May point anak mo!" Sabi ni mama sabay turo sakin, "Carmen naman! Alam mong ito na ang trabaho ko simula pa nung ikasal tayo..!" Sabi ni papa.

"Oo nga, Pa... Alam namin yun pareho ni mama pero ngayon ako na ang pumalit sa pwesto mo.... Di ba pwede na mag-enjoy ka nalang kasama ni mama?" Tanong ko at alam kong nakikinig si mama sakin, "Eh pano ako mag-e-enjoy? Mama mo palaging maingay ang bibig!" Sabi ni papa at kita ko ang pagkagulat sa mukha ni mama.

"Ano sabi mo Alberto?!"

"Wala! Sabi ko maganda ang asawa ko!" Pang-aasar ni papa kay mama at natatawa lang ako sa kanilang dalawa, "Bitawan mo nga ako!" Sabi ni mama habang sinusuyo sya ni papa.

Tapos biglang may tumawag sakin, kaya agad ko naman itong sinagot, "Hello?" Tanong ko.

Alam ko na kung bakit sya napatawag, "Sige.. Pupunta ako." Sabi ko at pinatay yung tawag.

"Ma! Pa! Aalis na muna ako!" Sabi ko at pareho silang tumingin sakin, "Bakit nak? Saan ka pupunta?" Tanong ni papa sakin.

I shook my head and say, "Wala pa.. May asikasuhin lang ako." Sabi ko at nagpakita ng smile, "Di ka ba muna magpapahinga? Baka ikaw naman magkasakit nyan?" Tanong ni mama at lumapit ako.

"Okay lang ako. Babalik ako." Sabi ko at humalik sa mga pisngi nila.

"Sige! Bumalik ka kaagad dahil meron celebration!" Sabi ni mama sakin and I was puzzled, "Celebration?" Tanong ko kasi wala akong idea kung ano yun.

"Basta! Malalaman mo mamaya!" Sabi ni mama at patuloy akong tinulak papalayo, "Sige na ma! Parang excited ka naman na umalis ako?" Sabi ako at nagpakita ng pagkatampo sa kanya.

"Sus! Sige na! Umalis ka na kasi meron ngang celebration pag balik mo. Wag ka nang magtanong kung ano, basta pagbalik mo!" Sabi ni mama at tumango nalang ako.

"Sige ma. Bye!"

Umalis ako sa loob at pumasok ng sasakyan.

"Manong, sa opisina tayo." Sabi ko at umandar naman ang sasakyan at umalis kami ng bahay.

---

Chapter 1 ends.

Chapter 1 lang muna para sa inyo. Busy din ako sa ibang draft.

Chasing My Wife | Unicoco Fan FictionWhere stories live. Discover now