~•Chapter 50 : Banta•~

207 10 0
                                    

Coleen's POV :

Josh's mansion

Pumunta ako sa mansyon ni Josh at nung nakita ko sya ay agad ko naman syang sinampal ng malakas at ilang beses, "Ano? Masaya ka na?! Sinira mo na lahat!!" Galit kong sigaw at patuloy na sinampal ang mukha nya.

Pero pinigilan nya ako at sabi, "Kumalma ka!! Sandali lang!" Sigaw nya sakin at bigla akong natahimik.

"Coleen, hindi ka ba masaya? Ngayon, pwede na maging tayo!" Sabi nya at alam kong naka-inom na naman sya ng gamot.

Binitiwan ko ang pagkakahawak nya sakin.

"Tama na Josh. Naka-inom ka na naman ng drugs! Ilang beses na natin na pag-usapan na hindi ka na iinom!!" Sabi ko at niyakap nya ako ng mahigpit.

"Pangako, hindi na ako iinom. Basta sagutin mo lang ulit ako, Coleen ikaw lang ang gusto ko!" Sambit nya habang hinihigpitan ang pagkayakap sakin, pero tinulak ko sya at sinampal sya ulit.

"Tama na! Ayoko na! Nandito ako para sabihin sayo na hindi mo na ako makikita pa!" Sabi ko at aalis na sana, pero natigil ako nung marinig ko syang tumatawa.

Lumingon ako at tiningnan sya, "Akala mo ba kapag umalis ka, ganun ganun na lang yun?" Sabi nya at parang kinabahan ako ng konti.

Bigla nyang pinakita ang cellphone nya at patuloy na ngumiti sa harap ko, "Isang tawag ko lang, pwede kong ipapatay si Gabb." Nung marinig ko yun ay nanlaki ang mga mata ko.

Lumapit ako para kunin ang cellphone nya pero agad nya itong nilayo sakin, "Ken!" Tawag nya habang nakangiti at nakatingin sakin.

Tapos biglang lumabas si Ken at ang mukha nya ay parang seryoso.

"Ken, tawagan mo ang mga tauhan mo at sabihin mo na maghanda sila." Sabi nya at nagulat ako ng sobra, hindi lang kumibo si Ken pero kinuha nya ang cellphone nya kaya nagpanic ako.

"Wag! Please, Ken! Wag!" Nagmakaawa ako and then look at Josh.

"Ano ba kailangan mo?!!" Sigaw ko at di ko na talaga alam ang gagawin.

"Simple lang naman.. Piliin mo lang ako at walang mangyayaring masama kay Gabb. Pakasalan mo ako." Sabi nya at pakiramdam ko na gagawin ko ang pinakamalaking pagkakamali sa buhay ko.

"Josh please, wag mo syang sasaktan."

"Oo, anything you want. Basta umo-Oo ka lang sa lahat ng sasabihin ko, walang mangyayari sa kanya." Sabi nya at hinawakan ang pisngi ko.

Naramdaman ko na lang na may luha na tumutulo sa mukha ko.

I knew it, alam ni Josh ang kahinaan ko, And that is Gabb. Ang dumi nyang maglaro at kapag-iniisip ko yun ay nagagalit ako.

Tumango na lang ako, "Sige.. Pakakasalan kita, pero layuan mo si Gabb. Kapag sinaktan mo sya, hindi mo na ako makikita." Sabi ko at biglang lumaki ang ngiti sa labi nya.

"Coleen thank you! You made the best decision!" Sabi nya at niyakap ako ng mahigpit.

Para sa kaligtasan ni Gabb, wala akong choice kung di ang sumunod sa gusto nya.

Gabb's POV :

Nasa office ako ngayon and Ella just enter my office.

"Umalis ka na bago kita batuhin ng baso." I warned her while stopping myself to do it.

Pero lumapit pa rin sya and get a wine, she pour the wine in my glass at binigay sakin, "You know dapat hindi ka nagpapagod." Sabi nya and suddenly walk towards me.

Pero agad naman akong lumayo at umalis, "Pabayaan mo na ako! Umalis ka na!" Sabi ko and pick a book in my book shelf, I was just acting na magbabasa ako ng libro to ignore her.

"Gabb, forget about Coleen. Nalaman ko na lang na divorce na kayo." She said and she sounds like natutuwa pa sya, "So? If you think na divorce na kami ay babalik ako sayo? You're wrong. Kahit anong gawin mo, hindi mo mababago na nag-cheat ka din kagaya ni Coleen.!" I uttered and try my best to stop my anger towards her.

"Gabb, I realize na mahal pa rin kita!"

"Then sana naisip mo yan bago mo ako niloko! I don't want to see you or Coleen." Sabi ko at iniwan sya na mag-isa sa office ko.

I ran away at pumunta ng elevator, ayokong umiyak kasi I know to myself na dapat maging malakas ako just because Coleen cheated on me.

This is the reason why I hate love.

Bumukas ang elevator at agad naman akong lumabas, gusto ko munang magpakalayo sa lahat.

Sumakay ako ng sasakyan at sabi, "Sa bar tayo manong." Sabi ko and lean my head in the headrest, "Saang bar ma'am?" Tanong ni manong.

"Kahit saan basta dalhin mo ako sa bar!"

Tumango sya at agad na pinaandar ang sasakyan at umalis kaming dalawa sa place and after a couple of minutes ay nakarating kami sa isang bar.

Ang name ng bar ay Daniel's bar.

Parang ngayon ko lang nakita ang bar na to ah, pero wala na akong pakialam. Pumasok ako and saw that there's so many people at sobrang ingay sa loob.

I know this way makakalimutan ko ng panandalian ang mga problema ko.

Pumunta ako sa isang bar tender and say, "Kuya, isang mojito." Sabi ko at agad naman ako binigyan ni kuya ng isang baso.

"Bago po ba kayo dito sir?" Tanong nya at tumango lang ako habang ininom ang isang baso ng mojito, humingi pa ako ng isa at agad naman nya itong binigay.

"Sir, dahan dahan lang po sa pag-inom." Sabi nya and I shook my head, "Wala bang mas malakas. May problema kasi ako, gusto lang makalimot." Sabi ko and I know nagiging dramatic na naman ako.

"Wait lang po." Sabi nya at kukuha ng isang wine.

Maybe this is also a good thing? After this, aalis ako ng bansa at pupunta sa America para tuluyan ko na syang makalimutan.

---

Chapter 50 ends.

Chasing My Wife | Unicoco Fan FictionWhere stories live. Discover now