~•Chapter 73•~

186 8 0
                                    

Third person's POV :

"Sir Josh. Ito na lahat ng information na nakuha ko." Sabi ng isang lalaki at inabot ang isang folder sa kanya.

Dali dali itong kinuha ni Josh at binuksan, nakita nya ang mukha ni Coleen pero iba ang pangalan na nakalagay.

"Si Coleen nga to, pero bakit Marie ang nasa passport ID nya?" Tanong ni Josh at tiningnan ang ibang papel.

"Sir Josh, nakaalis na po ang asawa nyo papuntang Italy, maybe hindi lang po nakita na peke pala yung passport na binigay nya." Sabi ng lalaki at nakita ni Josh sa picture na pumila si Coleen papuntang flight sa Italy.

Sinara ni Josh ang folder at tumingin sa bodyguard nya, agad naman kumuha ng maliit na envelope ang body guard nya at binigay sa lalaki.

Pagbukas ay puro One thousand ang nasa loob, "30 thousand yan, kagaya ng pinag-usapan. Pagnalaman to ng iba, alam mo na mangyayari sayo." Sabi nya at tumango ang lalaki ng ilang beses kahit takot na takot na sya.

Paglabas nila sa kwarto ay agad na kinuha ni Josh ang cellphone nya at sabi, "Hello? Magpapa-book ako ng flight papuntang Italy ngayon. Ayoko ng delay, first class dapat ang ticket ko." Sabi nya at hindi na hinintay na sumagot ang nasa tawag.

Agad nya itong pinatay at sabi, "Makukuha na kita ulit Coleen."

Agad syang umalis sa lugar gamit ang pagsakay sa sasakyan nya.

(Back to Ken)

Hinahanda ni Ken lahat ng evidence at papers na pwedeng maglead kay Josh pero biglang nag-ring ang cellphone nya.

Nakita nya na si Ella ang tumatawag, he hesitate to answer it pero gusto nyang malaman kung ano ang gusto nyang sabihin kaya sinagot nya ito at nilagay sa tenga nya.

"Hello?" Tanong nya.

"Ken, magkita tayo. Send ko na lang sayo ang location." Sabi ni Ella at ang boses nya ay halatang walang emosyon, tumango si Ken at sabi, "Sige."

Tapos pinatay ang tawag.

Inayos ni Ken ang mga gamit at tinago muna ang duffle bag ni Coleen, at nilagay ang necklace nya na may dalawang singsing nila Gabb sa isang box.

"Maghintay ka na lang Coleen. Malapit na ulit kayong magkita ni Gabb." Sabi nya at ngumiti.

Makalipas ang ilang oras ay nakarating si Ken sa lugar na binigay ni Ella sa kanya, pero nakita nya na isang abandonadong building ito kaya nagtaka sya nung una.

Pero pumasok pa rin sya at tumingin sa paligid.

"Ella?!" Sigaw nya and his voice echoed around the place.

"Ella?!" He repeat.

Natigil si Ken at napabuntong-hininga, aalis na sana sya pero biglang may mga lalaking pumigil sa harap nya.

Tapos meron din sa likod at bigla na lang sya tinutukan ng baril.

Biglang nagpakita si Ella at ngumiti sa harap nya, "Anong ibig sabihin nito?" Tanong ni Ken at nagpakita ng seryosong mukha.

"Malamang, nandito kami para patayin ka." Sabi nya at nagulat naman si Ken sa narinig nya, "Si Josh ba ang nag-utos sayo?" Tanong ulit ni Ken at tumango naman si Ella sa kanya.

"Oo, pero I think na dapat pinatahimik ka na namin noong una pa lang kasi wala ka namang kwenta." Sabi nya at seryoso pa rin si Ken sa kanya.

"Wala naman akong pakialam sa sasabihin mo eh, pero sa tingin mo mamahalin ka ni Gabb kapag pinatay mo ako?" Sabi ni Ken at bigla na lang nagalit si Ella nung marinig nya yun.

Kinuha ni Ella ang baril sa isang lalaki at tinutuk ito kay Ken, "Sige! Magsalita ka lang kasi yan ang last words na binibigay ko sayo, bago ka mamatay!" Sabi nya at hindi lang nagalit si Ken sa sinabi nya.

Pero biglang nag-ring ang cellphone nya at nagulat naman si Ken.

Bigla na lang sya hinawakan ng mga lalaki at kinuha ni Ella ang cellphone sa bulsa nya at nakita na ang pangalan ng tumatawag ay 'C'.

"C? Meaning ba ni to ay Coleen?" Tanong ni Ella at napangiti.

"Ella! Bitiwan mo yan!!" Sigaw ni Ken pero hindi nakinig si Ella at pinatay ang tawag nya.

"Hindi dapat malaman ni Coleen na mamamatay ka na. Dapat makuha muna sya ni Josh." Sabi nya at patuloy na tumawa sa harap nya.

"Ang sama mo!!" Sigaw nya at hindi sya binitiwan ng mga lalaki.

"Bugbugin nyo muna yan!" Utos ni Ella at nagulat naman si Ken nung marinig nya yun.

Bigla na lang sya sinuntok at sinipa ng mga lalaking nasa harap nya, habang si Ella ay kinuha ang cellphone nya at tinawagan si Josh.

"Hello?" Agad naman na sinagot ni Josh ang tawag, "Josh, ipaalam mo tong number na to sa hacker mo para malaman mo kung nasan na si Coleen ngayon." Sabi ni Ella at natawa naman si Josh.

"Sige, maaasahan ka talaga. Ikaw na bahala kay Ken, gawin mo gusto mo." Sabi nya at pinatay ang tawag.

Agad naman na nilagay ni Ella ang contact number ni Coleen sa text at pinadala ito kay Josh.

Pagkatapos nun ay sinira nya ang cellphone ni Ken at tinago ang kanya sa bulsa nya.

Tiningnan ni Ella kung may bala yung baril at nakita nya na kompleto pa ito at hindi pa nababawasan.

"Hoy! Tama na yan, tabi!!" Sabi nya at nagsitigil naman silang lahat.

Tinutukan nya ng baril si Ken at ngumiti, "Rest in peace sayo." Sabi nya at binaril sya.

Pero akala ni Ella na doon na natatapos ang lahat, biglang dumating ang mga pulis at inaresto sya.

Nagulat naman sya nung mapagtanto nya na planado lahat ni Ken para makulong sya.

"Sige na! Ikulong na ang mga yan, tumawag kayo ng ambulansya!!" Sigaw ng isang pulis at tumango naman ang iba.

"Sir, may pulso pa sya!" Sabi ng isa.

"Okay! Isakay na lang natin yan sa sasakyan." Sabi ng pulis at umalis sa lugar.

---

Chapter 73 ends.

Chasing My Wife | Unicoco Fan FictionWhere stories live. Discover now