~•Chapter 30•~

218 17 6
                                    

Coleen's POV :

Nagluluto ako ng lugaw, tapos lumapit si manang sakin. "Ma'am, ako na po dyan." Sabi ni manang and I shook my head, "Hindi na po, ako na po." Sabi ko at ngumiti.

"May sakit na naman po ba si ma'am Gabb?" Tanong nya sakin at naghiwa ng bawang at sibuyas, "Opo." I uttered at pinatay yung apoy sa kalan.

"Naku!! Ganun parin ang batang yan, di talaga natatauhan!" Sabi ni manang sakin and I was a bit puzzled, "Anong ibig nyong sabihin, manang?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi nung sya na ang nagmana ng kumpanya nila ay palagi syang stress at paminsan di na natutulog, hindi nga kumakain kaya nagkasakit noon." Sabi nya and I seem to understand it.

Pareho pala sila ni ate Abby, bakit ganun ang mga CEO? Di kumakain?

"Ma'am, alagaan mo sya. Kasi pagnalaman ng mama nya, paniguradong mag-aalala yun." Sabi nya and I nod multiple times.

"Opo, aalagaan ko po sya." Sabi ko at kumuha ng bowl para lagyan ng lugaw, after kong maglagay ng lugaw ay kumuha ako ng paracetamol para inumin din nya.

"Manang, pwede po bang magdala kayo ng isang basong tubig sa kwarto ni Gabb?" I asked at tumango si manang, "Sige ma'am." Sabi nya.

Pumunta ako sa taas at binuksan ang pinto ng kwarto ni Gabb, nakita ko na mahimbing ang tulog nya kaya parang nag-aalinlangan akong gisingin sya.

Nilagay ko yung bowl na may lugaw sa bedside cabinet nya and then umupo sa tabi nya, "Gabb, gising." I gently pat her cheeks at unti unti naman nya binuksan ang mga mata nya.

"Coleen?" She said with a weak voice at ang mata nya ay gusto pang matulog, "Kain ka muna ng lugaw at uminom ng gamot, tapos pwede ka ng matulog." Sabi ko and she nod at me, slowly sit down at binuksan ang mga mata nya.

Kinuha ko yung lugaw at hinipan para lumamig ng konti, tapos sinubuan ko sya.

"Ako na." Sabi nya and I shook my head, "Ako na! Dahil di ka nagsasabi kung may lagnat ka o wala." Sabi ko and feed her again.

"Galit ka ba?" Tanong nya and I shook my head, "Hindi, bakit naman ako magagalit. Instead of being angry dahil hindi ka nagsabi, I felt worried." Sabi ko kasi totoo naman.

Nag-aalala ako, pareho silang dalawa ni ate Abby kaya parang naiisip ko si ate Abby sa kanya.

"Pakiusap, wag mong sabihin kay mama." Sabi nya and I nod, "Oo na. Hindi ko nga sasabihin sa mama mo kaya wag ka ng mag-alala kasi hindi ko sasabihin." Sabi ko at sinubuan sya ulit.

"Thank you." Sambit nya and I was a bit surprised to hear that, "Para saan?" I asked her at sinubuan sya ulit.

"Kasi inaalagaan mo ako ngayon kahit hindi kailangan."

Hearing that makes me smile widely, "Okay lang yun, asawa-." Natigil ako nung marealize ko yung sasabihin ko sa kanya.

"Kaibigan! Kaibigan mo naman ako." Agad kong pinalitan yung sasabihin ko and then I saw her smiling widely in front of me, "Okay lang naman sakin na tawagin na asawa mo." Sabi nya at pakiramdam ko ang init ng mukha ko.

"Sige na, ubusin mo na to para makainom ka na ng gamot." Sabi ko at sinubuan sya, tapos may kumatok sa pinto.

"Ma'am, ito na po yung tubig." Sabi ni manang at agad ko naman kinuha yung tubig sa kanya, "Salamat po." Sabi ko at ngumiti lang sya.

"May ipag-uutos pa po ba kayo?" Tanong nya and I shook my head, "Wala na po. Pwede na po kayong bumalik sa ginagawa nyo." Sabi ko at patulot syang ngumiti at umalis sa kwarto.

Nilapitan ko si Gabb at kinuha yung gamot nya, binigay ko yung gamot at tubig at pinagmasdan syang inumin ito.

"Next time, magsabi ka kung may lagnat ka para di mo na kailangan pumasok." Sabi ko at kinuha ang baso sa kanya after nyang uminom ng tubig.

"Oo na, magpahinga ka na rin kasi baka ikaw din magkasakit, eh di ako tuloy pinagalitan ni ate Abby." Sabi nya, "Eh di wag mong sabihin kapag may sakit ako."

She lie down at pinikit ang mga mata nya.

Lumabas ako ng kwarto and then pumunta sa kusina para maghugas ng bowl na ginamit ni Gabb.

Pagkatapos nun ay bumalik ako sa taas ng kwarto ko at pumunta sa banyo para maligo muna.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik ako sa loob ng kwarto ni Gabb at dahan-dahang sinara ang pinto para hindi maingay.

Tapos umupo ako sa tabi ni Gabb and caress her hair.

First time ko syang alagan ng ganito, parang naninibago pa ako ng konti pero okay lang naman sakin. This feeling of comfort ay hindi ko naramdaman nung kami pa ni Josh.

Baka ito yung dahilan bakit nagustuhan ko sya?

Pero ngayon, I'm ready to let go of the feelings I have for her kasi ang tingin nya sakin ay kaibigan lang talaga.

"Sana.. Tayo na lang talaga." I uttered then kiss her forehead.

Alam kong hindi ako magugustuhan ni Gabb, ex nya si Ella and when I think about it, I felt guilty for myself.

Si Ella ay isang malakas na babae na nagustuhan ni Gabb.

Tapos ako isang mahina at palaging nagkakasakit na tao, kaya I think hindi ako magiging type ni Gabb. Pero kung sino man ang piliin nya in the future, support ko sya kasi alam ko sa pagdating namin sa future na yun, wala na akong feelings para sa kanya.

---

Chapter 30 ends.

Chasing My Wife | Unicoco Fan FictionWhere stories live. Discover now