PROLOGUE

765 21 0
                                    

Nanginginig ang aking mga kamay nang marinig ang pagbukas ng karwaheng sinasakyan ko.

May telang nakatakip sa bibig ko at parang hindi ako makahinga.

"Pwede na toh?" turo sa akin ng isang lalaki.

Hinigit ako ng kasama niya at hinihimas ang braso at hita ko. Gusto ko nang maiyak ngunit pinipigilan ko. Baka masampal na naman ako.

"This'll do. Ihatid mo na yan sa mansyon,"

Binalik ako sa loob ng karwahe at gumalaw na ito patungo sa kung saan man ako dadalhin.

Nagtatrabaho ako sa isang beer house bilang waitress. Bali-balita sa bayan ay may nawawalang mga babae tuwing gabi pero nababalik din naman pagkatapos ng ilang araw.

Ilan sa kanila ay wala nang maalala.

Naririnig ko ang tibok ng aking puso dahil sa sobrang kaba.

Ilang oras ang nagdaan ay huminto ang sinasakyan ko. Dinarag ako palabas nung lalaki at hinila patungo sa isang malaking mansyon.

Napalunok ako ng pumasok na kami. Tinignan ko ang pagsirado ng malaking pintuan sa likod ko. Gusto ko nang umuwi.

Umakyat pa kami sa ikalawang palapag. Nakayuko lang ako sa buong oras na nasa loob ako ng mansyon.

Kabado sa kung ano ang mangyayari.

Pumasok kami sa isang malaking kwarto at pinaluhod ako.

"You two, leave." rinig kong sabi ng isang lalaki.

Narinig ko namang umalis yung dalawang lalaki na naghatid sa akin at sinarado ang pinto.

Nakayuko pa rin ako at kita kong may lumuhod din sa harapan ko.

Napaungol ako ng hawakan niya ang buhok ko sa likod at pinaangat ang aking ulo para magtama ang mata namin.

"You're too good looking for a waitress in a beer house. Are you really not an escort?" tanong nito at sinusuri ang aking mukha.

Kumunot ang noo ko. Escort? Really?

Inamoy niya ang leeg ko at hinalikan iyon ng marahan.

"And you smell really good."

Tumaas ang aking mga balahibo sa ginawa ng lalaking ito! M*nyak ba toh?

"You'll do good pretending to be my wife," binitawan niya ang aking buhok at tumayo na.

Wife? Anong—

Bago pa ako makaprotesta ay may naamoy akong mabango na nagpabagsak ng aking mga talukap.

Fake Wife of the DukeWhere stories live. Discover now