CHAPTER 10

101 10 0
                                    

I opened my eyes and saw a big figure standing beside me.

I blinked my eyes and saw Felix, crossing his arms.

"Anong oras na?" tanong ko.

I feel refreshed. Parang ang sakit lang ng buong katawan ko kanina.

"You slept whole day" yun lang ang sabi niya at lumabas na ng kwarto.

Nakita kong pumasok si manang at inalalayan ako papunta sa banyo para maligo at binihisan ako.

I am again wearing a dress.

"What happened to Felix?" tanong ko kay manang.

Umiling siya.

"Hindi ka gumising man lang kahapon, at ang taas pa ng lagnat mo! Tinanong niya kung bakit ka nagkaganyan,"

Hindi niya tinapos. Of course sinabihan niya si Felix!

"Hindi ka na pwede lumapit sa knight quarters," balita nito.

What?

Bago pa ako makapagtanong ay umalis na siya.

Nagkalagnat lang ako. Hindi naman masama iyon!

Kinalma ko ang aking sarili at naglakad na papunta sa opisina ni Felix pero wala siya doon.

Dumiretso nalang ako sa dining room at hinintay siya.

"Ma'am mauna nalang daw po kayong kumain, may ginagawa pa ang Duke," nag-alalang sabi ng isang katulong.

Tumango na lamang ako at nagsimula nang kumain.

Pagkatapos ay naglakad ako sa bago kong favorite spot! Sa ilalim ng puno.

"Magandang umaga po!" bati ko sa mga hardinero.

"Magandang umaga ma'am!" bati ng isa at tinaas ang kaniyang sombrero.

Umupo na ako roon at tinignan ang kabuuan ng lugar. 

Butterflies are swarming around the bushes. The sound of the bird tweeting is really a music to my ears!

Tinignan ko ang mansyon. At mula rito kita ko si Felix na lumabas sa veranda ng kaniyang opisina.

Nilibot niya ang kaniyang tingin at huminto sa akin.

Hindi pa nag-isang minuto ay umalis na siya roon.

Bigla naman ako nairita. What's with him?

Nakita ko si manang na may dalang stroller na puno ng sweets at may tsaa din!

Tinulungan ko siyang ilatag iyon sa lamesa.

"Hindi na ba sumasakit ang ulo mo?" nag-alalang tanong nito.

Umiling lang ako.

"Mabuti naman," sabi niya at umalis na rin.

Walang gana kong kinain ang isang cupcake habang natulala at madaming iniisip.

I wish my father will reply as soon as possible. Para malaman ko ring okay na siya.

Naputol ang pag-iisip ko nang gumalaw ang isang bahagi ng bush at lumabas doon ang puting fox na kinuha ko noong nakaraang araw!

Agad ko siyang kinuha at marahang tinapik ang ilong nito.

Pinaupo ko siya sa isang upuan at umupo na rin ako.

"Let's have a small tea party!"

Binuhusan ko ng tsaa ang baso niya at nilagyan ng cupcake ang platito.

The fox stared at me wondering what am I doing to him.

Tawang-tawa ako sa kabaliwan ko. Siguro ganito talaga pag walang magawa!

Pinakita ko sa kaniya kung paano kumagat ng cupcake at natawa pa ako.

Kinuha ko ang cupcake niya at sinubuan siya.

Kumain rin naman!

"What are you doing?"

Napalingon ako sa kung saan iyon nanggaling.

Naglakad si Felix patungo sa lamesa at kinuha ang fox sa upuan at siya ang umupo roon.

He then put the fox down to the ground at tinaasan iyon ng kilay.

"You can ask me to accompany you, why have a fox instead?" tanong nito.

Pinunasan ko ang aking kamay. Nawalan ng ganang kumain.

"You really think I would ask a person who gave me a bad impression when I woke up after a long sleep?"

He sighed.

Fake Wife of the DukeWhere stories live. Discover now