CHAPTER 35

297 19 1
                                    

The clanking of the spoon and fork as it hit the plate, are the only noise that can be heard.

Walang nagsasalita, maybe the helpers also felt the there's something odd going between us.

Tumayo ako at pinahiran ng table napkin ang aking bibig.

Nahinto naman si Felix sa pagkain at tinignan ako.

"You're done already?" tanong niya.

Tumango ako at sinulyapan ang isang katulong.

"Gusto mo na ba magpahinga, kamahalan?" tanong ni Manang.

Ni hindi ko namalayan na andoon pala siya.

Tumango ulit ako at dali-daling naglakad papunta sa silid ko.

Nanginginig ang mga paa ko habang umaakyat sa hagdan.

"Nagmamadali ka kamahalan?" tanong na naman ni Manang.

Pagkasabi niya noon ay bumagal ang lakad ko.

"Hindi naman po!" ngumiti ako.

Ngumiti din siya parang nang-aasar!

Dumiretso ako sa nakasanayan kong silid noon pero agad akong sinuway ni Manang.

"Naku! Hindi na diyan ang silid mo! Utos ng Duke na ilagay ang mga gamit mo sa silid niya," ngumiti ulit siya.

Tumango ako umiwas ng tingin.

Nauna si Manang na maglakad patungo sa silid ni Felix at siya na rin ang nagbukas nun.

Bumalik ang mga alaala ko noong gabing iyon.

Although we've been doing it in my room in the palace, I can't still forget how he did me in this room.

Mas namumula ako ng papunta na kami sa bathroom. Pinaliguan naman ako ni manang.

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.

"Pasensya na po sa nangyari noon, nadamay ka pa po," sabi ko habang nilalagyan niya ng shampoo ang buhok ko.

Nakababad ako sa loob ng tub at nakayuko ang ulo.

"Naku kamahalan wala lang iyon! Hindi naman kami nasaktan!" masiglang sagot ni manang.

Suminghap ako.

Kami? So madami silang napagbuntungan ng galit ni Felix!

Nilingon ko siya at tinignan ang kaniyang mga mata. Wala akong makitang kahit katiting na galit doon.

"Baka nasabi niyo po iyan dahil alam niyong prinsesa ako sa kinatatakutan niyong kaharian!"

Namilog ang kaniyang mga mata. Tanda ko pa noon, kung gaano siya katakot sa Kaharian ng Monalian. Madami pa siyang sinasabi nun, tinatawanan ko lang.

Agad namang umamo ang kaniyang mukha. Marahan niyang nilapat ang kaniyang palad sa aking pisngi.

"Kahit kailan iha, hindi ako nagalit sayo. Wala akong plano na magalit sayo. Alam kong may rason ka kung bakit mo iyon ginawa at saka maayos lang ako huwag mo akong alalahanin,"

I pouted and sighed.

I want to hug her! Pero baka mabasa siya.

Natapos na ako sa pagliligo. Sinuotan niya ako ng roba at nauna na siyang lumabas sa bathroom.

Tinignan ko ang aking mukha mula sa salamin. Nagtagal ang titig ko doon at nang napagpasyahan nang lumabas ay napahinto ako.

Kakapasok lang ni Felix at isa-isa niyang tinanggal ang pagka butones ng white long sleeves niya.

Fake Wife of the DukeWhere stories live. Discover now