CHAPTER 26

136 13 1
                                    

I stayed there longer than I expected. When I felt a little bit okay. I went back to the castle.

Mahina lang ang lakad ng kabayo. Nang papalapit na ako sa palasyo ay may nakita akong tumatakbo patungo sa akin.

"Lavenna!" rinig kong sigaw ni papa.

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. I don't want to cry in front of him!

"What were you thinking?" galit na sigaw nito.

Hindi ako sumagot at tinignan lang siya. He's tired at kita ko na gusto niya matulog. He's been looking for me.

Kinuha ni papa lubid ng kabayo at inalalayan ito patungo sa gate ng palasyo

"She's already here!" rinig kong sigaw ng isang kawal.

I saw people running to our direction at isa na roon si Duane.

"Nahihibang ka ba? Ano ba napasok sa utak mo at—" hindi niya natuloy iyon nang makita ang mukha ko.

He hissed and opened his arms wide.

"Come here. I'll bring you to your room,"

Bumaba ako sa kabayo at bumagsak sa mga bisig ng kuya ko.

Karga na niya ako and I hid my face on his shoulders.

"I'm sorry," I whispered.

He hushed me.

"Let her rest, Duane" rinig kong sabi ni papa.

I felt Duane move. Nagsimula na siyang maglakad papasok sa palasyo.

"Is she hurt?" nag-alalang tanong ni Alisha.

Naramdaman kong umiling si Duane.

I raised my head to see what's going on.

May kausap na si papa na mga kawal at kasama doon ang hari ng Calier. Kinuha na rin nila ang ginamit ko na kabayo.

I also saw Princess Alisha behind, wearing a night gown at puting scarf sa leeg.

But what really caught my attention is a man standing not that far from me.

He stared at me with no expression. He look so tired maybe he helped looking for me? Is he worried about me?

Stop it Venna! You should stop giving meaning to things!

Hinatid nga ako ni Duane sa kwarto ko. Sumama pa si Alisha.

I went straight to bed at pinikit nalang ang aking mga mata.

Kinabukasan ay maaga akong binihisan ng mga katulong ko. I'll be watching the hunting tournament with Princess Alisha.

Ang mga lalaki lang ang makakasali sa tournament na iyon.

Papa and King Cruzeir stayed in the palace. May iba daw silang gagawin.

"Give your best gentlemen! Dapat magaganda ang makukuha niyo para may maibigay kayo sa mga babaeng napupusuan niyo!" masiglang sabi ng host.

Rinig kong tumawa si Alisha at pumalakpak na rin. Maybe she's excited kung anong makukuha niya mula kay Duane!

I rolled my eyes. Edi kayo na!

"Let the hunt, begin!"

Kita kong isa-isa na silang pumapasok sa kagubatan. They have two hours bago bumalik dito. Kung sino ang may pinaka mabangis na hayop na makuha ay siya ang mananalo!

"What happened last night?" tanong ni Alisha.

Ngumiwi ako, bakit niya pa tinanong?

"Nothing, nagpahangin lang ako," sagot ko at sumandal sa upuan.

Fake Wife of the DukeWhere stories live. Discover now