ChAPTER 15

88 10 0
                                    

"Here are the cupcakes, my lord," sabi ng isang waitress at nilapag iyon sa table namin.

Kumikinang ang mga mata ko dahil sa dami ng sweets na nasa harap ko.

'I will treat you to Sweet's Store, '

Naalala kong sabi ni Felix nang tumahan na ako.

Masaya kong sinusubo yung cinnamon roll at sinunod yung cupcake.

Abala si Felix sa pag arrange ng mga pagkain sa lamesa. Di na kasi kasya ang iba! Ang liit naman kasi nitong table nila!

Nagbuhos siya ng tsaa sa isang tea cup at uminom. Sinubuan ko na rin siya ng cupcake.

"You're really weird," umiiling siya habang sinasabi iyon.

Tumawa nalang ako sa sinabi niya.

"You really like protecting the kingdom huh?" I teased him.

He smiled.

"Protecting my land is my priority Venna,"

Ngumuso ako.

"Paano kung may hahadlang sayo?"

Tinitigan niya ako sa mata.

"No one can. And no one will dare to stop me from doing it,"

Ngumiti ako sa sagot niya. So confident!

Hindi ko maubos ang iba kaya nagpakuha ako ng paper bag para dadalhin ko nalang pauwi! Sayang naman kasi pag-iiwan lang.

"This is for Mish," I murmured while putting some cupcakes on the other paper bag.

"Mish?" kuryuso niyang tanong.

"The fox!" sabi ko na dapat alam niya yun.

"Your Mish can eat the cupcakes, manang makes. These are for you, so keep it." sabi niya bago ako hinablot palabas sa tindahan na iyon.

"Put these in the carriage," utos ko at binigay sa kaniya ang tatlong paper.

He looked at me shocked. Tinagilid ko ng konti ang ulo ko, hinahanap kung ano ang problema niya.

He sighed then walk towards our carriage.

Nagtitingin ako sa labas ng isang botique nang hinablot niya na naman ako papasok doon.

"Pick whatever suits your taste. I'll pay," sabi nito.

My jaw dropped and without a doubt nagsimula na akong magtingin ng mga dress.

This is a stress reliever! I've never imagined that he'll do this!

Habang pumipili ng magagandang damit ay may narinig akong hagikhik.

"You look so hot last night! But I couldn't come to you cause your wife was there!" rinig kong sabi ng isang babae.

Yakap ang tatlong damit ay naglakad ako patungo kay Felix.

"Stop it Vienna," pigil ni Felix sa babae na pamilyar sa akin.

Wait saan ko ba siya nakita?

"You missed me! I know!" desperadang sigaw nito at kumapit na sa dibdib ng asawa ko!

"You're being unreasonable," he said coldly. Then asked a staff to kick 'Vienna' out of the store.

Pumunta na ako sa kaniya.

"Who was that?" agad na tanong ko.

"One of General Mak's women," paliwanag nito habang pinagpagan ang kaniyang damit.

Tinulungan ko na rin siya. Naiirita ako dun ah!

"And why is it coming for you?" parang galit na tanong ko.

He just chuckled at tinignan ang mga damit na dala ko.

Umiilag pa! Sige!

"This'll look good on you," sabi niya.

Hinablot ko iyon sa kamay niya.

"I know!" sabi ko at pumasok na sa dressing room para i-try iyon.

Nagseselos ako! At dapat hindi ko ito nararamdaman! I am only pretending! And after this papakawalan na niya ako.

Ang daming chance na lumayo ako, tumakas sa kaniya. Pero hindi ko ginawa.

Venna you're doomed. Really bad.

Lumabas ako at tinignan ang sarili ko sa salamin. I tried a plain peach colored tube dress. Natatakpan nito ang tuhod ko.

I smiled. It really looks good on me!

Then I saw him walking towards my back.

Nawala ang ngiti sa labi ko at galit lang siyang tinignan.

May kinuha siya sa bulsa niya at pinakita sa salamin ang isang gintong necklace!

He then put it around my neck. Huminga ako ng malalim. Shocked at his move.

It has a hummingbird pendant. It looks beautiful!

"I was about to give this to you earlier but you cried," sabi niya na may panunukso na tono.

He grabbed my waist and snaked his arms around it. Hugging me from the back. Binaon niya ang ulo niya sa leeg ko.

"I'm sorry about the commotion earlier, I don't know why she keeps coming after me. It just started when he saw me with General Mak," paliwanag niya.

He kissed my neck then hugged me tighter than ever.

I've melted again. It's always like this. My heart would always melt for him.

Fake Wife of the DukeWhere stories live. Discover now