Ang Simula

2.4K 47 5
                                    

ANG SIMULA

"Whoo Shots!!" Malakas ang ingay, hiyawan at tawanan ng mag-kakaibigang masayang nag-lalaro ng gabing iyon.

Hindi na alintana ang napaka-lalim na gabi dahil bukas pa ang kanilang mga diwa.

Anim silang mag kakaibang batchmate no'ng high-school at nag kasundo sila na mag- karoon nang isang reunion sa bahay ng isa nilang kaibigan. Para mag- saya at mag aliw dahil iyon muli nilang pag-kikita matapos ang mahabang panahon. Bale tatlong babae at tatlong lalaki rin silang matalik na mag- kakaibigan at bahagyang naka- upo silang anim na, pa circle sa tiles na patuloy na nag-kakasaya.

Sa gitna naman nila doon naka-lagay ang iba't-ibang chichirya- pulutan at iba't-ibang mga matatapang na mga inumin na malalasing ka talaga.

"Mag laro tayo ng truth or dare!" Tinig ng kaibigan na ang pangalan ay Marco.

"Gusto ko iyan!" Hagikhik na lintarya ng isa kong kaibigan na si Mika.

"I like you're idea!" Sinang-ayunan naman ng kaibigan nilang si Justine.

"Oo naman, para naman maiba naman ang laro natin diba?" Jamie.

Naroon sila sa bahay ng kaibigan na si Jamie, at kasalukuyan na siya lamang ang mag-isa sa bahay dahil ang mga magulang nito nasa ibang bansa dahil na rin nag- bakasyon ang mga ito. Kasalukuyan na kasama ni Jamie ang nakakatandang kapatid na si Mark Samuel, pero malimit lamang ito kong umuwi dahil na rin abala din ito sa trabaho.

"Sige, kong ano gusto niyo. Doon na lang din ako," saad ni Clarence at umayos ng pag-kakaupo.

Kinuha na ni Mika ang walang- laman na bote ng san-mig light at nilagay sa gitna nilang lahat. Inayos nila ang kanilang pag kaka-upo sa tiles, para maging maayos ang porma ng circle para masimulan na nila ang laro.

"Ganito ang rules okay, simple lang naman," pag instruct sa kanila ni Marco at naka- titig sa kanilang lahat. "Kong sino ang maturo ng bote kailangang pumili ng truth or dare. At kong sino ang nag pagalaw ng bote, siya mismo ang may karapatang mag tanong ng mga katanungan," sunod na salaysay nito at nakikinig lamang sila sa sinasabi nito. "Kong sino man ang hindi masagot at hindi magawa ang dare na pinapagawa natin, kailangang mag bayad ng sampung-libong libo kada isa sa atin. Mas maganda na iyon para naman walang KJ sa ating lahat." bahagya silang napa- tango dahil maganda naman ang naging plano nito pero napaka- taas ng sampung libo na naisip nito na dapat bayaran. "At kapag sinabi ng isang panig na truth sa katanungan. Ang susunod na maturo ng bote, hindi na kailangang sabihin na Truth sa susunod.. Kagaya rin kapag sinabi ang Dare, ano malinaw na ba iyon sainyo?" Ginala ni Marco ang tingin sa bawat-isa para mahingi ang aming opinyon.

"Game ako riyan!" Excited na sambit ni Clarence dahil ito naman ang pinaka-mayaman sa grupo namin.

"Game ako riyan!" Mika at sinang-ayunan naman ng lahat.
Barya lamang sa kaibigan ko ang mahigit sampung-libo dahil mayaman naman ang mga magulang nila.

Tahimik lamang naka-upo si Lea Kristine at nakikinig lamang sa pinag-uusapan ng mga kaibigan.

"So game na ang lahat, simulan na natin ang laro!" Taas- noo na sambit ni Clarence.

"Ako na ang maunang mag papagalaw ng bote ha?" Excited na sambit ni Mika at hinawakan nito na ang walang laman na bote ng san-mig light. Pinaikot niya iyon, at sa bawat pag- galaw ng bote nag bibigay kaba sa kanilang lahat, at tumataimtim na dasal na sana hindi sila maturo ng nasabing bote.

"Whoooaa!" Malakas na hiyawan nang lahat ng maturo ng bote kay Marco.

"So Marco, truth or dare?" hahamong saad ni Mika, na animo'y handa na ito sa pag subok na ibibigay kay Marco.

The Dare [COMPLETED]Where stories live. Discover now