Chapter 27

541 18 1
                                    

Chapter 27

LEA KRISTINE'S POV

"Ughhk!" Patuloy na pag-duwal ni Lea sa sink.

"Mommy, ayos ka lang po?" Tinig ni Steven sa likuran. Binilisan na hinugasan ni Lea ang bibig at hinarap ang anak na naka-tayo sa likuran ko. Pansin ni Lea ang takot na lumukob sa mata nito na makita ako nag kaganun.

Suot ni Steven ang cute na uniforme nitong pag-pasok. "Ayos lang si Mommy, sweetheart." Bahagyang yumuko si Lea para mag kapantay sila nang titig ng anak at nagulat na lang siya sa sunod na ginawa nito nang hawakan ang mag-kabila kong pisngi. Sunod naman hinawakan ang noo ko para alamin ang temperatura ko at ang sarili nito.

"Hindi naman po kayo mainit mommy, kagaya ko." Inosenteng salaysay nito. "Pero bakit ganun? Bakit ang putlang-putla niyo po?" Kahit hindi man ako nabiyayaan ng mabait at mapag-mahal na asawa. Binigyan naman ako ng mabait at mabuting anak.

Hinaplos ang puso ni Lea sa sinabi ng anak.
Siya talaga ang aking lakas na patuloy na kumapit.
Kaya't patuloy na lumalaban.

"I'm alright sweetheart. Huwag kang mag-alala dahil konting pagod lamang ang nararamdaman ni Mommy today." Pilit akong ngumiti dito.
Dumaan lamang sa gilid namin si Mark at dire-diretso kaming nilampasan ni Steven. Sunod na lumapit si Mark kay Mae na naroon lamang sa sala nanunuod ng tv at hinalikan ito sa labi–para mag paalam na ito na papasok sa trabaho.

Bumaling nang tingin sa gawi namin si Mark at mabilis naman kaagad na binawi ni Lea ang titig. Ayaw kong salubongin ang tingin dahil alam ko naman na ako lang naman ang masasaktan sa bandang huli.

Ilang segundo na ganun si Mark at sunod ko na lang narinig ang yabag ng mga paa nito paalis.
Wala man lang itong sinabi.

Hindi man lang ito nag paalam sa amin na aalis na ito.

Ano pa ba ang aasahan ko?
Ayaw niya sa akin.
Ayaw niya sa amin ng anak ko.

May kong anong kirot sa dibdib ni Lea at selos sa dibdib na hanggang kaylan hindi pa rin kami magiging sapat para sakaniya. Pinigilan ko na lang ang sarili ko na maiyak na akala ko, tuloy-tuloy na ang pagiging buo ng pamily namin.
Akala ko tuloy-tuloy na siyang magiging malapit sa amin ng anak ko.
Pero lahat lang pala palabas iyon.

Bigla akong natigilan at pinag-hinaan nang loob ng malaman kong makikipag divorce na siya sa akin.

Iyon naman ang gusto niya eh.
Ang nawala na kami ng tuluyan sa buhay niya.

"Mommy?" Sinilip ako ni Steven at tumalikod na si Lea sa anak para hindi nito makita na umiiyak na naman ako. Ayaw kong makita na nasasaktan na naman ako.

"Sige na anak, m-maupo kana sa table at ihahanda lang ni Mommy ang almusal mo," basag kong salita at kinuha ko na ang ulam sa rice cooker para handain ang almusal naming dalawa. "Ano bang gusto mo? Hotdog or e-egg?" Basag kong salita at doon na lumandas ang aking mga luha.
Hirap na hirap si Lea na pigilan ang sarili na humagolhol ng malakas.

Sobrang sikip na nang aking dibdib at ang lalamunan ko ang sakit na rin.
Ganito pala kasakit ang aking mararamdaman.
Akala ko, tuloy-tuloy na ang saya ko–ngunit palabas lang ang iyon.

"Kahit na ano po Mommy, basta luto mo. Hihi." Mabilis na pinunasan ni Lea ang bakas na luha sa mata at inayos ko ang aking sarili.

Nilapag ko sa lamesa ang mga hinanda kong almusal para sa aming dalawa at naupo na si Steven sa bakanteng silya. "Kumain ka nang marami ha?"

The Dare [COMPLETED]Where stories live. Discover now