Chapter 22

446 15 1
                                    

Chapter 22

MAE'S POV

"Base pa lang sa ngiti at aliwalas nang mukha mo Mae, mukhang maganda ang araw mo ngayon ah," umiling na lang si Mae. Kasalukuyan silang naroon sa sikat na restaurant ng kaibigan, na madalas nilang pinu-puntahan.

Nag-kibit balikat na lang si Mae at umayos ng pag-kakaupo, sabay sabing. "Isa-isa na rin nasasa-ayos ang aking mga plano. Malapit ko nang mapatalsik si Lea sa buhay ko Winnie, at kapag nagawa ko ang bagay na iyon. Wala nang hahandlang pa sa pag-sasama namin ni Mark," pareho na lang sila nag karoon ng pahiwatig na titigan ng kaibigan.

Ito rin talaga ang matagal ng plano ni Mae, ang pag-hiwalayin si Mark at Lea.

Inagaw sa akin ni Lea ang lahat-lahat ng mga bagay na gusto ko, at lalong-lalo na rin ang lalaking pinaka-mamahal ko!

At hindi ko hahayaan na sirain niya muli ang magaganda kong mga plano.

Umalis ako nang bansa para maka-limot, at para rin makapag-simula ulit, sa sakit na dinulot nila sa akin!

Kahit ilang taon na ang nakaka-lipas, hindi pa rin naalis ang sakit na binigay nila sa akin, kaya't nangako ako sa aking sarili.

Na sa aking pag-babalik, babawiin ko lahat nang mga inagaw sa akin ni Lea!

Ipaparanas ko rin sakaniya kong gaano kasakit ang agawin ang taong pinaka-mamahal niya.

Hindi na ako makakapag-pigil pa!
Gagawin ko ang lahat para lang maalis ang isang tulad niya sa landas ko!

Gagawin ko ang lahat para wala nang hahadlang pa sa aming dalawa ni Mark.

"Wow, hangang-hanga talaga ako sa'yo friend. Paano mo naman mapapaalis si Lea sa landas mo? Remember kasal silang dalawa ni Mark, diba?"

"Ako na bahala ang mamroblema pa doon Winnie. May plano na din na mag file ng divorce si Mark sa asawa niya at iyon na lang ang hini-hintay kong 'go signal' .Ngayon hindi ko pa magawa-gawa ang mga plano ko dahil hindi pa din umaalis ang lintik na Lea na iyan. Ibang klase! Kahit ilang beses na siya, pinag-tutulakan ni Mark, para pa din siyang linta na kapit nang kapit!" Iritado kong tinig.

"Paano kong hindi siya pumayag sa divorce? Paano kong ayaw talaga niyang iwan si Mark? Kahit anong sabihin Mae, malakas pa din ang kapit ni Lea dahil siya ang totoong asawa, at hindi ikaw."

"Kahit kuminding at akitin niya man si Mark, hindi siya pipiliin at mamahalin Winnie." Iyon ang panlaban ko dahil mahal na mahal ako ni Mark, at wala itong katiting na nararamdaman para sa asawa nito. "Tignan mo naman kong gaano kapatay na patay sa akin si Mark, na ako pa rin ang niluluhudan niya at hindi ang walang-kwenta niyang asawa.." irap ko pa dito. Naging matalim ang naging paraan ng mga titig ni Mae sa puntong ito. "Kailangan ko na talaga na gumawa nang aksyon Winnie, hindi ako papayag na hanggang dito na lang kami ni Mark. Kailangan na may gawin ako, para tuluyan nang umalis ang babaeng iyan. Iniiwasan ko rin na malaman ito ng mga magulang ko at kapag nangyari ang bagay na iyon Winnie, mawawala sa akin lahat-lahat! Lalong-lalo na rin ang mga pinag-hirapan ko." Humigpit ang pag-kakahawak ni Mae sa kubyertos.

Nag vibrate ang cellphone at nag text lamang ang nakaka-bata niyang kapatid na si Ivonne.

Hindi pinansin ni Mae ang text at sumunod na tawag ng kababatang kapatid–at kinalaunan pinatay niya ang tawag para hindi na siya kulitin nito.

The Dare [COMPLETED]Where stories live. Discover now