Chapter 11

456 20 6
                                    

Chapter 11

Dapit alas dyes pa lang nang gabi, ngunit bukas na bukas pa ang diwa ni Lea na naka-upo sa kama.

Hindi pa siya inaantok at hinihintay na dumating si Mark.

Pasilip-silip si Lea sa bintana, at namumuhay ang lungkot sa puso niya dahil hanggang ngayon wala pa si Mark.

Asan kana ba Mark?

Bakit hindi ka pa umuuwi?

Kasama mo pa ba hanggang ngayon si Mae?

Ilang beses na rin tinawagan at ti-next ni Lea si Mark, ngunit hindi nito sinasagot ang aking mga tawag. Hindi rin nito magawang replyan ang mga text ko at tinanong ko rin si Jamie kong naroon sakanila si Mark, ngunit wala daw doon.

Rinig ni Lea ang pag-bukas sara ng pinto ng aming silid na tanda na may pumasok. Bumilis muli ang tambol ng puso ni Lea ng makita ang maitim na pigura nang asawa na bagong dating lamang.

Hindi ko nakita masyado ang buong mukha nito dahil tangi lamang lampshade ang mistulang ilaw ang nag bibigay liwanag nang silid na iyon na, sapat na sa akin para makita ang asawa ko.

"M-Mark," nabuhayan ang dibdib ni Lea ng makita ito.

Niluwagan ni Mark ang tie at wala itong pakialam sa aking presinya.

Namuhay muli ang matinding kirot at galit sa puso ni Lea dahil sa ginawa nito sa akin.

Sinugod ni Lea si Mark at sinampal nang ubod ng lakas, hindi pa rin nakuntento, at pinag papalo ko ang dibdib nito. "Hayop ka. Manloloko ka! Paano m-mo ito nagagawa sa akin huh? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito Mark ha? B-Bakit?" Bumuhos na ang mga luha sa mga mata ni Lea na hindi na makayanan ang hirap at sakit.

Kinakalimutan ko, kong ano man ang nakita ko kanina, ngunit hindi pa rin maalis ang sakit sa puso ko sa pananaksil nila sa akin!

Mga hayop sila!
Mga manloloko!

Pinag-hahampas at palo ni Lea ng malakas ang dibdib ng asawa ko, ngunit hindi pa rin mawala ang sakit at kirot na dulot na binigay nila sa akin.

"Sana pinatay mo lang ako Mark, kaysa saktan mo ako nang ganito. Walang-hiya ka talaga! Bakit huh? Bakit?!" Malakas kong sigaw at kasunod ng pag-iyak ko sa harapan nito.
Ang sakit-sakit na!

Hinuli ni Mark ang aking pulsuhan at hinila ako palapit dito. Naroon na ang galit at pag-titimpi na saktan ako anumang minuto. "The fuck. Could you shut it! Tigilan mo na ito Lea!" He sounded pissed.

"T-Tigilan?" Mapakla kong salita. Bakit pinapahirapan mo ako ng ganito Mark? Bakit parang wala lang sa'yo ang mga nangyari? "Nasasaktan na ako tapos tigilan k-ko? Bakit mo ako niloloko nang ganito Mark? Bakit sinasaktan mo na lang ako parati ng ganito? Ano bang nagawa kong pag-kakamali sa'yo ha? Bakit si Mae pa? Bakit sa kinarami-rami ng mga babae, bakit siya p-pa?" Umagos muli ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko makayanan na ganito ang ginagawa niya sa akin.

Wala akong nakuhang salita muli dito ngunit naroon ang lamig sa bawat titig nito sa akin.

Malamig na titig, na nag papasakit ng aking dibdib. "Bakit hindi na lang a-ako Mark? Hindi naman ako mahirap mahalin ah? Bakit kailangan mong mag hanap pa ng babae? Mahal na mahal kita Mark at ayaw kong masira ang pag-sasama nating dalawa." Hirap kong salita at inis na binitawan ni Mark ang pulsuhan ko.

"Alam mo naman na matagal ng sira ang pag-sasama natin Lea!"

"No, hindi totoo iyan Mark. Please don't ruin our family. Tatanggapin at kakalimutan ko kong ano man ang nangyari at nakita ko kanina sa Opisina, just please huwag mo na akong saktan ng ganito.." kahit masakit, kayang-kaya kong lunukin labat ng hirap para lang hindi niya piliin si Mae. Kahit masakit sa parte ko, titiisin ko alang-ala sa pamilya ko. "K-alimutan mo na si Mae, nandito naman kami ni Steven Mark, please kami na lang nang anak mo,"

The Dare [COMPLETED]Where stories live. Discover now