Chapter 28

597 19 1
                                    

Chapter 28

STEVEN'S POV

Tahimik lamang nag lalaro sa malawak na sala ang bata. Naka-kalat ang mga mamahalin na mga laruan doon at iba pang mga gamit gaya ng mga libro, papel at ibang pang-guhit.
Napaka-tahimik ng umagang iyon kaya't malayang nakapag-lalaro ang bata.

"Hi sweetheart." Nilapitan ni Lea ang anak na tahimik lamang na ginu-guhit ito sa papel at hawak ang crayola. "Anong ginu-guhit mo?" Sinilip ni Lea ang ginuguhit nito at isa lamang iyon na litrato na lalaki.

"Si Daddy po ito Mom." Nag shape ng O ang labi ni Lea na hindi inaalis ang tingin sa ginuhit nang anak. "Sabi po kasi ni Teacher namin na iguhit namin ang taong mahal na mahal namin.. At ginuhit ko po si Daddy. Sunod ko naman na iguguhit ikaw Mom, katabi ni Dad dito sa litrato po."

"Talaga? Wow ang ganda naman nito anak.. Gusto makita ni Mommy ang ginuhit mo kapag natapos mo na iyan."

"Sure po Mom." Hagikhik na salita ni Steven.

"Sige Steven, aalis lang sandali si Mommy okay? Dadaan lang ako sa malapit na market, para bumili na kulang na rekado na aking iluluto mamayang pananghalian.. May gusto ka bang ipabili?" Umiling na lang si Steven at ngumiti.

"I'm good Mommy."

"Okay ka lang ba, na mag-isa dito?"

Tumango si Steven. "Opo Mom, okay lang ako mag-isa dito. Isa pa po, nandito naman si Tita Mae, at si Mia." tumingin si Lea sa parteng ikalawang palapag dahil naroon si Mae at ang anak nito. "Babalik din ako kaagad, pakabait ka habang wala pa ako."

"Yes Mommy." Nag salute pa si Steven na kina-ngiti naman ni Lea. Ginulo ni Lea ang buhok nang anak at lumabas na para bilhin ang kailangan nito.

Nang maka-alis na si Lea, tinuon na lang ng bata ang atensyon sa ginuguhit. Gusto niya kasing maagang tapusin ang mga iyon para maipakita at maibigay sa kaniyang Ama darating mamayang gabi. Hindi maalis sa labi ng bata ang matamis na ngiti at excitement sa dibdib na tiyak na magugustuhan ng kaniyang Ama iyon.

Maka-lipas ang sampung minuto na pananahimik ni Steven sa sala.

Sunod niyang narinig ang padabog na martsa ng paa sa sala ang batang babae naka-suot na pink na kasuotan at nakapa-maywang na.

"Hey you!" Agaw atensyon nito kay Steven.

"Hey!"  Tumaas ang boses nito na hindi pinapansin ni Steven.

"Bakit Mia?" Bored na saad ng bata.

"Uupo kana lang ba dito buong mag-damag?" Pinapanuod lamang nito ang bata at walang planong sumagot. "What is that??"

"Drawing ko,"

Sinilip ni Mia ang ginuguhit ni Steven at umasim ang mukha ng bata. "Ewww! Gross! Ang pangit-pangit mo talaga, kagaya ng mga drawing mo." Sumilay ang ngisi sa labi ni Mia na tumatak ang naisip na plano. "Gusto mo bang gumanda pa lalo ang mga ginuguhit mo, Steven?"

"Paano?" Walang ano-ano hinablot ni Mia ang ginagawa ni Steven. Tumayo naman si Steven pra kunin iyon kay Mia.

"Akin na iyan Mia." Pilit na inaagaw ni Steven ngunit sa tuwing kukunin niya na iyon. Nilalayo pa palayo ni Mia. Hindi gaanong makuha ni Steven dahil may katangkaran din sakaniya si Mia.

"No! Akin na ito. Bleeh!" Pag tutukso pa ni Mia na naka-labas pa ang dila nito. Patuloy lamang nag hahabulan ang dalawang bata sa malawak na sala at tuwang-tuwa ang pilyang si Mia na inaasar nito si Steven sa ginuhit nito.

The Dare [COMPLETED]Where stories live. Discover now