Chapter 17

452 13 3
                                    

Chapter 17

WARNING: R18

LEA KRISTINE'S POV

Nang matapos na mabihisan ni Lea ang anak at tinahak na nila ang daan pababa sa unang palapag.

"Bilis Mommy, baka dumating na school bus ko po," hila-hila ni Steven ang kamay ng Ina para ipahiwatig na lalo pa niyang bilisan sa pag-lalakad.

"Sandali lang sweetheart, huwag mong bilisan at baka madapa ka niyan eh."

"Hihi," hagikhik pa itong tumawa–na hindi pina-kinggang ang sinabi at paalala ni Lea.

Nahinto sila pareho ni Steven ng maka-labas na sila sa labas at naroon nga ai Mark, kasama si Mae at anak nilang si Mia.

Naka-suot si Mia ng cute na uniforme sa pinapasukan nitong private school at naka-tali ng ribbon ang mahaba nitong buhok na cute nitong tignan. Sa likuran naman ni Mark, naka-sunod naman si Mae na suot ang puting bestida.

"Bye Mommy." Humalik pa si Mia sa Ina at yumakap ng mahigpit na tanda ng pag-papaalam.

"Okay, mag-pakabait ka sa school okay?"

"Yes po Mommy, always po kaya akong good girl. Diba daddy?" Hagikhik na tawa ni Mia na hindi na masukat ang matamis na ngiti sa labi ng bata.

"Good girl ang anak natin love, nag-mana kaya siya sa akin." Dugtong naman ni Mark.

"Asus naman. Oo na, oo na." Mae.
Inayos ni Mark ang suot na bagpack ni Mia at sinakay na ito sa kotse nang aking asawa.

"Aalis na kami ni Mia, love. Ayos ka lang na mag-isa dito?"

"I'll be fine. Don't worry."

"Tawagan na lang kita mamaya." Umiwas na lang ng tingin si Lea nang hinalikan ni Mark sa labi si Mae.

Bago paman mangyari iyon, pina-talikod ko na si Steven para hindi na makita nito ang nangyari.

Kong paano hinalikan ng kaniyang Daddy si Mae.

Kinurot ang puso ni Lea sa sakit, na harap-harapan ko pa talaga masasakihan ang bagay na iyon.

Harap-harapan pa talaga sila nag-halikan, at sa nakikita pa ni Steven.

Bumaling ang tingin ni Mark sa gawi namin at wala man akong narinig mula sakaniya. Nag paalam na ito kay Mae bago sumakay sa sasakyan nito.

Ilang segundo pa, binuhay na ni Mark ang makina ng sasakyan at umatras na ito palabas ng bahay namin.

Gumuhit ang pait sa labi ni Lea, dahil napaka-saya nilang pag-masdan kanina na, isang happy family.

Nag-mukha tuloy kami ni Steven na  nakiki-siksik sa kanilang pag-iibigan.

Sa kanilang masayang pag-sasama na dalawa.

"M-Mommy, bakit po?" Binitawan ni Lea si Steven ng masiguro ko talagang naka-alis na si Mark. "Umalis na po ba si Daddy? Hindi man lang ako nakapag-paalam sakaniya Mom." May pag kadismaya sa tinig nito.

Hinaplos ni Lea ang buhok ng anak at dumako ang aking tingin sa kina-tatayuan ngayon ni Mae.

Naka-crossed arms ito, at maarteng pumanhik sa loob ng bahay namin.

"Tara na sweetheart?" Ginaya ni Lea ang anak na lumapit sa gate, at ilang segundo ang aming pag-hihintay dumating na din ang school bus ni Steven at hinatid ko na siya.

The Dare [COMPLETED]Where stories live. Discover now