Chapter 8

493 19 7
                                    

Chapter 8

LEA KRISTINE'S POV

"M-Mae?" Hindi makapaniwalang lintarya ni Lea nang makita itong muli maka-lipas ang ilang taon.

Nabalot ng takot ang aking puso na nasa harapan ko na ito mismo. Nanigas ang katawan ni Lea na hindi ako maka-kilos at galaw na para akong naka-kita nang multo.

Ang ex-girlfriend ng aking asawa.

Naka-suot ng crop- top white sleeveless si Mae na humubog ang maganda at sexy nitong pangangatawan at sa ibabang parte ang maong pants, at pares ng sandals na suot nito. Hanggang leeg ang haba ng maganda at kulay itim na buhok nito na bumagay naman sa itsura. At suot ang light make-up na tumingkad ang kagandahan nito, na parang artista ang ganda at kinis ng kutis nito. Suot ang red shades ng lipstick na mag mukha itong matapang, pero nakaka-attract ang dating sa ibang tao. Lalo pa itong gumanda at blooming kumpara no'ng huli ko itong makita. Napaka-lamig ang mga mata na walang bahid na emosyon.

Umuwi ito?
Kaylan?
Bakit hindi ko alam ito?

Bakit bigla ata akong kinabahan nang ganito?

"Look what you did to my shirt, you ruined it!" Matinis na asik nito na namula na ang mukha sa labis na galit. Nag kalat ang tumilapon kong drinks sa suot nitong damit, na hulmang-hulma talaga ang flavored drinks sa white top nito. "You're so stupid miss, don't you know that this dress of mine is only limited edition and you're just going to destroy it like this!" Tumaas na ang tinig nito na mataranta na si Lea dahil naagaw na namin ang atensyon ng ibang tao na naroon.

Sandali hindi niya ba ako nakilala?

"P-Pasensiya na talaga hindi ko sinasadya. Babayaran ko na lang ang damit mo, pasensiya na talaga." Patuloy kong pag- hinggi ng tawad dito dahil kasalanan ko naman talaga dahil hindi ako tumi-tingin sa aking dinaraanan.

"Huh? Will you pay for this dress of mine? Are you joking?" Puno ng sarcasmo nitong tinig at hinarap ako ng matapang. "Tignan mo nga ang sarili mo, at para kang pulubi sa dating at itsura mo na wala ka ngang kakayahan na bayaran ang pinamili mo dito sa Grocery, tapos ang kapal naman ng pag-mumukha mo para sabihin na babayaran mo ang damit ko?"

Bawat salita na lumalabas sa bibig nito, napaka-talim pero hindi na lang sumagot si Lea dahil ayaw kong lalo pa itong magalit sa akin.

"P-Pasensiya na talaga, hindi ko sinasadya." Nilabas ko sa bulsa ang panyo at tangkang pupunasan ang nag kalat na drinks sa suot at leeg nito, pero nagulat na lang si Lea nang padabog nitong tinabig ang aking kamay- na parang nakaka-hawa akong sakit sakaniya.

Nakaka-takot ang itsura ni Mae at ang mga mata puno ng galit at panunuklam. "Pwede bang huwag mong idapo ang nakaka-diri mong kamay sa akin? Nakaka-diri ka talaga! I don't want to see your goddamn face again! You hear me! Stupid!" Inis nitong binunggo ako at nilampasan na si Lea.

Hinawakan ni Lea ng mariin ang hawak kong panyo, at tinignan si Mae hanggang sa mawala ito sa aking paningin.

Kinagat ni Lea ang ibabang labi.
Ano ang rason mo Mae at bumalik kang muli?

Dahil ba kay Mark?

Sa aking asawa?

Hanggang sa maka-uwi si Lea napakaalim ng aking iniisip, at hindi ako mapakali sa aking nasaksihan kanina. Maraming bagay ang bumabagabag sa aking isipan at ayaw kong mag- isip ng kong ano-ano.

The Dare [COMPLETED]Where stories live. Discover now