Chapter 7

560 19 4
                                    

Chapter 7

LEA CHRISTINE'S POV

Nagising ako sa inggay na hindi ko mawari kong ano iyon.

Hindi gaanong klaro sa aking pandinig, pero parang tunog iyon na nag mumula sa ibaba.

Minulat ko ang aking mata at kinapa ko ang kaliwang bahagi at doon ko napag-tanto na may nahawakan akong malambot.
Bakit malambot?

Bakit ganito ang aking naramdaman?

Napa-balikwas na lamang ako sa pag-kakahiga at doon ko napag-tanto na naka-higa ako sa kama.

Sandali bakit ako nandito?
Bakit nasa silid na ako?

Ginala ko ang aking tingin sa kabuuang silid namin ni Mark, at bakas pa din ng katanungan sa aking isipan kong bakit ako nandidito.

Anong ginagawa ko dito?

Huli kong pag kakatanda na uminom kagabi si Mark kasama ang kaniyang mga kaibigan.

Pinag-lutuan ko pa sila nang masasarap na pag-kain.

At pag-katapos kinulong ako ni Mark sa stock room, at doon na ako sinumpong ng aking sakit at nawalan nang malay.

Pero bakit ganito?
Bakit nandito na ako sa silid namin?

Pinikit ko ang aking mga mata at pilit na inaalala ang mga nangyari kagabi, pero kahit anong pilit ko, wala talaga akong maalala.

Napa-mulat ako ng aking mga mata ng maalala akong isang bagay.

Hindi kaya?

Hindi kaya, si Mark ang nag hatid at dala sa akin dito sa amin sa silid?

Dinala niya ba ako dito dahil nag-aalala siya sa nararamdaman ko?

Dinala niya ba ako dito, dahil naawa siya sa akin?

Iniisip ko pa lang ang bagay na iyon, hindi mapigilan ni Lea na pamulahan ng pisngi, at maka-ramdam ng kilig na nanuot sa kalamnan niya sa simpleng ginawa nang kaniyang asawa.

Mahal mo na ba ako Mark?

Parang high school student na kilig na kilig si Lea nang sandaling iyon, na hindi na maipaliwanag ang nararamdaman para sa asawa.

"Sabi na nga ba eh. Mahal mo din ako Mark." Hindi na maalis ang matamis na ngiti sa labi ni Lea, ng sandaling iyon. Para na siyang baliw na naka-ngiti at ini-imagine ang pag-gawang pag hatid sa akin ni Mark sa aming silid.

Bumagon na si Lea sa kama ng marinig ang hindi familiar na tunog na nanggagaling sa ibaba.

Doon lamang tumatak sa isipan ni Lea na kailangan niya nang bumangon at kumilos.

Jusko.

Kailangan ko pang mag handa ng almusal para kay Mark at si Steven.

Napa-tampal na lang sa mukha si Lea na naka-limutan kong kailangan kong gumising ng maaga para lamang asikasuhin ang anak niyang papasok sa school.
At si Mark na maagang papasok sa kompaniya.

"Jusko po, si Steven." Wala sa sariling sambit ni Lea at kumaripas na siya ng bangon at dali-daling sinuot ang tsinelas.

Walang pinalampas na segundo si Lea na tumunggo papunta sa ibaba para lamang makapag-handa na nang almusal. Hindi na alintana kay Lea ang kaniyang suot at manipis na damit pantulog.

The Dare [COMPLETED]Where stories live. Discover now