Chapter 28

305 13 1
                                    

Jade's POV

December 9 na at bukas na yung pa gift giving event ko for my chosen charities. Naayos naman na yung mga ibibigay. Pero syempre may program dapat. Ngayon ko lang gagawin to, usually kasi, pag nagoorganize kami ng ganitong event, isang institution lang. Pero sana kayanin no?

'madam, your program starts at 8am. It will begin at Hospicio De San Jose. 10am, you will be at Sagip Buhay Foundation, then we will leave at 12pm. Lunchtime, and you will visit the Home for the Aged and at 2pm onwards, you will be with the Golden Gays in Pasay.. is that correct, ma'am?' Grace, my secretary asked me

Mabuti naman at may schedule nako. Hindi ko talaga alam kung paano pupuntahan yan isa isa mga mars. Mabuti na lang at anjan si Grace para maging taga ayos ng mga ganap ko pag may ganito akong pa event.

'thank you Grace. You are a life saver! Hindi ko talaga alam kung paano hahatiin ang oras ko.. thank you talaga'

'you're welcome madam. I will go ahead now. I need to make sure that everything is complete po para po tuloy tuloy tayo bukas' she said

'Okay, ipapahatid na kita kina kuyang PSG, just let them know your destination. You can use them muna para di hassle sa oras. Thank you again, Grace'

She just smiled at me saka nagpaalam na. Haaay, pasalamat talaga ako sa secretary ko na yan. Napaka organize, puro approval na lang ang hinihingi ko. Kaya di ako nagsisisi na hinire ko yan eh.

After my secretary left, nagtuloy nako sa kusina para magluto. Yung mag aama ko, wala pa ah. Nagpaalam kasi yung asawa ko na pupuntang Ilocos para sunduin ang mga bata. Sinasama pa nga ako pero humindi ako. Kelangan ko pa kasing ayusin yung mga kulang sa event bukas.

I was just cooking our lunch when my phone rings. It was Bonget kaya sinagot ko ito.

'hi love.. nakarating ka na sa Ilocos? Yung mga bata? Anong oras uwi nyo?' I asked him habang nakatingin sa niluluto ko. Im making sinigang na hipon, favorite ni Zayn to eh.

'yes love, andito nako. The kids are here as well and as for the time, baka bukas na kami umuwi, the kids doesnt want to go home yet.. they are still enjoying here.. okay lang ba?'

Ano daw? Bukas pa talaga kung kelan ko sila kailangan?! Gosh! Pano ako nito bukas? This time, napatingin nako sa kanya.

'what?! Didnt you know na bukas na yung gift giving event ko sa apat na institutions? Akala ko ba tutulungan nyo ko?'

'Simon and Vinny will be there later on wife, sila muna bahala while Sandro and me are gone. Kaya mo na yan love, ikaw pa? Eh si Wonder woman ka..'

'ako wag mong inuuto ha? Kaya pala wala kang kakibo kibo when I planned for this event kasi you dont have any plans to help, sana sinabi mo agad diba?' naiinis nako nyan

Nakita ko namang natawa sya. Wala, iniinis talaga ako ng lalaking to. Ugh, pag uwi nyan dito, sa sala talaga yan matutulog!

Maya maya pa, Zayn's face was shown on the camera. Mukhang wala na akong magagawa, parang kami na lang nila Vinny ang magcecelebrate ng birthday ko. Magiinom ako ng bongga bukas! Kala nya ah?

'hi mom. Dont be mad at papa, you see, my siblings and I wanted to go to Pagudpud. We will be home tomorrow evening. I promise.. love you' saka nag flying kiss at pinatayan ako

Di na tumawag si Bonget kaya hindi na din ako nag abalang tumawag ulit. So eto pala yung pakiramdam na maindyan ka sa sarili mong birthday? Ugh.

Tinapos ko lang yung niluluto ko saka inaya yung mga housemates namin and the PSG's na saluhan akong kumain. Eto ang ayoko sa lahat, ang kumain mag isa.

Fell in Love with the President (Book 2)Where stories live. Discover now