Chapter Ten 🔞

1.1K 22 0
                                    

Angelina POV

Vacation Out of Town Part one

Nagkukusot ng mata na bumangon ako habang tumitingin sa wall clock na nasa kwarto ko. Halos hilahin ko pabalik yung sarili ko sa kama nung makita ko yung oras. Hindi pa dapat ako babangon dahil tinatamad pa ako at masyado pang maaga. Pero lintek na kumakatok na to ayaw akong bigyan ng mapayapang pag-tulog.

Sobrang bagal ko pa nga yata maglakad dahil halos wasakin na nung kung sinumang hinayupak na yan yung pinto ng bahay ko sa pagkakakatok. To the point na sini-shake na nila yung doorknob tapos itutulak yung pinto.

Parang tanga lang naka lock yan akala yata mabubuksan sa pag rattle nung doorknob. Muryot na muryot na humarap ako sa nasa kabila ng pinto ng mabuksan ko ito. Pero mas lalong nadagdagan ang pagkabanas ko ng makita ko itong dalawang hudyong magkapatid na ito sa harap ko at sila pa itong nakabusangot.

"ANG AGA AIST!!" nagrereklamong sabi ko sa sarili ko pinapahalata na mainit ang ulo ko.

"Good Morning, Angel!" nakangiting bati nila, tss pangiti-ngiti ngayon kanina lang nakabusangot.

"Anong ginagawa niyo dito ng ganitong oras? seryosong tanong ko.

"Diba mag out of town tayo" giit ni Carson

"Pasok na!" asik ko sa dalawa at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.

"Galit ka pa din ba?" si Cray ang nagtanong gamit ang nagpapaawang boses.

I snorted.. "Paanong hindi ako maaasar sa inyo eh kayo na ang nag desisyon para sa akin, para na akong walang boses pag gusto niyo yun ang dapat masusunod" mahabang litanya ko.

Napangiti si Carson na nagpakunot sa noo ko "So hindi ka galit naaasar ka lang?" unsure pero nakangiting tanong nito.

"Hindi naman ako sanay magalit, oo naiinis ako, nagtatampo pero hanggang doon lang iyon." I mumbled

"Ayaw mo ba kaming makasama?" singit ni cray.

"What?! How can you say that?!" napalakas na ang boses ko

"Kase pakiramdam ko ayaw mo kaming makasama eh, nagalit ka nga samin nung pinag-paalam ka namin na mag out of town tayo." Mahabang litanya nito.

"Hey gusto ko kayong kasama okay, ang ayaw ko lang ay yung pangungunahan niyo ako sa mga desisyon ko, pero huwag mong sabihin na ayaw ko kayong kasama, dahil hindi yun totoo sobra kayong mahalaga sa akin." pagkayari kong sabihin yun ay niyakap ko na sila ng mahigpit.

Itong dalawang to hindi ko gusto na nalulungkot sila o nasasaktan dahil masyado na silang mahalaga at natatakot akong dadating ang panahon na magkasakitan kaming tatlo. Hangga't maaari gusto kong nasa akin lang ang atensyon nila, alam kong ang selfish ko pero masisisi niyo ba ako na maramdaman ito.

Sila lang ang taong nagparamdam sa akin na mahalaga ang existence ko, na pag wala ako ay hindi sila magiging masaya.

"Gaano kayo katagal na nakatayo sa harap ng bahay ko? Pagkuwan ay tanong ko sa kanilang dalawa.

"Dumating kami dito medyo maaga pa, nag dalawang isip kase kami kung kakatok kami or hihintayin namin mag umaga." Carson answered

"Eh alam kase namin na galit ka kaya hindi muna kami kumatok pero nung mag isa at kalahating oras na kumatok na kami ang tagal mo nga magising eh." Cray seconded

"Alas tres y media palang naman matulog muna tayo." Pag-aaya ko sa kanila at hinatak na sila papuntang kwarto ko.

"Tutulog lang tayo?" nakangusong tanong ni Cray habang humihiga

"Yes brother, we need to get up early" seryoso si Carson ng sabihin niya yan.

Hinila ako ni cray papahiga sa tabi niya at kaagad na yumakap sa akin. Sumunod na humiga sa tabi ko si Carson at kagaya ni cray ay yumakap din ito. Mainit at masikip pero okay lang, masyado na kaming inaantok para intindihin pa ang pwesto namin tatlo.

Moon Star: The Lucky Stipper (Published under Immac PPH)Where stories live. Discover now