Special Chapter 3: The Reconciliation Part Two

405 8 2
                                    

Special Chapter (reconciliation betwen cray& Carson and their parents

Carson POV

"Are you ready to face our parents?" Tanong ko kay Cray habang nagmamaneho ako papuntang tagaytay.

Kakagaling lang namin ng Cagayan De Oro para kausapin ang parents ni Angel, nakakalungkot lang na wala na pala si tatay.

Siguro nakausap na din siya ni Angel sa heaven, masaya ako at naayos na yung gusot sa nanay niya, nakakaawa lang na naging huli ang lahat para magkapatawaran sila at mas makasama pa ang isa't isa.

Pero alam ko namang hindi nagtanim ng galit si Angel sa magulang niya, hindi kagaya namin ni Cray na mula noong nalaman namin sa ampon lang pala kami ay hindi na kami unabes na nagpakita.

Ngayon palang yung time na pupunta kami sa bahay ulit at natatakot ako na hindi na nila kami ituring na anak. Mahal na mahal ko ang magulang ko kahit na sabihing hindi ko sila parents ay sobrang mahal ko sila, nasaktan lang talaga ako kaya ko nagawang pagsalitaan sila ng hindi maganda.

"Namimiss ko na din sila kuya" Ani Cray

Ngumiti ako sa kanya at binilisan na ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Nang makarating kami sa bahay ay inabutan namin si mommy and daddy na malungkot na nakaupo sa bench sa garden at nakatanaw sa malayo.

Napabuntong hininga ako dahil sa awang nakikita ko sa magulang ko, paano ko natiis na saktan ang magulang ko, imbes na ipagpasalamat ang pagbibigay sa amin ng marangyang buhay ay nakukuha ko pa silang saktan.

"hey baby go to your Lolo and Lola and hug them." Nakangiting utos ko sa dalawang anak namin.

Napakabait ng mga anak namin, para silang si Angel sa tuwing tumitingin ako sa mga anak namin ay hindi ko maiwasan ang maiyak dahil kamukhang kamukha talaga sila ng namayapa naming asawa.

"Lolo, Lola!!!" natawa ako ng makitang gulat na gulat na nakatingin ang magulang ko sa mga anak namin.

Pagkasigaw ng mga anak namin ay mahigpit itong yumakap kila mom.

Naiiyak na tumingin samin si mom at dad habang mahigpit na nakayakap sa mga anak namin.

Nang makita kami ay mabilis na tumakbo si mommy papunta sa amin para yakapin kaming magkapatid.

Napatawa nalang ako sa paghagulgol ni mom "hahaha".

"son-!" yun lang ang nasabi ni dad dahil mabilis ko siyang pinutol sa pamamagitan ng mahigpit na yakap.

"Sorry dad, sorry!" nakakabakla man pero hindi ko mapigilan ang maiyak dahil sa sobrang pagkamiss ko sa parents ko.

"Ano ba kayo, dapat nga ako, kami ang dapat na mag sorry sa iyo lalo na kay Angelina." Ani dad habang tinatapik ako sa likod.

"Dad, miss na miss ko na kayo ni Mommy!" this time it was Cray who hug our parents while weeping.

"Dad, Mom can you tell us everything please?" pakiusap ko sa parents namin ng kumalas ako sa yakapan.

Bumitaw sa yakap ni Cray si dad at tinanguan kami.

Sabay sabay kaming pumasok sa loob ng bahay kung saan nakatayo si nanay elvie habang tahimik na lumuluha.

"Nanay!" tumakbo kami ni Cray kay nanay at yumakap dito.

"oh mga alaga ko, bakit ngayon lang kayo?" umiiyak na tanong ni nanay elvie

"Nanay pwedeng pakibantayan muna yung mga anak namin?" Masayang tumango si nanay elvie sa pakiusap ni cray, tinignan muna nito ang mga anak namin at may lungkot sa matang niyakag ang dalawang bata papuntang kitchen.

Moon Star: The Lucky Stipper (Published under Immac PPH)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant